Australia

831 29 8
                                    

Ken's POV

HINDI MAWALA yung tingin ko kay Rita habang nag aayos ito ng kwarto niya.. Binabalik niya kasi lahat ng books na naiwan sa kama doon sa bookshelves.






"Alam mo ba mabuti na lang pala may dala akong lipstick kanina! Ang bilis mabura nung velvet glossy na gamit ko kaninang naka purple outfit pa ako.. At kasalanan mo! Dapat kasi nagsabi ka na ngayon ang balik mo edi sana nag matte lipstick ako !"






Natawa ako..





"Kahit naman glossy or matte yung lipstick mo, mabubura yan sa mga halik ko.. "







Inirapan ako nito..





"So, mahilig ka na pala sa makeup ngayon? " tanong ko dito at ngumiti ito.






"Yes. Actually ito yung bagong nadiscover ko sa sarili ko.. May taste pala ako pagdating sa mga makeup. Marunong na akong mag full make up nang ako lang. Walang makeup artists! "





"Nice!"







"Kukuha na ba akong beer para simulan mo na ang kwento? " tanong nito..






"Just relax. Ako na ang kukuha ng beer. " sabi ko dito..







Pagbalik ko sa kwarto niya nakaupo na ito sa sofa..








"So, bakit ka umalis? " bungad na tanong nito.








"Kasi kailangan. Rita kasi narealize ko, sobrang mali eh. May mali sa akin, sa mga nagawa ko sayo, my attitude, kung paano ako mag isip, manakit .. May mali. And si Mom, siya ang nag advice sa akin kung ano ang tamang gawin.. I went to Australia para komonsulta sa psychologist, psychiatrist, & counselor.."











Seryosong nakatingin si Rita sa akin..













"Lalo na yung level ng anger ko Rita, hindi ko siya ma kontrol.. So si Mom, may kakilala siya sa Australia at doon ako nagpunta. Lumaki kasi akong puno ng galit yung puso .. Sabi ng Counselor sa akin, masyadong mabigat yung dala-dala ko sa puso at hindi ko daw mabitawan kaya yung bigat na yun, nadivert ko sa galit.
I undergone counseling, anger management classes for 5 months."














Hinawakan ni Rita ang kamay ko.. Pagtingin niya sa akin, tsaka ko lang napansing umiiyak ito..
















"Hey, don't cry! "














"A-alam ko yung pakiramdam na dumaan sa counseling.. After my miscarriage, Dammas help me to find a perfect doctor para madali akong makamove on, or maka let go sa mga naging issues ko, physically, mentally and emotionally.. "















"I'm sorry. " iyon lang ang lumabas sa bibig ko at naiiyak na akong hinalikan ang mga kamay ni Rita..
















"Thank you Ken, for doing that thing. A-alam ko kung gaano kahirap na haharapin mo yung sarili mong takot, sarili mong galit. Ang hirap.. " niyakap ko si Rita..

















"Inayos ko yung sarili ko para sa pagbalik ko, deserving pa ba or hindi na sayo, atleast, wala na ulet madadamay ma tao sa naging metal health issues ko. "
















Remorseless LoveWhere stories live. Discover now