Report

479 27 8
                                    

Ken's POV





NAGMAMADALI akong tumungo sa conference room dahil sa biglaang meeting with Mr. Castillan..












Pagpasok ko sa conference, wala pa si Mr. Castillan, si Dad palang ang andodoon.












Seryoso akong umupo sa tabi ni Dad.








"Nasaan na si siya? " tanong ko kay Dad.








"Pinapatawag ko na. "












Seryoso akong nakatingin sa pinto ng conference ng makita kong dumaan si Rita kasama si Mich..










"Tsss."











Pagpasok ni Mr. Castillan, pumunta na ako sa harap para sa presentation ko.







Marketing Strategy na report ni Rita.





Report ni Rita ang ipepresent ko sa kanila.. Nung nabasa ko yung strategy na pinasa ni Rita, medyo matagal kong pinag isipan kung maganda ba talaga ito. Medyo out of the box kasi ito sa mga strategy na naiisip ko pero Rita is always gave me an idea na "oo pwede rin pala" yung imagination niya for marketing strategy, napapabilib ako.





"Diba, alam naman natin na masyadong malaki at high end ang mall natin. Hindi basta basta yung mga tenant, meron tayong tenant ng mga international brands ng clothes, restaurant.. So isa sa naisip kong marketing strategy para mas dumami yung tao sa mall is, we are allowing MALL SHOWS ! diba, todays generation, mahilig sa mga artist, local man or international. Lalo na kung sobrang sikat, pupuntahan at pupuntahan nila yan. Doon, for sure dadami ang tao sa mall.. And its really help to find customers sa mga tenant, fast food chains.. " napahinto ako sa pagsasalita ng mapansin kong kumunot ang noo ni Mr. Castillan.



"Mall Shows? Hmm. What about sa safety ng mall? Baka pag dinumog yung artist, may mga unexpected accident? Or wag naman sana."



"We have a lot of security guard sa mall. I think hindi naman kami nagkukulang sa safety ng mall. " sabat ni Dad.






"Sorry to ask hah, yung idea kasi na nirereport mo Ken, ikaw ba talaga gumawa niyan? Parang ang layo kasi ng idea na yan sa mga strategies mo. Kailan ka pa nahilig sa artists? " natatawang tanong ni Mr. Castillan.







Kinuyom ko ang mga kamao ko. Iniinis na naman ako nitong Castillan na to.











"Ito yung pinasa ni Rita na Report. Nung inaral ko naman ito, wala naman akong nakitang masama. So binigyan ko ng chance.. " sabi ko at natawa si Mr. Castillan.











"Oh? Sabi ko na nga ba. Very Rita yung concept. Hmmm, kung si Rita naman pala yung gumawa ng report, bakit di natin isama si Rita dito at hayaang siya ang mag present ng REPORT NIYA? " sabi nito.













F*ck!











"I think nag lulunch break na si Rita ngayon. " sabi ko dito.












"Problema ba yun? Edi tawagan mo yung asawa mo. " sabi nito.

















Kanina ko pa gustong ibato sa kanya yung laptop eh.










Remorseless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon