Hospital

609 32 10
                                    

Mich POV








Naaawa akong nakatingin kay Rita habang himbing ang pagkakatulog nito..












"Kasi naman, ang tigas tigas ng ulo. Kung umuwi ka na lang kay Lolo! " bulong ko dito.
















"Pareho kayo ng Pinsan mo, nagsasalita kahit walang kausap.. "














Napalingon ako sa pinto.















"Anong ginagawa mo dito??? Bakit ka bumalik? " inis na sabi ko kay Ken.















"Kung hindi ko babayaran yung hospital bills niya, ikaw magbabayad? " tanong nito sabay upo sa may sofa sa gilid.














Ang kapal ng mukhang bumalik talaga!!!












"Kasalanan mo to Ken! " inis na sabi ko sa kanya.









"Oo. Sisihin niyo na akong lahat! " naiinis na sabi nito.











"Isusumbong kita kay Lolo. " seryosong sabi ko.













"Pinagbabantaan mo ba ako? "











"At bakit hindi? "




















Sabay kaming napatingin ni Ken sa taong pumasok sa pinto.
















Isang Doktor.












"Oh, sakto yung dating mo Padre Damaso! Ikaw nga kumausap dito sa Madre na to! " sabi ni Ken at lumabas na ito sa room.








"Sorry! Madre ka? " tanong ng Doctor at tinaasan ko siya ng kilay.














"Try mo nga i-search kung nagsusuot din ng Pajama yung mga madre.Baka nagkakasala na pala ako.  " mataray na sabi ko sabay pagpag sa pajama ko.. Ibinaling ko na lang ang atensyon ko kay Rita..











"Kaano-ano ka ni Rita? " tanong nito.
















"Pinsan. "














"Magpinsan kayo? Bakit si Rita, mabait. "












Agad ko siyang nilingon.











Aba!













"Hoy Doc! Maghinay hinay ka sa sinasabi mo!! " pagbabanta ko dito.













"Joke lang. Hmmmp, medyo bumaba na yung lagnat ni Rita.. Magiging okay na din siya." sabi nito.















"Hindi. "
















"Anong hindi? "











"Hanggat nasa puder ni Ken si Rita, hindi siya ok. " sabi ko at napayuko ako.


























Remorseless LoveWhere stories live. Discover now