Failed

562 24 6
                                    

Rita's POV









After 3 years..










"Dammas!!!! Ang sabi mo pupunta pa tayo ng Iceland!!! Dammas!! Bakit mo ako iniwan!! Mahal na mahal kita!!! "








Nalukot yung mukha ko habang umiiyak si Mich dito sa loob ng operating room..









Natawa ako ng biglang nahulog yung unan na hinihigaan ni Dammas.. Ang bobo talaga..








Kita sa mga mata ni Mich ang gulat ng biglang tumayo yung duguang si Dammas at lumuhod sa harap niya..






Napahilamos ako sa mukha ko.







"Will you marry me?? " natatawang tanong ni Dammas.







Mabilis na sinampal ni Mich si Dammas kasabay nun ang pagbulagta nito sa sahid.









Tawang-tawa ako at napailing na nakatingin kay Dammas.. Hindi tuloy ako makapag focus sa pag video ng planadong Wedding proposal for Mich kaso mukhang failed HAHAHAHAHA.










"Anong will you marry me hah?? Papatayin mo ba ako sa pag aalala?? Tumawag tong si Rita at umiiyak na binalita sa akin na nasaksak ka daw !!! Tapos pagdating ko dito, sinabi nila na wala kana!!! ----- teka? Planado ba ito??? "












Nag-iwas ako ng tingin..













"Te-tekaaa, ayaw mo bang magpakasal sa akin?? " kinakabahang tanong ni Dammas.










Mabilis na kinuha ni Mich yung singsing at isinuot niya sa sarili niya pero iniwanan niya ng isa pang sampal si Dammas at tuluyan na itong lumabas ng Operating room..










"Mich! "









Lumingon si Mich kay Dammas.









"Patay na nga ako. Patay na patay sayo!! " banat ni Dammas at tawa ako ng tawa.. Inirapan siya ni Mich at tumakbo na ito sa labas.












"Sabi sayo diba? Ang panget ng plano mo!! Oh ano ka ngayon?? Tsss. Napaka Corny.. " sabi ko kay Dammas..











Hinabol niya si Mich. Napailing na lang ako at napatingin sa mga kasabwat na nurses..












"Shonga no? " tanong ko sa kanila at tawa sila ng tawa.

















Hays. It's been 3 years. Ang dami ng nangyari. Ang dami ng nagbago..





















Nandidito kami ngayon sa isang restaurant.. Kahit na epic ang proposal kanina, mabilis na nasuyo ni Dammas si Mich..












"Hindi ka din nagpagirl eh no? Ikaw na mismo nagsuot ng singsing sa daliri mo!! " natatawang sabi ko kay Mich.












"Eh hindi na ako nakapag-isip na maayos eh!!! Grabeng proposal naman kasi yun. Muntik na akong atakihin!! "










"Diba ganun din naman yung feeling mo nung unang beses mo akong nakita. Muntik ka nang atakihin? " tanong ni Dammas kay Mich at tawang tawa ako.









Remorseless LoveWhere stories live. Discover now