Gigil

660 30 11
                                    

Rita's POV

NAKATINGIN ako sa salamin. Ngayong araw na gaganapin ang Anniversary ng company.. At sobrang kinakabahan ako para sa pageant.







"Rita!!! Blue or Red? Sa pagrampa.. " tanong ni Jake..









"Ikaw stylist ko for now diba? Bakit ako tinatanong mo? " sabi ko dito.









"Oo nga noh? Hahahahah. Girl kasi! Masyado akong excited para mamaya!! "










"Ako nga, kinakabahan na eh. "










"Late na naman yung partner mo! Wala pa sa dressing room! "









Naiinis ako. Hindi na nga siya umattend ng rehearsal, hanggang ngayon wala pa. Aattend pa ba siya??














Subukan lang niyang indianin tong Pageant!!! Grrr.











"I think ok yung Blue. " biglang sabi ko kay Jake.










"Oo. "










"Hindi naman porket Pageant dapat long gown eh. Ok na yan.. "












"Girl, kakabitan kita ng hair extension hah! Para naman magulat sila na long hair ka! Eeeeeeh.. "








"Parang di naman na kailangan! "








"Dali na!!! "










"Fine!"















Tinitigan ko mukha ko sa salamin..












"Girl!!! Andiyan na pala si Ken! Binibihisan na ni Jake. " sabi Mich.










Akala ko di na dadating eh.











Bale tatlong beses kami mag papalit.
1st is  para sa opening
2nd, swimsuit.
3rd,  for Q&A.










Feeling ko naman mabilis lang to matatapos kasi wala namang talent portion. Inaabangan din kasi tonight yung pa raffle para sa mga empleyado.. Iyon talaga yung highlight ng gabi. Magaganda kasi yung prizes kaya ang daming excited..








30 minutes bago magsimula ang pageant, hindi parin kami nagkikita ni Ken. Kaya kinakabahan ako sa pagrampa mamaya.. Hindi kasi siya pumunta ng rehearsal, baka magmukha kaming tanga dun mamaya.





















Papalabas sana ako ng dressing room ng bigla itong bumukas.. Bumungad sa akin ang isang lalaking kanina pa hinahanap ng mga mata ko.. Pero mas nagwagi yata ang puso ko dahil sobrang bilis ng pintig nito, animoy hinahabol ng milyon milyong tigre.










Napakagwapo nito.








Nakangiti siyang nakatayo dito at tila pa kinakabisado niya ang itsura ko ngayon.








Bumalik lang ako sa wisyo ng kalabitin ako ni Jake.










"Girl? Hindi mo ba gusto yung bulaklak? " tanong nito tsaka ko lang napansin ang bouquet ng red roses na inaabot ni Ken.








Remorseless LoveWhere stories live. Discover now