Napabaling ako sa dalawa. Lumakad si Aria. Sinundan namin siya ng tingin ni Alvaro at nakita kong papuntab siya sa isa sa hilera nng pine trees sa daanan. Naroon si Romulo, nagtatago at bahagyang nagwawalis.

"Hoy, ikaw! Kunin mo nga ang helmet mo sa scooter mo! Bilis!"

"Huh? Gagamitin ko 'yon mamaya, Aria. Kapag aalis na ako-"

"E 'di huwag kang umalis kung hindi pa ako nakakauwi!"

"Aria!" I called but she was too far to hear me.

Nilingon ako ni Alvaro. He looked pained.

"Hindi kami magtatagal. Yayayain ko siyang umuwi pagkatapos puntahan noong gusto niyang cafe."

Nagkatinginan kami. I hate that she's treating a house help that way.

Umalis si Romulo. Lumapit naman ako kay Aria at sumunod si Alvaro sa akin.

"Huwag mo namang pinapagsalitaan ng ganoon ang tao."

"Hay naku! Nanghihiram lang naman ako, ah?!" she said and she crossed her arms.

"Puwede mo namang ayusin ang pagsasabi. Hindi mo kailangang sabihin ng ganoon."

"Anong gusto mo? Romulo... pahiram naman ng helmet please?" lumiit ang boses ni Aria sa huling mga sinabi.

"Aria, tama na. Tama si Yohan. Hindi mo dapat ginaganoon ang tao. Puwede mo namang ayusin."

"Akala n'yo lang mabait iyon. Pag nasa school, akala mo kung sinong mayabang na matalino kung maka asta! Kaya huwag n'yo nga akong husgahang dalawa sa pakikitungo ko sa Romulo na 'yon!"

Nakalapit na si Romulo dala ang kanyang itim na helmet. Walang pakialam si Aria kung narinig man ni Romulo ang mga sinabi niya.

Pahaklit na kinuha ni Aria ang helmet bago plastik siyang nginitian.

"Thanks, Romulo."

She then turned to us.

"Masaya na kayong dalawa?!"

Alvaro sighed.

"Tara na, Alvaro. Magdate na tayo! Dito ka na, Yohan!"

Nauna na si Aria na pumunta sa motor ni Alvaro. Inayos niya na rin ang helmet niya. Alvaro looked at me first.

"Hindi kami magtatagal," he said.

I nodded.

Lumakad na rin siya patungo sa motor. Kasasampa niya pa lang, sumampa na kaagad si Aria roon at yumakap pa.

Aria had that mischievous grin directed at me as she wholeheartedly hugged Alvaro's body. Alvaro's brow furrowed a bit and he glanced beside him before turning the engine.

He nodded at me. I nodded back. Ganoon din siya kay Romulo sa likod ko bago niya pinaharurot ang motor niya papuntang gate.

Wala na sila nang binalingan ko si Romulo para humingi ng paumanhin.

"Pasensiya ka na kay Aria."

"Ayos lang. Sanay na ako sa kanya."

Umiling ako. "Hindi ka dapat nasasanay sa tungo niya. She really is mean," sabi ko.

Inayos niya ang salamin niya. Medyo na conscious din ako dahil nakasalamin din ako. Pareho kaming dalawa. Tumingin siya sa kuting na dala ko at pinasandal na lang muna ang walis sa pine tree.

"Si Alvaro ang nag-aalaga ng kuting mo?"

"Oo. Alam mo naman si Tita, bawal mag dala ng alaga rito sa bahay."

Hold Me Close (Azucarera Series #3)Where stories live. Discover now