"Nabanggit ko na kay Sir Isaac ang tungkol sa sinabi mo, he's excited to meet you," sabi niya nang nakangiti.

Hindi ko pa agad nakuha kung sino ang tinutukoy niya ngunit nang maalala ang tungkol sa sinasabing Tito Isaac ni Perj ay napagtantong tatay ito ni Colton.

Napalunok ako. Ayon kay Perj, hindi alam ng marami ang tungkol sa mga litratong involved sa naganap na extortion noon. Gaya ng tatay ni Colton, ang alam lang ng ibang tao ay na-scam sa negosyo si Colton.

Kahit iniisip na hindi niya naman ako kilala, pati na ang nakaraan namin ng anak niya, ay medyo kinakabahan pa rin ako.

Habang paakyat kami patungo sa opisina ng boss ay hindi ko maiwasang pansinin ang mga pagbabago sa hotel. Hindi na gano'n kagara ang mga muwebles sa paligid at hindi rin kasing dami ang tao kumpara noon.

Habang naglalakad sa pamilyar na opisina ay tahip-tahip na ang kabog ng dibdib ko.

Sa glass walls ay natanaw ko na ang isang older-version ni Colton at si Colton mismo na naging madilim agad ang ekspresyon pagkakita sa akin.

"Ms. Nayeli Reese, what a pleasure," malaki ang ngiti na sabi ni Mr. Isaac at naglahad ng kamay.

Tinanggap ko naman iyon nang nakangiti rin habang nagpapakilala siya.

"I heard you used to work here before, so I guess you already know my son?"

Sinubukan kong hindi maging awkward nang tumango at sumang-ayon. Marami pa siyang compliments na ibinigay sa akin at sinabing hindi pa rin siya makapaniwala sa pabor na ibinigay ko.

"As a token of appreciation, you'll always be welcome to spend your vacations here or just whenever you like," natatawang sabi niya.

Ngumiti naman ako. "Hindi naman na po kailangan ng kapalit. Malaki po ang utang na loob ko sa The Lodge dahil ito ang tumanggap sa akin no'ng mga panahong walang-wala ako," sinserong wika ko.

His eyes smiled. "Still, though."

Saglit pa kaming nag-usap bago may tumawag sa kanya na palagay ko'y assistant niya.

"Okay then, excuse me for I have a meeting to attend to. I'll leave you with my son to discuss about your availability. It's really nice meeting you..." sabi niya at bumeso pa. Sweet si Mr. Isaac, iyon ang napansin ko. Like father, like son, I guess?

Sinundan ko pa ng tingin ang paglabas nito kasama ang kanyang assistant, pati na si Mrs. Paz.

Lumingon ako sa kasamang naiwan at naabutang hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon nito. Napalunok ako.

"Colton...about—"

"Here's the contact number of the production team. Just tell them kung kailan  ka magkaka-oras para sa shoot. Hindi naman sila abala kaya sa schedule mo lang talaga nakasalalay ang lahat," mabilis na sabi niya at may iniabot na papel.

Agad siyang tumayo mula sa couch at pumunta sa swivel chair niya. Hindi niya na ulit ako tinapunan ng tingin at nakita kong pumindot sa telepono.

"Bring me my coffee now," sabi niya.

Bago niya pa maibaba ay mabilis akong sumingit.

"Ako na," sabi ko. "Ako na ang kukuha."

Kinunutan niya 'ko ng noo at bago pa siya may masabi ay tumalikod na 'ko. Hindi ko rin alam kung ano'ng tumatakbo sa isip ko. Basta't ang alam ko'y hindi ako puwedeng umalis na lang nang hindi nasasabi ang mga kailangan kong sabihin sa kanya.

Colton likes his coffee sweet and creamy. Kaya ginaya ko lang kung paano ko siya tinitimplahan noon. Sa pagbalik ko ay hindi man lang dumapo ang mga mata niya sa akin. Nanatili siyang nakatingin sa mga pinipirmahan niya.

Nang ilapag ko ang kape sa lamesa niya ay tiningnan niya iyon at tinaasan ng kilay.

"I only take black coffee now, Miss," malamig na sabi niya.

Natigilan ako.

"Uh, s-sorry. Papalitan ko na lang," mabilis na sabi ko.

Halos hingalin na 'ko sa pagmamadali at pagpapabalik-balik. Ramdam ko na rin ang ilang butil ng pawis sa noo. Nang makapasok muli sa opisina niya ay agad ko na itong inilapag sa lamesa niya.

Narinig ko siyang bumuntonghininga bago nagpatuloy sa ginagawa.

"Look, I think you should just bring yourself outside my office and go. We're done talking about the important matters, anyway," ma-awtoridad na wika niya.

Bago pa mawalan ng pagkakataon ay nagsalita na ako. "Colton, I'm sorry."

Nakita kong napahinto sa pagsulat ang kamay niya.

"I've heard about what happened. I'm sorry that things turned out that way." Alam kong higit kanino pa man ay kasalanan pa rin ng kriminal ang nangyari, ngunit tuwing iniisip na nagsakripisyo siya para sa 'kin ay nakokonsensya ako. "I'm really, really sorry. I hope—"

I heard him chuckle sarcastically as he looked at me coldly. "Don't be so full of yourself. Whatever happened before, I didn't do it for you."

He spitefully looked at me. Tila punyal na bumaon sa dibdib ko ang klase ng titig niya.

"Who do you think you are for me to risk everything I have for you?"

His eyes roamed from my head to toe with distaste. Halos maramdaman ko ang panginginig ng kamay sa pait na nadarama.

His phone rang and I was glad he turned his attention to it, dahil ayokong makita niya ang pamumuo ng luha sa mata ko. He got up from his seat and turned his back on me to answer the call.

"Hey, D," malambing na wika niya.

His cold voice just suddenly turned soft and it caused my stomach to twitch even more. Agad akong tumalikod para punasan ang tumakas na luha nang mapansing lumingon siya sa gawi ko.

"Sure, I'll fetch you..."

Hindi na ako muling tumingin pa nang magdesisyong maglakad palabas. Parang dinudurog ang puso ko sa bawat hakbang.

Tuloy-tuloy ang pag-agos ng mga luha ko, taas-baba ang dibdib dahil sa mga tumatakas na hikbi.

Alam kong wala akong karapatang sabihin to pero...

Ang sakit pala.

































Grow with the Flow (Published under Bliss Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon