12💗

29 2 0
                                    

“P-Papa?” Nag-aalinlangan pa akong lumapit sa kanya.
“Sit down.” He commanded as he pointed a chair in front of him. Napalunok ako nang maupo ako lalo na ng magtama ang aming mga paningin. “Sino ang nagbigay sa’yo ng karapatan na p’wede ka ng makipag-relasyon?”
Pakiramdam ko’y bigla akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa nerbiyos. Paano nalaman ni papa? Narinig niya kaya ang usapan namin ni Lucas? Tanong ko sa isip.
“Rapunzel!” Napapitlag ako dahil sa pag-sigaw ni papa. “I’m talking to you!” Mabait si papa, pero kakaiba s’yang magalit lalo pa kung sinusuway namin ang mga inuutos at kagustuhan nila ni mama.
“P-Papa... I-I’m sorry.” Iyon lamang ang nasabi ko. Hindi ko napigilan ang pagdaloy ng luha sa pisngi ko dahil sa takot. Sa takot na masaktan ako ni papa at sa takot na baka mawala sa buhay ko si Keeper.
“Sorry?” Pabagsak n’yang inilapag sa center table ang hawak n’yang tasa na may lamang kape kaya muli akong napapitlag. “You’re too young for this, Rapunzel. Hindi ka ba nag-iisip? Hindi ka ba nakikinig sa amin ng mama mo? Kinse-anyos ka pa lamang kaya ang dapat mong iniintindi ay ang pag-aaral mo at hindi ang pakikipag-nobyo.”
“Pero papa, hindi ko naman po pinapabayaan ang pag-aaral ko eh. At saka, alam ko naman po ang limitations ko. Alam ko kung ano ang tama at mali kaya hindi po ako gagawa ng isang bagay na alam kong hindi makakabuti para sa akin.”
“Alam mo kung ano ang tama at mali? Eh, bakit ka nakipag-relasyon gayong alam mong mali ‘yon?”
“Papa, wala pong mali sa pakikipag-relasyon ko kay Keeper. Nagmahal lamang po ako.” Giit ko. Nang mga sandaling iyo’y nananalig ako sa kung ano ang nilalaman ng puso ko. Sa kung ano ang pinang-hahawakan ko. Alam ko na walang mali sa kung anuman ang relasyon namin ni Keeper. At handa akong ipaglaban siya kahit masaktan pa ako ni papa.
“Anong alam mo sa pagmamahal, Rapunzel gayong hindi mo pa nga kayang buhayin ‘yang sarili mo. Hiwalayan mo ang lalaking iyon ngayon din!”
“Hindi ako makikipag-hiwalay kay Keeper, papa.” Desisyon ko.
“Anong sinabi mo?” Nag-tiim ang kanyang bagang at nakita kong kong kumuyom ang kanyang mga kamao. Hindi pa namin naranasang magkakapatid na masaktan ni papa, pero ng mga sandaling iyon ay tila gusto na niya akong saktan pisikal. Alam kong nagpipigil lamang siya.
“Ano bang nangyayari rito?” Halos magkakasunod na bumaba sa hagdan sina mama at ang mga ate ko. “Halos magsigawan na kayo rito. Dinig na dinig sa taas.” Agad nilapitan ni mama si papa. At ang mga ate ko nama’y lumapit sa aking likuran.
“Itong magaling mong bunso, Gina, nakikipag-relasyon na.” Galit na turan ni papa kay mama. “Ni hindi mo man lang namalayan o sadyang kinukunsinte mo lamang ‘yang anak mo sa mga kalokohan niya.”
Napaiyak na akong tuluyan ng tumingin ako kay mama. Walang anumang galit na mababakas sa kanyang mukha. Ramdam kong naiintindihan niya ako.
“Ako na ang kakausap sa kanya bukas. Halika na at magpahinga na muna tayo.” Malumanay na sabi ni mama kay papa. “Gabi na. Pagod ang mga anak mo at kailangan na rin nilang magpahinga. This is not the right time for this argument.”
Tinapunan muli ako ni papa ng masamang tingin bago siya tumalima sa nais ni mama. At akmang patayo na siya mula sa pagkakaupo ng bigla n’yang sapuhin ang kanyang dibdib at walang sabi-sabing bumagsak ang kanyang katawan padapa sa center table.
“Ramon!” Gulat na sigaw ni mama.
“Papa!” Halos sabay-sabay na sigaw ng mga ate ko dahil sa pagka-gulat din. Agad nilang nilapitan si papa, samantalang ako’y naiwang nakaupo pa rin habang nakatitig lang sa huli. I was shocked dahil sa nangyari.
“Papa?” Si Ate Belle, habang bahagya n’yang tinatapik ang pisngi nito. Mabilis namang tumawag ng ambulansiya si ate Aurora. At sa isang iglap ay sakay na ng ambulansiya si papa, kasama sina mama, ate Belle, at ate Aurora patungo sa pinakamalapit na hospital. Kami lang ni ate Jam ang naiwan sa bahay.
“Rapp...” Agad akong niyakap ni ate Jam. Tila doon lang nanumbalik ang aking ulirat. Napahagulhol na ako. “Tahan na.”
“Ka-salanan ko kung ba...kit inatake si papa, Ate.” Turan ko sa pagitan ng pag-hikbi. “I’m so...sorry.”
“No. It wasn’t your fault. Don’t blame yourself. Nagkataon lamang ‘yon, Rapp.” Pilit niya akong pinapakalma habang hinahagod niya ang likuran ko. Subalit kahit ano pang sabihin ni Ate Jam, mas mananaig pa rin ang aking konsensiya, na ako ang dahilan kung bakit inatake sa puso si papa at hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanya.
Hindi ako nakatulog ng gabing iyon. Wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak ng umiyak. Kina-umagaha’y nagpasya akong magtungo sa hospital kung saan naka-confine si papa. Wala pa rin s’yang malay nang dumating ako.
“Mama?” Agad akong nilingon ni mama at niyakap. Nakaupo siya sa labas ng kuwarto ni papa habang umiinom ng kape. “I’m sorry po, ‘Ma. I’m really sorry po.” Turan ko sa pagitan ng pag-iyak.
“Sssshhh.” Hinagod niya ang aking likod. “Wala kang kasalanan, okay?”
“Pero mama, sinuway ko po ‘yong bilin n’yo ni papa.” Bumitiw ako sa pagkakayakap sa kanya. Pinahid niya ang mga luha sa aking pisngi.
“Everything will be alright, honey. Sa ngayon ay ipagdasal na lang natin ang kalagayan ng papa mo. At kapag nagising siya’y mag-usap kayong muli ng maayos. May punto siya, anak. Masyado ka pang bata para pumasok sa isang seryosong relasyon. Masyado pa kayong bata ni Keeper. May tamang oras para d’yan.”
Hindi ako umimik. Gano’n ba talaga ka-komplikado kapag nagmahal ka ng wala ka pa sa tamang edad? Eh, bakit pa kasi kelangang tumibok nang aming mga puso kung hindi pa naman pala kami p’wedeng magmahal? Dapat pala’y maparusahan si Kupido dahil sa pagsibat niya sa aming mga puso gayong hindi pa naman pala dapat.
Hindi ako umalis sa hospital ng araw na iyon. Halos maghapon ako sa tabi ni papa. Hindi ako pumasok sa school. Halos minu-minuto akong tinatawagan ni Keeper pero ni isang tawag niya’y hindi ko sinagot. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Hindi ako makapag-isip. Hindi ako makapag-desisyon.
“May sakit sa puso ang papa mo, Rappy. Hindi siya dapat napapagod ng sobra. Hindi siya dapat nai-stress at higit sa lahat, hindi siya dapat ginagalit.” Turan sa akin ni Dra. George bago ito lumabas ng kuwarto ni papa. Kaibigang duktor ito ni ate Belle kaya malapit na rin ito sa aming pamilya.
Hindi siya dapat ginagalit.
Napa-buntong hininga ako dahil sa mga huling salita na iyon. Hinawakan ko ang kamay ni papa habang nakaupo ako sa kanyang tabi. Pasado alas-siyete na ng gabi subalit hindi pa rin siya nagigising. Kung anu-anong aparato ang nakakabit sa kanya.
“’Pa, I’m sorry po. Hindi ko po sinasadyang suwayin kayo. Nagkataon lamang po na nagkagusto ako kay Keeper. Hindi ko po napigilan ‘yong damdamin ko eh. Hindi ko rin po intensiyong maglihim sa inyo, humahanap lang po sana ako ng tamang tiyempo.” Dumaloy ang luha sa aking pisngi. Napasinghot ako. “Papa, sinunod ko lamang naman po ‘yong payo n’yo sa akin dati, ‘yong payo n’yo sa aming magkakapatid na sundin namin ‘yong mga puso namin kapag magdedesisyon kami. Pero papa, kung ang layuan si Keeper ang tanging paraan para magising ka na, para gumaling ka na, gagawin ko po kahit po labag sa kalooban ko.” Napahagulhol ako. Kahit sabihin pa nilang bata pa ako ng mga sandaling iyo’y ramdam ko na ang sakit na dulot ng kabiguan. Tila mangyayari na ang kinatatakutan ko. Ang posibleng pagkawala ni Keeper sa buhay ko.
-----
Sakay ako nang aking bisekleta habang tinatahak ko ang daan pauwi sa bahay. Pasado alas-diyes na ng gabi. Mas gusto kong sumasakay ako sa bisekleta kapag may mga problema ako. Pakiramdam ko kasi’y kahit papaano’y nakakagaan ng kalooban ko ang pagsamyo ng malamig na hangin sa aking mukha. Tila ba nare-refresh nito ang aking isipan. Kahit papaano’y nababawasan ang bigat ng kalooban ko.
Habang nagpe-pedal ako’y nararamdaman ko ang pagkalam ng aking sikmura. Naalala kong hindi pa nga pala ako kumakain simula pa no’ng umaga. Nakalimutan kong kainin ‘yong pagkaing dinala sa akin ni ate Jam. I decided na huminto muna sa isang fast food na nadaanan ko. Ipinarada ko ang aking bisekleta sa bicycle rack na pag-aari ng naturang fast food, bago ako naglakad patungo sa pintuan nito at akmang papasok na ako sa loob ng matanaw ko si Keeper. Ilang hakbang lamang ang layo niya sa akin. Nanlaki ang aking mga mata ng dumako ang tingin niya sa kinaroroonan ko. Agad akong tumalikod at dali-daling bumalik sa aking bisekleta.
“Rappy!” Narinig kong tawag niya pero hindi ko siya pinansin. Nang makasakay na ako sa aking bisekleta’y agad ko itong pinedal ng mabilis. Hindi ko alam kung anong gusto kong gawin. Kung ano ba ang tama, basta ang gusto ko lamang ng mga sandaling iyon ay makalayo kay Keeper. Ayaw ko ng malaman niya pa ang totoo. Siguro mas mainam na lang kung lalayuan ko na lang siya ng walang pasabi para isipin n’yang hindi ko na siya mahal. “Tarsier!” Muli kong narinig ang tinig niya. Saglit ko s’yang nilingon at nakita kong nakasunod siya sa akin gamit ang kanya ring bisekleta kaya mas binilisan ko pa ang pagpe-pedal. Halos tumayo na nga ako para lamang mas mapabilis upang huwag niya akong maabutan.
Subalit sabi nga nila, iba ang lakas at bilis ng mga lalaki, naabutan pa rin ako ni Keeper. Mabilis n’yang naiharang ang kanyang bike sa daraanan ko. Muntikan pa akong masubsob dahil sa biglang pag-preno.
“Ano ba!?” Naiirita kong sigaw. Halatang nagulat siya sa inasal ko. Bahagya pa s’yang napaatras.
“Anong problema, tarsier?” Halata ang pag-aalala sa kanyang tinig. Mabilis s’yang bumaba sa kanyang bisekleta upang lapitan ako.
“Saka na tayo mag-usap. Pagod ako, Keeper.” Gusto ko ng makalayo kay Keeper ng mga sandaling iyon dahil baka hindi ako makapagpigil. Baka bigla akong bumigay at mapayakap sa kanya ng wala sa oras.
“Pagod ka? Pagod ka sa kakaiwas sa akin, ‘yon ba iyon ha, Rappy?” Malumanay subalit may diin sa bawat salita niya.
“Hindi ako umiiwas sa’yo.” Pagsisinungaling ko.
“Hindi ka umiiwas, eh ano ‘tong ginagawa mo? Nang makita mo ako’y talo mo pa ang nakakita ng demonyo at kung makapagpatakbo ka ng bisekleta mo’y ganon-ganon na lang. At kung hindi mo ako iniiwasa’y bakit hindi mo sinasagot ‘yong mga tawag ko, huh?” Tumaas na ang boses niya.
“Busy lamang ako kanina. Saka hindi kita napansin do’n sa fast food.” Turan kong hindi makatingin ng diretso sa kanya.
“Hindi mo ako napansin?” Tila nakakalokong tanong niya. Halatang hindi siya naniniwala. “Eh, bakit nagmamadali kang lumabas?”
“Kasi narealize ko na hindi naman pala ako gutom.” Napapitlag ako ng bigla n’yang sipain ‘yong bike niya. Natumba ito mula sa pagkakatayo. Napalunok ako ng makita ko ang galit na rumehistro sa kanyang guwapong mukha.
“Huwag mo nga ako gawing tanga, Rappy.” Turan niya habang titig na titig siya sa akin na tila ba binabasa niya ‘yong totoo kong saloobin. “Si Lucas ba?”
“H-Huh?”
“Si Lucas ba ang dahilan kaya ka nagkakaganyan? Hanggang ngayon ba nama’y kaagaw ko pa rin si Lucas diyan sa puso mo?”
“Ano ba ‘yang sinasabi mo? Nagda-drama ka na naman, Villamor. Pati ‘yong nananahimik na si Lucas ay dinadamay mo.” Pilit kong inaalis ‘yong kamay n’yang nakahawak sa handlebar ng bike ko, pero mahigpit ang pagkakakapit niya rito kaya hindi ko magawang magtagumpay.
“Lagi mo naman s’yang pinagtatanggol eh. Sino ba naman kasi ako ‘diba?”
“Bukas na tayo mag-usap.” Hindi ko na pinatulan ‘yong pagseselos niya. Lalo lamang gugulo ang sitwasyon. Kung alam niya lang ang totoo. “Keeper!” Sigaw ko ng pilit niya akong ibinaba sa bike ko. Sa lakas niya’y tila isang sakong bigas lamang ako na ipinasan niya sa kanyang kanang balikat. “Ibaba mo ako, Keeper!” Sigaw ko habang sinusuntok ko ‘yong likod niya. Ilang minuto rin yata ang lumipas bago niya ako ibinaba. Akmang sasampalin ko siya sa asar ko, subalit mabilis n’yang naagapan ‘yong kamay ko. Ipinuwesto niya ito sa aking likuran maging ang isa ko pang kamay gamit ang kanyang kaliwang kamay.
“Patutunayan ko sa’yong mas karapat-dapat akong mahalin kaysa kay Alejandro...” Halos pabulong n’yang turan habang nakatapat ang kanyang bibig sa aking kaliwang tenga. Shit! Halos mapamura ako sa isip. Damang-dama ko ang kanyang mabangong hininga na sadya namang nakapag-panginig ng kalamnan ko at nakapag-pangalos nang aking tuhod. “...Ms. Rapunzel Fuentes.” At pagka-banggit niya sa pangalan ko’y agad niya akong hinawakan sa batok gamit ang kanyang kanang kamay bago niya ako siniil ng halik sa labi sa unang pagkakataon.

DONT FORGET TO VOTE,COMMENT &FOLLOW!!!
Enjoy Reading!

AJ❤

Mr.Kupido💘Where stories live. Discover now