9💗

34 3 0
                                    

“Uhm, sige. Mauna na ako.” Agad kong paalam kay Lucas, subalit mabilis niya akong napigilan. He hugged me from behind.
“Do you love him?”
“Ha?” Kunot-noong tanong ko bago ako pumihit paharap sa kanya. Unti-unti n’yang inalis ang kanyang mga bisig sa aking baywang.
“May nararamdaman ka ba para kay Keeper?”
“Uh... uhm, wala.” Tanggi ko. Bahagya akong yumuko upang pahidin ‘yong luha sa aking mga pisngi gamit ang aking mga daliri.
“Eh, bakit napaiyak ka nang malaman mong nagkabalikan na sila?”
“Hindi naman ako umiyak dahil do’n, ‘noh!” Mariin kong tanggi. Pakialam ko ba kung nagkabalikan na sila? Sa isip-isip ko. Mabuti nga ‘yon at nang huwag na akong bwisitin pa ng Keeper na iyon.
“Eh, bakit parang tumulo ‘yong mga luha mo?” Nangingiting tanong ni Lucas.
“Uhm... Masaya lang ako kasi... uh, kasi kinakausap mo na ako ulit.” Pagsisinungaling ko. “Namiss kita.”
Saglit s’yang natigilan. Hindi ko alam kung bakit. Kung dahil ba sa sinabi ko o kung dahil sa iniisip n’yang nagsisinungaling ako.
“I missed you too.” He said seriously after a minute. “Aaminin ko sa’yo, no’ng time na naging kami ni Mich, dumating ‘yong oras na namimiss kita at nasabi ko sa sarili kong sana’y ikaw na lang niligawan ko.”
Instant confession? Bigla akong nataranta.
“Uhm, Lucas...”
“I love you, Rappy.”
“Lucas, ayaw kong maging panakip-butas. Nakakapagod na.” Sabi ko bago ko siya muling tinalikuran. Naglakad ako palayo sa kanya.
“Rappy!” Sigaw niya habang sinusundan niya ako. “Rappy, I’m serious. That’s the reason why I let Mich go. Kasi I realize na ikaw ang mahal ko.”
Hindi ko siya pinansin. Kung noon niya pa sana sinabi iyon, malamang ay natuwa pa ako. Siguro’y naglulundag pa ako sa tuwa, pero ngayon ay hindi na ako masaya dahil sa inamin niya. Wala na akong pakialam kung totoo ba ‘yong ipinagtapat niya sa akin o biro lamang. Ngayon ay hindi ko na makapa ‘yong pangalan ni Lucas sa puso ko, pangalan na yata ni Keeper ang naririto. Naiiling ako sa isiping iyon.
“Rappy!” Tawag muli ni Lucas kaya sa sobrang pagmamadali ko upang hindi niya ako maabutan ay tumawid ako kahit nakita kong maraming sasakyan. Nanlaki ang aking mga mata nang makita kong papalapit ang isang malaking truck sa kinaroroonan ko. Hindi ko malaman ang aking gagawin kaya napapikit na lang ako. Naramdaman kong may biglang humila sa akin.
“Ano ka ba? Magpapakamatay ka ba?”
Dahan-dahan akong nagdilat nang aking mga mata at nakita kong nakatayo sa harapan ko si Keeper. Namumutla siya.
“K-Keeper?”
“Grabe ka!” Naihilamos pa niya ang kanang palad niya sa kanyang mukha. “Tinakot mo ako. Mabuti na lang talaga at nasulyapan kita.”
“Are you alright, Rappy?” Napalingon ako sa direksiyon ni Lucas. “Bakit mo ba kasi ako tinatakbuhan?” Tanong niya at akmang hahawakan niya ako sa aking kamay, subalit mabilis s’yang naunahan ni Keeper.
“Let’s go. Iuuwi na kita.” Turan ni Keeper.
“Ayaw kong sumama sa’yo. Kaya kong umuwing mag-isa.” Sabi ko sa naiinis na tinig. Ilang linggo mo akong hindi pinansin tapos ngayon ay para kang haring magsalita riyan? Sa isip-isip ko. “Bitiwan mo nga ako!”
“Hindi kita bibitiwan hangga’t hindi ka nakakauwi sa inyo lalo pa ngayong para kang wala sa sariling katinuan mo. Ano bang problema mo at tumawid ka kahit naka-go ‘yong mga sasakyan ha?”
“Ano bang pakialam mo, eh sa gusto kong magpakamatay?”
“Lakas ng tama mo, ano?” Galit n’yang sabi bago niya ako hinila.
“Keeper, ano ba!” Sigaw ko habang nagpupumiglas ako mula sa pagkakahawak niya.
“Bitiwan mo nga siya, Villamor!” Utos ni Lucas kay Keeper. Napahinto rin ako sa paglakad nang huminto si Keeper at nilingon niya si Lucas.
“Mas mabuti pang umuwi ka na sa inyo, pare kaysa para kang aso na pasunod-sunod sa amin.”
“Tarantado ka ah.” Galit na turan ni Lucas bago nito sinugod at sinuntok sa mukha si Keeper.
“Ay!” Tili ko kasi nagulat ako sa nangyari. Binitiwan ni Keeper ‘yong braso ko upang gumanti kay Lucas. Nagpalitan sila ng suntok sa harapan ko. “Tama na. Ano ba?!” Sigaw ko sa kanilang dalawa bago ko hinila ‘yong T-Shirt ni Keeper dahil akmang susuntukin niya pang muli si Lucas, habang nakaupo na sa lapag ang huli. “Tama na, Keeper!” Muli kong sigaw bago ko hinarangan si Lucas nang makatayo na ito.
“Halika na.” Akmang hahawakan niya ulit ako sa braso, pero sinampal ko siya. Hindi ko alam kung bakit ko ba ginawa iyon. Parehas kaming nagulat dahil sa nangyari, pero agad din akong nakabawi.
“Ilagay mo sa lugar ‘yong pagiging mayabang at matapang mo.” Pagkuwa’y turan ko bago ko binalingan si Lucas. “Tara, Lucas. Umuwi na tayo.”
“Tarsier!” Narinig kong tawag ni Keeper nang magsimula na kaming maglakad palayo sa kanya, pero hindi ko na siya pinansin pa.
-----
Pasado alas-siyete ng gabi nang makauwi ako sa bahay. Hindi na kasi ako nagpahatid kay Lucas kahit ipinipilit niya ito. I decided na tumambay na lang sa isang parke na malapit lang sa amin. Naguguluhan ako sa nangyayari. Nalilito ako sa nararamdaman nang puso ko. Akmang bubuksan ko ‘yong gate namin ng biglang may nagsalita sa tabi ko.
“Tarsier.”
“Ay pusang malaki!” Gulat kong sabi kaya napatawa siya.
“Mukha na ba akong pusa ngayon?”
“Jusko naman, Keeper, anong ginagawa mo rito? Kung may sakit ako sa puso’y malamang na inatake na ako.”
“Saan ka nanggaling?” Pagbabalewala niya sa tanong ko.
“Namasyal lang. Anong ginagawa mo rito?”
“Inihatid mo ba sa bahay nila si Lucas?”
“Hindi.”
“Ows?”
“Hindi nga.” Naiirita kong sagot.
“Hindi ako naniniwala.” Tila batang sabi niya.
“Eh, ‘di huwag kang maniwala. Pakialam ko ba? At saka, bakit ba kailangan kong sagutin ‘yang tanong mo ha?”
“May karapatan akong magtanong dahil boyfriend mo ako.”
Natigilan ako sa sinabi niya. Muli ko s’yang tiningnan.
“Keeper, akala ko ba’y tapos na ‘tong palabas natin? ‘Diba, nasa’yo naman ng muli si Mich, ano pa bang gusto mo?”
“Masaya ka na ba dahil malaya na si Lucas?”
Muli akong natigilan. Hindi ko alam kung anong isasagot ko.
“Kapag sinabi mong masaya ka na. Okay. I’ll set you free. Hindi na ako manggugulo pa sa’yo.”
“Alam ba ni Mich na nagpanggap lamang tayo?” Pagkuwa’y tanong ko. Ayaw kong sagutin ‘yong tanong niya. Pakiramdam ko kasi kapag sinabi kong hindi ay magtatanong siya kung bakit at kapag sinabi ko namang oo ay mawawala na siya ng tuluyan sa buhay ko at parang hindi ko ‘yon kaya.
“Oo.” Sagot niya na may kasamang buntong-hininga. “Sinabi ko sa kanya.”
“Congrats pala. Nanalo ka sa puso ni Mich, eh.” Inilahad ko ‘yong kanang palad ko upang makipag-kamay sa kanya. Tiningnan niya lamang iyon at bigla niya akong niyakap. Nagulat ako.
“Tarsier...”
“Stop calling me with that endearment. Baka magselos si Mich.” Parang gusto ko nang maiyak. Ang sakit-sakit. “Eh, sa kanya. Anong tawag mo? Kulasisi?”
Natawa siya dahil sa tanong kong iyon bago siya bumitiw sa pagkakayakap sa akin at tiningnan ako ng diretso.
“Bakit naman kulasisi? That’s a kind of bird, right?”
“Yeah. Isang ibon na pula ang tuka. Kulasisi kasi palaging makapal ‘yong lipstick ni Mich, eh. ‘Yong tipong kapag hinalikan ka’y magiiwan nang marka.” He laughed harder. “Anong nakakatawa? Totoo naman ‘yong sinasabi ko ah.”
“Are you jealous with Mich?”
“Ha?” Bigla yatang namula ‘yong pisngi ko dahil sa tanong niya. “Of course not! Walang dahilan para magselos. Anyway, umuwi ka na at papasok na ako sa loob namin. Baka hinahanap na ako nila mama.”
“Masakit nga pala ‘tong pisngi ko.” Ungot niya na parang bata. “Ito ‘yong sinuntok ng Lucas mo kanina eh.”
Napasulyap ako sa kaliwang pisngi niya. Nakita kong mapula nga iyon at sa bandang dulo nang labi niya’y may sugat din.
“Ikaw naman ‘yong may kasalanan eh.”
“Anong ako?” Nagsalubong ‘yong makakapal n’yang kilay. “Siya ‘yong naunang sumugod sa akin, ‘diba?”
“Kasi nagsalita ka ng hindi maganda.”
“Okay. Alam ko namang hindi mo ako kakampihan eh.” Turan niya sa malungkot na tinig bago niya ako tinalikuran. Akmang hahakbang na s’yang palayo sa akin nang muli akong magsalita.
“Gusto mong gamutin natin ‘yan?”
Nangingiti siya ng muli niya akong lingunin.
“Sige. Gustong-gusto ko.” Sagot niya at muli s’yang lumapit sa akin. Hindi ko na napigilan ‘yong sarili ko. Napangiti rin ako.
“Ang arte mo talaga.” Sabi ko nang buksan ko ang gate namin.
“Hindi naman ako maarte ah.” Sagot niya nang sumunod siya sa akin papasok sa kabahayan.
“Eh, ano pala?”
“Nagpapa-cute lang sa’yo.”
“Aysus.” Pakiramdam ko’y kinikilig ako sa mga banat n’yang gano’n pero s’yempre ay ayokong magpahalata. “Maupo ka muna diyan.” Utos ko sa kanya. Sumunod naman siya. Tahimik s’yang naupo sa sofa namin. Nagtungo ako sa kuwarto ni Ate Belle upang kunin ang first aid kit nito. Isa kasi itong nurse kaya may mga kagamitan ito para sa mga sugat or mga sakit. Pagbalik ko sa sala’y nakita kong nakatayo si Keeper habang nakatingin sa litrato kong nasa frame. Nakasuot ako nang soccer uniform that moment habang sinisipa ko ‘yong bola.
“Ang cute mo rito.” Nakangiti n’yang sabi nang lingunin niya ako.
“Maupo ka na rito.” Pagbabalewala ko sa papuri niya kahit pasimple akong napangiti. Nakangiti pa rin siya nang maupo siya sa sofa paharap sa akin. “Pagkatapos nito, umuwi ka na ha.” Sabi ko habang nilalagyan ko nang alcohol ‘yong bulak kong hawak.
“Nasaan family mo?”
“Ewan ko nga eh. Baka may pinuntahan lang sila mama at papa. Mga Ate ko nama’y baka nasa mga trabaho pa nila.” Sagot ko bago ko hinawakan ‘yong pisngi niya at idinampi ko sa sugat niya ‘yong bulak.
“Aw!” Pagkuwa’y reklamo niya. “Mahapdi, Tarsier.”
“Ang arte naman.” Sabi ko.
“Samahan mo naman kasi ng TLC...”
“TLC?”
“Tender loving care.” Nakangisi n’yang sagot. Tinaasan ko siya nang kilay.
“Ang dami mong alam, Mr. Keeper Villamor.” Patuloy ako sa pagpahid ng alcohol sa sugat niya. “Tapos pagkauwi mo, magpahinga ka na ha. Huwag ka nang pumunta sa kung saan-saan pa at baka madoblehan pa itong sugat mo.”
“Opo.” Sagot niya. “Pwede ka na pa lang maging nurse. By the way, ano nga pa lang course ang kukunin mo sa college?”
“Of course.” Pabiro kong sagot bago ako tumawa. Nakitawa rin siya. “Seriously, gusto ko sanang maging nurse. Natutuwa kasi ako kapag nakikita kong naka-uniform si Ate Belle eh. Ang cute cute n’yang tingnan. Ikaw ba?”
“Bagay naman sa’yo ang maging nurse, eh. Ako? Uhm, gusto kong mag-pulis...”
“Police? Bakit naman?”
“Uh-huh. Kasi para mahuli ko ang puso mo.” Nakangising sagot niya before he kissed me on the forehead. “Gusto kong maging sa akin ‘yan kasi inlove ako sa’yo, Rapunzel.”


DONT FORGET TO VOTE,COMMENT &FOLLOW!!!
Enjoy Reading!

AJ❤

Mr.Kupido💘Where stories live. Discover now