11💗

31 2 0
                                    

“Walong pirasong kwek-kwek po.” Order ko sa isang street foods vendor na naka-p’westo sa gilid ng kalye, ilang kilometro ang layo mula sa school namin. Mahilig ako sa mga street foods, siguro nga kung patitirahin ako sa isang isla, mas pipiliin ko pang puro steet foods lang ang pagkain ko kaysa sa mga sosyal na mamahaling pagkain ngunit hindi ko naman maintindihan ang lasa. Dumukot ako ng twenty peso bill sa bulsa ng back pack ko at iniabot ko iyon sa tindero. “Salamat po.” Turan ko nang iabot na din niya sa akin ang in-order ko. Nakalagay ito sa isang plastic cup. Nilagyan ko ito ng suka na may dinurog na sili at may kasamang pepinong ginayat ng maliliit. Bahagya pang napa-awang ang aking bibig nang isubo ko ‘yong isang piraso. Bukod kasi sa mainit ito’y tila kumalat pa ‘yong anghang sa loob ng bibig ko.
“I’m hungry too.”
Gulat akong napatingin sa pinagmulan ng tinig. Si Keeper. Ilang hakbang ang layo niya mula sa kinaroroonan ko. Simpleng school uniform lamang naman ‘yong suot niya, pero tila isa s’yang makisig na prinsipe ng mga sandaling iyon. Ewan ko ba, pero pakiramdam ko habang tumatagal ay lalo s’yang gumu-g’wapo at nagiging special sa aking paningin. Bitbit niya sa kaliwang kamay ang isang bouquet ng red roses at sa kanan nama’y isang brown teddy bear na sa tantiya ko’y 4 ft. ang taas.
Humakbang siya palapit sa akin kaya bigla akong nataranta na parang tanga. Ewan ko ba, pero tila ba bigla kong nakalimutan kung paanong kumain ng kwek-kwek ng mga sandaling iyon. Dahil sa pinaghalong anghang at init kaya tuloy hindi ko ito manguya-nguya. Wala akong ibang nagawa kundi ang iluwa ito at ibalik sa plastic cup nang tuluyan ng makalapit sa akin si Keeper.
“Mainit ba?” Nakangiting tanong niya ng sulyapan niya ‘yong hawak ko. Gosh! Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko dahil sa hiya. Wrong timing naman, oh! Bakit ngayon pa ako napaso? Sa isip-isip ko.
“H-Ha? Uhm...” Parang ayaw gumana no’ng utak ko. Hindi ako makaisip ng tamang sagot sa tanong niya. Talo ko pa ang isang contestant sa isang beauty pageant na kasalukuyang nasa Q&A portion. Alam kong ang OA, pero gano’n talaga ‘yong pakiramdam ko. Sobra akong nate-tense t’wing kaharap ko siya.
“Let me.” Bahagya n’yang kinilik ‘yong teddy bear bago niya kinuha ‘yong stick kong hawak at itinusok niya ito sa kwek-kwek na iniluwa ko at walang sabi-sabing isinubo niya iyon. “Mainit nga.”
“Bakit mo kinain, eh niluwa ko na iyan?” Nanlalaki ang mga matang tanong ko sa kanya. Tila lalo lamang akong napahiya. Bakit ba kasi ibinalik ko pa ‘yong naisubo ko na? Sana itinapon ko na lang ‘yon? Halos kastiguhin ko ‘yong sarili ko.
“Eh, ano naman?” Naniningkit ang mga matang turan niya sa pagitan ng pag-nguya. Muli s’yang tumusok ng isa pa at masuyong hinipan iyon bago niya itinapat sa aking bibig. Nahihiya pa akong tanggapin no’ng una kasi baka may makakita sa amin, lalo pa kung mga barkada or kaklase ko, siguradong umaatikabong tukso na naman ang aabutin ko sa mga ito. “Bilis na. Hindi na mainit ito.” Subalit wala rin akong nagawa kundi ang tanggapin ‘yong isinusubo niya dahil mapilit siya. Alam kong hindi niya ako tatan-tanan. Pagkuwa’y bahagya pa akong luminga sa paligid para siguraduhing walang nakamasid sa amin. At salamat naman dahil wala nga. Mangilan-ngilan lamang ang taong naroroon at lahat sila’y may kanya-kanyang business.
He asked me kung saan ko gustong pumunta then I decided na tumambay na lang kami sa isang park. Mas gusto ko kasi ang mag-stay sa mga gano’ng lugar kaysa sa mall. Pakiramdam ko kasi’y nahihilo ako sa atmospera sa loob ng naturang shopping centre.
Naupo kami sa isang bakanteng upuan sa ilalim ng puno. Pasado alas-singko ng hapon kaya malilim na.
“Para sa’yo nga pala, tarsier.” Sa wakas ay iniabot niya na rin sa akin ang bouquet na kanina niya pa hawak.
“Para saan naman ito?” Pilit kong itinatago ang ngiting nais ng sumilay sa aking mga labi nang tanggapin ko ito.
“Uhmm...” Tila bigla s’yang nahiya kaya hindi ko na naitago ‘yong ngiti ko. “Pasasalamat kasi ipinagkatiwala mo ang puso mo sa akin.” He replied smiling. He cleared his throat ng damputin niya ‘yong teddy bear na nakaupo sa kanyang tabi. Iniharap niya ito sa akin at pagkuwa’y nagtago siya sa likod nito. “Hi mommy. My name is Keera.” Turan niya sa tinig bata na animo’y ‘yong naturang teddy bear ang nagsasalita. Hindi ko napigilang hindi matawa dahil sa ginawa niya.
“Hi Keera.” Kunwa’y bati ko bago ko ito niyakap. “Sino ang nagpangalan sa’yo?” Masaya ko itong kinausap na tila ba isa itong tao.
“Si daddy po.” Sagot naman ni Keeper sa tinig bata pa rin. “Maganda po ba ang pangalan ko mommy?”
“Of course. Sobrang ganda.” Sagot ko habang nakatingin pa rin ako sa teddy bear.
“Ikaw din po mommy, maganda ka rin po sabi ni daddy.” Saglit akong natigilan bago ko ibinaling ang aking paningin kay Keeper. “I love you, tarsier.” Mababakas ang sinseridad sa mukha at tinig niya.
“I love you too.” Nakangiti kong tugon. Hinawakan niya ang magkabila kong kamay at masuyong hinagkan ang mga ito. Lalong lumawak ang pagkakangiti ko. Muli niya itong hinagkan salitan hanggang sa inulit-ulit niya pa. “Baka maubos na po ‘yong mga kamay ko, Mr. Villamor.” Biro ko at nagkatawanan kami.
“Nga pala, tarsier, have you tell them about us?”
“Kanino?”
“Sa family mo. Especially to your mom and dad.”
I sighed and cleared my throat bago ako umayos ng upo. Actually, hindi ko pa nasasabi sa pamilya ko ang tungkol sa relasyon namin ni Keeper. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanila. Natatakot ako sa posibleng mangyari kapag nalaman na nila lalo na ni papa. Alam kong labis s’yang magagalit sa akin lalo pa’t kabilin-bilinan n’yang bawal pa akong mag-nobyo o mag-paligaw man lang hanggat hindi pa ako nakakatapos ng pag-aaral.
“Tarsier...”
Pinilit kong ngumiti nang lingunin ko siya. “Humahanap lang ako ng tamang tiyempo, Keep. Pero sasabihin ko naman sa kanila.”
“Kung gusto mo ako na lang ang magsasabi sa kanila, tarsier. Magpapaalam ako sa kanila. Handa akong ligawan kang muli nang maayos para lamang mapatunayan ko sa pamilya mo, sa mga magulang mo na sincere ako sa’yo at iginagalang kita.”
“Hindi na, Keep.” Maagap kong sabi. Alam kong maganda naman ‘yong motibo niya, pero kilala ko si papa. Walang makakatinag sa desisyon nito. “You don’t need to do that. Ako nang bahala.”
“Are you sure?”
“Yeah.” Nakangiting tugon ko sa kanya bago ko siya bahagyang kinurot sa pisngi. Naningkit ang kanyang mga mata.
“Mapanakit ka talaga, Ms. Fuentes.” Biro niya bago niya ikinulong ang aking pisngi sa kanyang mga palad. “Basta kapag kailangan mo ako, tarsier, andito lang ako ha. Handa akong humarap sa pamilya mo ano mang oras.” He said before he kissed me on the forehead.
“Thank you, Keep.” Tugon ko bago ako masuyong yumakap sa kanya. “I love you.”
“I love you more, tarsier.”
-----
Sa paglipas ng mga araw, mas lalo pang tumitibay ang relasyon namin ni Keeper, subalit nanatili itong lihim sa pamilya ko. Samantalang sa pamilya niya’y naipakilala na niya ako bilang girlfriend niya. Wala naman akong problema sa kanila, sobrang bait ng papa at mama niya. Ang bunso n’yang kapatid na si Heart ay kasundong-kasundo ko, may pagka-maldita rin kasi itong katulad ko.
May mga araw na nag-aaway din kami ni Keeper, subalit hindi natatapos ang araw na hindi kami nagkakabati. Isa sa mga rules kasi nang aming relasyon na kung sino ang may kasalanan ay siya dapat ang unang mamansin at humingi ng tawad.
“You sure you’re okay?” Nag-aalalang tanong ni Keeper sa kabilang linya. Pasado alas-otso na ng gabi. Nakahiga na ako dahil masama ‘yong pakiramdam ko.
“Opo, ayos lang ako, Mr. Villamor. Don’t worry.”
“Dadalhan kita ng gamot, tarsier.”
“Hindi na, Keep. Nakainom na ako saka, gabi na kaya magpahinga ka na rin. May laro pa kayo bukas ng maaga, ‘diba?”
“Okay, tarsier. Basta tawagan mo lang ako ha kapag may problema. Agad akong pupunta d’yan ano mang oras.” Malambing n’yang sabi. Napangiti ako. Sobra kasi s’yang maalaga at mapagmahal. I know that I’m so lucky to have him.
“Yes po.”
“Very good.”
“I love you, Keep. Goodnight.” Pabulong kong sabi dahil baka may makarinig sa akin, though nasa loob naman ako ng kuwarto namin ni ate Jam at kahit wala pa naman ito sa loob ay kinakailangan ko pa ring mag-ingat. Hindi pa ako handang sabihin sa pamilya ko ang aming relasyon. Natatakot talaga ako sa posibleng mangyari.
“I love you more, tarsier. Goodnight and sweet dreams.”
“Rappy?” Agad kong pinindot ang end-call button ng phone ko ng sumilip sa pintuan si ate Jam.
“Yes, Ate?”
“Nasa baba si Lucas.”
“Huh?” Agad akong napabangon at napakunot-noo. “Si Lucas Alejandro?” Paniniyak ko. Hindi ugali ni Lucas ang bumisita sa bahay ng gano'ng oras kahit no'ng mga araw na close pa kami kaya nakapagtataka. First time niya siguro ng mga sandaling iyon.
“Yup. Ang bestfriend mo.” Nakangiti n’yang tugon.
“Okay.” Turan ko bago ako tuluyang lumabas ng kuwarto. Nakita ko si Lucas na nakaupo sa sofa sa sala. Bahagya s’yang nakayuko kaya hindi niya napansin ‘yong pagbaba ko sa hagdan. “Lucas?”
Halatang nagulat pa siya ng kunin ko ‘yong atensiyon niya. “Good evening, Rappy. Nakaabala ba ako sa’yo?”
“No. Ayos lang. Hindi pa naman ako tulog. Nakahiga lang ako.” Tugon ko nang maupo ako sa tapat niya.
“Are you alright?” Napansin niya sigurong medyo husky ‘yong boses ko dahil sa ubo’t sipon.
“Medyo masama lang ‘yong pakiramdam ko, but I’m fine.” Nag-aalinlangan pa akong ngumiti sa kanya dahil hindi ko talaga alam kung bakit siya napadpad sa bahay ng alanganing oras. “M-May kailangan ka ba? Kulang na naman ba ang team n’yo at kailangan n’yo na naman ang serbisyo ko?” Pagkuwa’y tanong ko.
“No.” Matipid ang mga ngiting kanyang pinakawalan. “Walang kinalaman dito ‘yong team. It’s just you and me.” Napalunok ako at hindi nakapagsalita. Hindi ko makuha ‘yong ibig n’yang sabihin ng mga sandaling iyon. “I’m sorry, Rappy.”
“Sorry for what?”
“Sorry sa lahat.” Kibit-balikat n’yang sagot. “Sorry kung hindi ko nasabi sa’yo noon ‘yong tungkol sa amin ni Mitch gayong bestfriend tayo.” Mabuti naman at naalala mo pang mag-bestfriend tayo. Sa isip-isip ko. “Sorry din kung iniwasan kita at nilayuan. Ginawa ko lang ‘yon for Mitch dahil selosa siya at ayaw kong ikaw ang maging dahilan ng pag-aaway namin.”
“Why are you telling me all these things?”
“Dahil ang lahat ng iyon ay pinagsisihan ko. Dahil naiinis ako sa sarili ko kung bakit pinabayaan kong masira ‘yong samahan natin at higit sa lahat, pinagsisisihan kong binalewala kita, Rappy.”
I sighed as I bit my lower lip. Bakit ngayon pa ‘to kailangang sabihin sa akin ni Lucas, kung kelan naman nasanay na akong wala siya. Kung kelan naman hindi na ako nalulungkot sa t’wing naiisip kong wala na ‘yong dati naming samahan. At kung kelan namang wala na akong damdamin para sa kanya.
“Kung anuman ‘yong nangyari sa friendship natin, wala na sa akin ‘yon. Ang importante ngayon, atleast na-realize mo na ‘yong mga kamalian mo.”
“Rappy...” Nagulat pa ako ng bigla n’yang abutin ang aking mga kamay. Maang akong napatingin sa kanya. “Mahal kita. Sana’y payagan mo akong ligawan ka para mapatunayan ko ‘yon sa’yo.”
“L-Lucas.” Binawi ko ‘yong mga kamay ko mula sa kanya. Ayaw ko s’yang saktan dahil kitang-kita ko naman ang sinseridad sa kanyang mukha at tinig, subalit wala akong magagawa dahil alam kong mas lalo ko lamang s’yang masasaktan kung hindi ko sasabihin sa kanya ang totoo. “Alam mo bang kay tagal kong hinintay ‘yan na sabihin mo sa akin. Pero noon ‘yon, Lucas. Ngayon kasi, iba na ang laman nito.” Bahagya ko pang inilapat sa tapat ng aking puso ang palad ko. “I’m in love with Keeper at kami na. Matagal ng kami.”
Ramdam ko ang sakit na rumehistro sa kanyang guwapong mukha ng mga sandaling iyon. Pagkuwa’y itinago niya lamang ito sa isang matipid na ngiti.
“Late na pala ako." Halata ang kalungkutan sa kanyang tinig. "Ang bagal ko kasi eh. Pinag-isipan ko pa kasi ang lahat kung sigurado ba ako sa nararamdaman ko sa’yo at ngayong nasigurado ko na, huli naman na pala.”
“I’m sorry, Lucas.” Malungkot din akong ngumiti sa kanya.
"It's alright. He deserves you. Basta, kung sakaling lokohin ka ni Villamor, huwag mong kalimutang may Alejandro na willing maghintay sa'yo."
"Kainis ka!" Hindi ko napigilan ang pagdaloy ng luha sa aking pisngi. I missed him so much. Ilang buwan din yata niya akong iniwasan at hindi pinansin.
Ngumiti siya at tumayo mula sa pagkakaupo upang yakapin ako. Hinayaan ko na lamang na tuluyang dumaloy 'yong mga luha ko. Masaya ako dahil bumalik na sa buhay ko ang aking bestfriend. Ang aking kasangga simula pa pagkabata.
"Mag-ingat ka ha." Nakangiting turan ko kay Lucas nang ihatid ko siya sa aming gate.
"I will. Maraming salamat sa time, Rappy." Tugon niya nang makasakay na siya sa kanyang bisekleta. "Goodnight."
"Goodnight,Lucas." Bahagya pa akong kumaway sa kanya. Nagpasya na akong bumalik sa loob ng kabahayan ng tuluyan ng mawala sa aking paningin si Lucas.
"Maupo ka rito, Rapunzel!"
Gulat akong napalingon kay papa ng bigla s'yang nagsalita. Agad akong binalot ng kaba at takot dahil sa tono ng kanyang pananalita na tila ba may nagawa akong hindi tama. Akmang paakyat na ako sa hagdan. Siya nama'y nakaupo sa sofa na tila isang hari. Haring nag-uutos na kung sakaling labagin ko'y tiyak akong masasaktan.


DONT FORGET TO VOTE,COMMENT &FOLLOW!!!
Enjoy Reading!

AJ❤

Mr.Kupido💘Where stories live. Discover now