Ikadalawampu't siyam na Kabanata

70 2 5
                                    

Pangdalawampu't siyam na Kabanata

Shades



"We're not done yet, Jana."

Lumingon ako para tignan kung sino ang bumulong no'n. Noong una ay akala ko si ate lang pero naalala kong hindi naman iyon nagsasalita ng english kapag nag-uusap kami. Tumindig din ang balahibo ko at nanlamig ako bigla, para akong binulungan ng multo. Si ate lang na nakasimangot ang nakita ko kaya nagsalubong ang kilay ko. Sino naman 'yon? Si Penelope? Siguro, the flash lang siya kaya wala na siya agad.

"May nakita ka bang bumulong sa'kin?" Tanong ko kay ate at lumapit sa kanya. Agad nangunot ang noo niya at buong pagtataka akong tinignan.

"Hindi mo na pala kailangan sagutin. Alam ko na sagot." Panggagaya ko sa sinabi niya sa'kin kanina kaya umirap na lamang siya. Tumingin ako sa harap at siningkit ang mata ko pero sa dami ng taong naglalakad, hindi na ako nagabalang hanapin pa kung sino iyon. Tumikhim na lang ako at hindi na iyon pinansin.

--

"Shet, yes!" Sigaw ko nang makita ang pangalan sa dean's list noong katapusan na ng third term namin. Tulad ng naplano ko, nataasan ko ang rank ni Penelope kaya iritang-irita siya habang nakatingin doon. She kept muttering words and curses to her friend with full irritation in her face. Pinigilan kong matawa sa itsura niya dahil baka mapansin niya pa ako.

Tatlo sila kadalasan magkakasama pero ngayon ay dalawa na lamang sila kaya nagtaka ako. Nasaan na iyong isa? Siya yata iyong 'bestfriend' na kasama ni Penelope sa cr noong birthday ni Vin, at iyong nangkukumbinsi rin sa isa na pigilan na siya. Nagkibit balikat na lang ako dahil iniwan niya na siguro si Penelope, hindi na nakayanan ang konsensya at ang ugali nito. Good for her, though.

"Jana!" Napahinto ako nang may gigil na sumambit sa pangalan ko. Ngumisi ako at inikot ang mata bago siya harapin. Pinagkrus ko ang mga braso ko bago siya lingunin.

"Yes?" I asked with politeness. Ngumiti ako pero peke iyon.

"You fucking bitch." Gigil na bulong nito at sinumulan akong lapitan. I looked at her in disbelief and stepped backward. As much as I want to tackle her to the ground, ayoko namang mapunta pa sa office.

I scoffed. "Tell that to yourself."

"At may gana ka pa talagang sabihin 'yan?!" Gigil niyang sabi habang dinuduro ako. Tumayo ako ng maayos, chin held up high.

"Bakit naman wala?" Kalmadong tanong ko sa kanya habang siya ay nagbabaga na yata sa sobrang init ng ulo. Nasa likuran niya ang kaibigan niya at nakahawak sa braso niya pero agad niya itong hinawi.

"You stole everything from me!" Sigaw niya na mas lalong nakakuha ng atensyon mula sa ibang estudyante. Great, now she harboured an audience. Not that I'm surprised, though.

"Stole?" Natawa ako. "Name one thing I stole from you."

"Fame!" Sigaw niya ulit. Wow, I never expected her to be that bold. She's an elegant woman that would rather work quietly, kaya hindi ko ineexpect na isigaw niya rito ang kababawan niya.

Lalong lumakas ang bulungan ng mga taong nakakumpol sa'min. Kalmado lang akong nakatayo dahil wala naman akong kailangang gawin para ipahiya si Penelope. Pinapahiya niya na ang sarili niya sa lagay na 'yan, eh.

"Fame? You can have it all you want. I don't want anything to do with it." Simpleng sagot ko sa kanya dahil totoo naman iyon. Mas pipiliin kong hindi ako makilala ng mga tao rito kaysa araw-araw akong pag-usapan.

Tatalikod na sana ako nang mainis ako sa biglang sinigaw niya. Maski ang mga estudyante sa paligid namin ay nanahimik kaya pinilit kong kalmahin ang sarili ko dahil baka masugod ko siya pagharap ko.

The Brightest Shooting Star (Athánati series #2)Where stories live. Discover now