Ikalabing walong Kabanata

78 2 6
                                    

Panglabing walong Kabanata

Paper bag

Noong term break, literal na naroon lang ako sa bahay. Wala akong ibang ginawa kundi ang humiga at umikot-ikot sa kama habang hawak ang phone. Wala kasi akong magawa. Mabilis ko rin naman kasing natapos iyong mga requirements namin para makapagpahinga na ako kaagad. Panonood lang ng kdrama pati sa youtube, pagscroll sa socials, pati pakikipag-usap lang ang ginawa ko no'n. Ngayon ay ang araw bago ang christmas eve, at gusto ko umalis kaso ay hindi ko alam kung sino ang yayayain ko.

Si Zil, hindi iyon papayagan. Si Tracy, umuwi ng probinsya, pati sina Leila. Ginulo ko na lang ang buhok ko at tinakip ang unan sa mukha ko. Parang ang laki naman ng problema ko, gusto ko lang naman gumala. Humiga ako ulit ng maayos at may naisip na yayain kaso nahihiya ako. Bibili na rin siguro ako ng regalo para sa mga kaibigan ko, kaso sa susunod ko pa iyon maibibigay. Pamilya ko na lang ang bibilhan ko. Ngumuso na lang ako at napagdesisyunang yayain na lang si Vin.

Light: Good morning :)

Vin: Good morning!

Light: SM tayo?

Vin: Huh?

Light: Pwede ka ba?

Vin: Ha?

Light: Bulag ka ba?

Vin: 'Di lang makapaniwala, hehe.

Light: Huh?

Vin: Ikaw nag-aya. Wala lang, nakakapanibago.

Light: Ano? Sasama ka pa ba?

Vin: Opo naman. Anong oras?

Light: 12?

Vin: Okay. Sunduin kita.

Light: Thank you :)

Bumangon ako at tinignan saglit si ate pero tulog na tulog pa rin siya, humihilik pa. Bumaba na lang ako at naunang kumain. Nagbabasa lang si papa ng dyaryo sa sofa at hindi niya naman ako tinanong ng kung ano kaya naghugas ako matapos kumain. Sinabi kong aalis ako mamaya at bilin niya lang na 'wag na lang ako magpalate.

Agad naman na akong naligo at namili ng damit. Oversized black shirt na nakatuck in sa ripped jeans at chucks lang ulit ang suot ko. Tinali ko na lang ang buhok ko sa ponytail at nagsuot ng earrings. Noong nagnotify bigla ang phone ko, si Vin na pala iyon. Kinuha ko na ang bag ko at nagpaalam na kay papa pagbaba. Naglakad pa ako ng kaunti bago ko siya nakita. Kumunot bigla ang noo ko nang makita na hindi iyong sedan niyang kotse ang dala niya.

"Hi." Bati niya nang makalapit ako sa kanya. Nakasandal pa siya roon sa sports bike niya. Tinignan ko lang iyon dahil sa pagtataka.

"Ah, ito muna dinala ko. Para mas mabilis." Kumindat pa siya. Umirap ako at tumabi na sa kanya. Binigay niya naman sa'kin iyong isa pang helmet kaya sinuot ko na. Sumampa na siya kaya sununod ako. Hinawakan ko iyong balikat niya para hindi ako mahulog.

"Hold tight." Banggit niya bago simulan ang makina ng motor niya. Napakayakap ako sa biglaang paggalaw niya at narinig ko pa siyang tumawa. Hinampas ko ang likod niya kaya tumigil na siya at nagsimula na muli. Napalunok ako at mahigpit na lang siyang niyakap.

Feeling ko nasa sine ako dahil sa pagsakay rito sa motor ni Vin. Hinahangin ang buhok ko kahit nakatali ako at gusto ko na lang itaas ang kamay ko para mas ramdam ang hangin, kaso baka nga mahulog ako.

The Brightest Shooting Star (Athánati series #2)Where stories live. Discover now