Ikatatlumpu't limang Kabanata

142 3 2
                                    

Ikatatlumpu't limang Kabanata

18

"Congrats sa'tin!" Tracy shouted as she ran to us. Nagyakapan kaming lima at lumabas muna ng hall para magpicture sa main building ng university. We just finished our third sem this year, and we're already graduates. Fucking finally, college is done.

"Hey, Adam! There kayo ni Jana! Bilis!" Andrea said while holding her instax. Hinila na ako ni Jana dahil dumarami na iyong mga lumalabas na tao.

Pumwesto kami at nilagay niya ang braso niya sa bewang ko kaya nilagay ko ang akin sa balikat niya. She removed her cap and put it up kaya ginaya ko iyon. She looked at me for the next shot, and I looked at her too. For the last one, I kissed her head while she was looking at the camera with a peace sign.

"Jana!" Pareho kaming napalingon nang makarinig ng isang baritonong boses. Napalunok ako nang makitang papalapit ang papa niya na nakapamulsa. Natakot ako bigla na baka maglabas siya ng shotgun at tutukan ako. Nakakita kasi ako no'n sa bahay nila noon. 'Di ko alam kung totoo siya o display lang, nakalimutan ko rin tanungin si Jana.

"Pa!" Tumakbo si Jana papunta roon at sinalubong ang papa at ate niya. Naikwento niyang wala na iyong mama niya kaya silang tatlo na lang ang magkakasama.

"Goodluck!" Bulong bigla ni Andrea nang malapitan ako. Sinamaan ko lang siya ng tingin kaya natawa naman siya. Porke't naipakilala niya na si Anton sa parents niya, tss.

"Oh, sino 'to?" Tanong noong papa niya nang makalapit ako. Napakamot ako sa batok ko at narinig ko siyang tumawa pero sumeryoso rin nang makita na seryoso ang papa niya.

"Si Vin, pa. B-boyfriend ko." Sabi niya at napalunok din. Pinagmasdan ako ng papa niya kaya ngumiti ako. Mukha nga lang pilit at mukha akong natatae. Sino ba naman kasing hindi kakabahan?!

"Pogi, ah. Galing pumili. Mana ka sa'kin." Biglang sabi ng papa niya kaya natawa siya. Nakita kong umirap ang ate niya.

"Papa naman." Sabi ni Jana at hinawakan ang braso niya.

"Uh, hi po." Sabi ko na at naglahad ng kamay.

"Nako, apir na lang. Masyado kang pormal." Sabi noong tatay niya at nagtaas ng kamay kaya inapiran ko iyon.

"Adamiel Vincent." Narinig ko iyong maarteng boses ni mama kaya napalingon din ako para lumapit sa kanya. I kissed her on the cheek.

"Who's this girl?" Tanong niya. I saw how Jana flinched. Kinagat ko ang labi ko bago sagutin si mama.

"Uh.. girlfriend ko, ma." Kaswal kong sabi. She raised her brow at me and looked at Jana that gently smiled at her. Iyong tatay niya ay kausap na ang ate niya na medyo malayo sa'min. Si Kuya Valentin ang kasama ni mama dahil busy siguro si Kuya Vaughn sa kumpanya.

"Oh? Akala ko si Andrea lang ang may boyfriend. Meron ka na rin palang gf." Aniya at sinulyapan si Jana. Naramdaman kong namula ang tenga ko.

Nagulat ako dahil biglang ngumiti si mama. Akala ko kasi magsusungit pa siya at kung anu-ano pa ang sasabihin sa'kin.

"Buti natiis mo 'tong si Adam, hija." Narinig kong bulong ni mama kay Jana. Natawa naman siya roon.

"Mabait naman ho siya, Tita." Sagot ni Jana.

"Nako, kung alam mo lang. Ang kulit kulit niya kaya!" Kwento pa ni mama kaya natawa uli roon si Jana. Nagsalubong ang kilay ko.

"Ma naman, eh!" Saway ko kay mama.
Nagpipigil naman ng tawa si kuya roon sa may tabi. Nauna pa akong magpakilala ng girlfriend kaysa sa kanilang dalawa na panay fling lang.

The Brightest Shooting Star (Athánati series #2)Where stories live. Discover now