UNDEAD II

13 2 0
                                    

Vincent - "Run, just run!"

Nakakainis. Bakit ba ang bilis nilang dumami? Wala pang tatlong oras, ang dami na nila! Tsk. Bwiset.

"T-tol. Ano na? Ano ng gagawin natin?"

Tiningnan ko sila Vino at Nave.

"Tulad ng sabi ko kanina, takbo lang, mabagal silang maglakad. Kaya natin to. Tara na."

Tumango naman silang dalawa. At nagpatuloy kami sa Pagtakbo. Nakikita kong sasalubungin nila kami, nagsisimula na silang maglakad papunta sa direksyon namin.

"Takbo lang, wag kayong hihinto." Sabi ko sakanila.

Nasa harapan ko na ang isang Zombie, nahawakan niya ang manggas ng damit ko kaya itinulak ko siya ng buong lakas, natumba siya sa sahig. Hawak si Nave ng Bodyguard na Zombie habang nakalampas naman si Vino.

"Mauna ka na sa Kotse Vino! Eto Susi!, hintayin mo kami!"

Kinuha ko ang Susi sa bulsa ko at hinagis Ito sa kanya. Nasalo niya naman kaya tumakbo na siya para umalis.

Tutulungan ko naman si Nave sa Zombie'ng humarang sa kanya. Kinuha ko ang Batuta ng bodyguard mula sa belt niya at hinampas sa ulo nito, Hindi umubra pero binitiwan niya si Nave at saakin naman bumaling. Umatras ako ng tatlong beses at may naramdaman ako sa likod ko, zombie.

Sh*t. Bwisit na buhay to o!. Kumaliwa ako at hinampas ng batuta yung Zombie na estudyante at sinunod ko naman yung bodyguard. Napaatras lang silang dalawa at Lumapit ulit sakin.
"Hoy! Nave! Tang*na ka! Tulungan mo ko dito!" Sigaw ko. Naka focus lang ako sa dalawang Zombie na nasa harap ko, ng sumigaw din si Nave.

"Tang*na mo rin Vincent! May isa pa kaya dito!"

Tsk. Hindi ko na lang siya pinansin at may Ilaw na lumabas sa ibabaw ng ulo ko, syempre Hindi literal, ibig kong sabihin ay may naalala ako.
Bodyguard itong zombie na to, meaning may baril siya. Tiningnan ko ang belt niya at meron ngang baril doon. Una kong Hinampas ang estudyanteng malapit sakin para makalayo siya kahit papaano. Sunod kong hinampas ang Bodyguard at tyinempuhan ko ang galaw niya, nakuha ko naman agad ang baril at agad ding ikinasa. Naisip ko yung mga napapanood kong movies o series about sa mga zombies.. Kung babarilin sila dapat sa sigurado na. Tinutok ko Ito sa noo ng bodyguard at dahil sa malapit siya sakin, Bullseye. Bagsak siya sa sahig. May dugong tumalsik sa mukha ko kaya Pinunasan ko iyun gamit ang isang kamay ko. Sunod kong binaril ang isang estudyante at bumagsak na rin siya tulad ng bodyguard.
Agad kong pinuntahan si Nave, sinipa niya ang Zombie kaya napalayo Ito sa kanya. Kinuha ko ang Batuta at hinagis sakanya

"Salamat!"

Hinampas niya ng hinampas ang ulo ng Zombie, hanggang sa Hindi na Ito makagalaw.

"Tara na Tol."

Tinanguan ko naman siya at sabay kaming tumakbo ulit papuntang sasakyan, pero Hindi pa man kami nakakalimang hakbang ng takbo ay may pulang kotse na ang papunta sa amin. Naaninag ko si Vino sa loob, siya ang nagdadrive.

"Bagong kotse mo yan tol?" Tiningnan ako ni Nave, umiling ako. Kulay black ang kotse ko Hindi pula.

"e, panong..." Tiningnan ko si Nave. Nagkibit-balikat lang ako sakanya.

Huminto ang sasakyan sa tapat namin ni Nave at lumabas ng kotse si Vino. Tatanungin Sana namin siya kung saan galing yung kotse pero inunahan niya kaming magsalita.

"Wala na doon ang kotse mo kuya, puro basag na salamin lang ang nakita ko sa parte na pinagparkan mo kanina kaya malamang ninakaw yon. Kaya naghanap ako ng iba, at yan. Buti Hindi naka-lock ang pinto at nandoon lang ang Susi sa loob, may Tanong pa?"

Living with the UndeadWhere stories live. Discover now