UNDEAD I

34 2 0
                                    

Vincent - "F*ck, where this creatures from?"

Naka-pangalumbaba lang ako habang nakikinig sa prof namin. Nababagot ako sa mga itinuturo niya, Hindi naman sa nagyayabang pero alam ko na, nag-advance reading ako kagabi.

"And as the cells are blah.. Blah blah.. Blah.." Prof.

Malapit na akong makatulog ng biglang nagring ang bell. Tumayo naman ako kaagad at kinuha ang bag ko saka lumabas sa ikalawang pinto sa likuran kahit Hindi pa nakakapagpaalam ang prof namin.

"Yow, Tol! Kahit kailangan talaga napaka mo. Hindi pa nga nakaka alis yung prof natin, mas nauna ka pa. Ayos."

Habol sa akin ni Nave. Tiningnan ko lang siya at Hindi na pinansin. Nakita kong umiling pa siya.

Nang makarating kami ng Cafeteria, maraming estudyante ang nasa gitna. Hindi ko na Sana iyon papansinin pero bigla silang nagsigawan at nagtatakbo lahat palabas. Hinila ko ang lalaking papadaan sa gitna namin ni Nave at nagtanong.

"Anong meron dun?"

"Z-zombie kuya! Akala namin nantitrip lang y-yung babae, p-pero bigla niyang kinagat sa b-braso yung ka-block mate ko!"

" sigurado ka?" Tiim ko siyang tiningnan.

"OO naman! K-kung H-hindi kayo naniniwala, tingnan niyo!"

Bigla siyang tumakbo ulit, nadapa pa siya dahil sa nakaharang na upuan pero tumayo ulit para talaga maka Alis lang sa lugar na to. Tiningnan ko si Nave.

"Tara, tingnan natin" Nave

Hindi pa man din kami nakaka Alis sa pwesto namin ng biglang atakihin ng isang estudyante si nave, dinambahan siya nito.

"Tang*na tol! Tulungan mo naman ako dito!, Sh*t kadiri."

Nakahiga na pala sa sahig si Nave habang nakadagan sakanya yung Zombie, natutuluan na rin ng dugo si Nave sa uniform niya. Kinuha ko agad ang malapit na upuan sa pwesto ko at agad na hinampas ito sa likuran ng Zombie.
Nanlamig ako bigla ng lumingon sakin yung Zombie. P*ta, nakakabakla to ah!. Naka alis naman si Nave sa pagkakadagan sakanya at sinuntok pa yung Zombie.

"Tang*na mo Nave! Tara na! Dali! Puntahan natin si Vino sa kabilang building!" Sigaw ko sa kanya.

Tumakbo naman ako agad papunta Kay Vino, tang*na talaga. San ba galing ang mga nilalang na yun? Tumingin ako sa bintana kung madami na ba sa school grounds.

"Hoy! Gag* ka Vince! May Zombie!"

May pasalubong na Zombie sa harap ko at agad ko namang naiwasan dahil sinabi ni Nave.

"Salamat tol!" Sigaw ko Kay Nave. Nakasunod lang siya sa likod ko.

Habang tumatakbo kami ay pilit naming iniiwasan ang mga Zombie na nakakasalubong namin.

Nang makarating kami sa classroom nila Vino ay maayos na nagtuturo pa rin ang guro nila. Tuloy-tuloy lang kaming pumasok ni Nave, hinawakan ako ng guro nila, pinigilan ako. Pero agad naman tinawag ni Nave si Vino.

"Vino! Halika na Dali!" Nagmamadaling sabi ni Nave.

Kahit nagtataka ay sumunod naman si Vino, marahil ay dahil sa itsura naming dalawa na may bahid ng dugo ang aming uniporme. Saka nag excuse siya sa teacher niya. Sabay-sabay kaming tatlo na lumabas ng room na yun, pero huminto saglit si Nave.

"Vince tol, wait lang."

Bumalik siya papasok ng room, sumunod naman kami ni Vino pero hanggang pinto lang kami.

"Ma'am, alam kong Hindi kayo maniniwala pero kailangan niyo akong paniwalaan. Marami pong Zombie sa labas at nagkalat na sila. magi-ingat po kayo, kayong lahat."

Living with the UndeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon