UNDEAD VI

7 1 0
                                    

ROZETH'S POV

"Girl!? Kain na tayo, gutom na me eh."
Naka-ngusong saad ni Jims, kaibigan kong Beki.

"Saglit na lang to, Last Chapter na nga tong binabasa ko eh."

"Eeeeeiiiih.. Ano bang epekto sa life mo nyan? A book about Zombie? Wala namang matutulong sayo yan ee."

"You know what? Mauna ka na sa Cafeteria. Di ko maintindahan yung binabasa ko, kinakausap mo kasi ako e."

Hindi pa ring tumitingin na Sabi ko sa kanya.

"Naman e. Wala akong kasabay!"

"Shhhh. Ang ingay mo, sige.. Kulitin mo pa ako at di ko matatapos tong binabasa ko."

Ngumuso lang ang bakla at nagkamot ng ulo. HAHA! Talo siya.

After siguro ng mga 5 minutes ay isinara ko na ang Librong hawak ko at tinago ko na sa bag ko.

"Haaay Thank you Lord, natapos ka rin sa pagbabasa ng Creepy book na yan."

Inirapan ko lang siya at tumayo na sa kinauupuan ko.

"Tara na nga, hiyang hiya naman ako sayo at pinag antay kita, mahal na Reyna"

Sarkastiko kong Sabi. Kainis kasi to.

"Buti naman at alam mo Aking tagapagsilbi."

Aba't? Hinampas ko nga. Gago kasi.

"Kapal mo ha?"

"Eto naman, sinakyan ko lang yung trip mo eh. Lokaret ka."

"Gaga! Ikaw nga Loka diyan e."

"Wushuu, daming alam ni Ms. Rozeth oh."

Asar niya sakin. Pero, I'm not Affected. Lol.

"Pero seriously Girl? Bakit ba ang hilig mo sa mga Creepy things and saan mo nakuha yung librong binabasa mo kanina? Grabe ah? Ang luma na niyan."

"Nagpunta kasi ako sa Museum kahapon, Eh di ba may katabing library yun? I just came there then poof. Nakita ko to at Hiniram ko. Ang ganda kaya ng Storya. Parang Diary base sa pagkakasulat tsaka ang ganda nung Storyline about Zombie Outbreak. Astig nga eh Hand Written ang text."

"Blah.. Blah.. Blah.. hindi naman totoo yan e. Zombies and other Creepy creatures are just from those people who have big and super creative imagination. Kaya I'm not believing na magkakaroon ng Outbreak of Zombies in any place. Duh."

"Wow haba ng speech ah? Well anyway I don't care kung ano pa ang sabihin mo. Basta kapag nagkaroon ng Outbreak makaka Survive ako!"

"Eww, alam mo girl, sasambahin kita ng todo kapag nagka Zombie Outbreak dito. Kaso ang Tanong magkakaroon ba?"

"Ang KJ mo." Sabi ko na lang.

"Hay pang College ba talaga yang utak mo? Parang pang elementary kasi eh"

"Ayy? Grabe siya oh? umorder na nga lang tayo."

Habang nakapila kami sa Counter Area ay may napansin akong babae, duguan ang suot niyang white Uniform at bahagyang nakatabingi at nakayuko ang ulo niya, may malaki syang sugat sa leeg mukha siyang Zombie. Errrr?

"Uyy Jims? Tingnan mo yun. Mukha siyang Zombie.." Kinalabit ko siya at tinuro yung babaeng nakita ko.

"Ayan. Yan ang napapala mo kababasa ng book about Zombie. Yang imagination mo tumataas, e mukhang Prank lang yan tulad nung napapanuod mo sa YouTube? Trip lang yan, gusto lang niyang mandiri ka at masuka para di mo makain yung pagkain mo."

"Weh? E baka Zombie na talaga yan..tingnan mo kasing mabuti."

"Bahala ka nga diyan Rozeth."

Di ko siya pinansin at tinitigan pa rin ang babae. Sinimulan na siyang pagtripan ng ibang mga Students dito sa Cafeteria pero parang wala lang sa kanya at pilit niyang hinahabol yung isang lalaki na pinagtitripan din siya.

Living with the UndeadWhere stories live. Discover now