CHAPTER 25🌿✨ -You Almost Knew

Magsimula sa umpisa
                                    

Napangiti naman ako nang tawagin niya akong bukod sa maganda ay anak.

Ang sarap sa pakiramdam na tawagin kang anak.

Lalo na ng ina ng taong mahal mo.

Mula noon, hanggang ngayon talagang ni minsan ay hindi ako itinuring na iba ng pamilya ni Erik. Sa totoo nga niyan, parang totoong pamilya na ang turing ko sa kanila.

Sa sobrang dalas ng pamamalagi ko sa bahay nila ay madalas ko silang nakakasama. Magmula kay Ate Dhang na panganay na kapatid ni Erik hanggang sa mga pamangkin niya ay kilalang kilala ko na.

Totoo nga talaga, kami na lang talaga ang kulang.

"Eto din po, maganda pa rin, at syempre fresh." pabiro ko ring sagot na ikinatawa naman niya.

"Yan ang gustong gusto ko sayo e, namiss talaga kitang kakwentuhan. Ano ba namang pinaggagagawa mo at hindi ka na naglalagi dito? Parang dati lang halos dalhin mo na ang buong aparador mo sa sobrang tagal mo dito." sabi niya

Medyo nahiya naman ako sa sinabi niya. Ganoon na ba ako ka-kaladkarin ngayon?

Gustong gusto ko ring sumagot na "E kasi po yung anak niyo tinotopak" kaso hindi naman pwede.

"Uhm medyo naging busy lang po, medyo maraming projects na inaasikaso. Lalo po syempre umaartista na ako ngayon." sabi ko.

"Hay nako, dahil matagal kitang hindi nakausap dapat ngayon dito ka muna at marami tayong pagkukwentuhan. Hindi ako papayag na umalis ka. Kailan ka ba kasi titira dito nang araw araw na tayong makakapagkwentuhan?"

Doon ay natahimik nanaman ako nang medyo matagal, ni hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanila sa oras na 'to.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at ngayon ako nagpunta dito.

Magsasalita na sana muli ako nang bigla kaming nakarinig ng pag iyak mula sa batang kanina ay natutulog. Agad naman itong nilapitan ni Nanay Litz para buhatin kaya tumigil na rin ito sa pag iyak.

Lumapit ako sa kanila at para bang nakilala ako ng bata nang makita ako.

"Oh tingnan mo, pati si Rhome namiss ang tita Angie niya." sabi nito.

Awtomatiko kong inaya ang bata para buhatin.

"Hello Baby Rhome, namiss mo si Tita?" sabi ko na para bang naiintindihan na ako ng batang

Tanging ngiti lang ang isinagot nito habang titig na titig sa mga mukha ko pero sapat na yun para mapangiti ako.

Oh diba, bata pa lang marunong na rin kumilala ng magaganda.

Kung tutuusin ay kamukhang kamukha niya si Erik. Walang duda, pamangkin niya nga ang batang ito.

Minsan naiisip ko nga, paano pa kaya kung anak na mismo ni Erik? Siguro ay kahulmang kahulma niya ang mukha.

Halos natuon naman ang atensyon ko sa bata dahil medyo namiss ko rin na makita ito.

Sa tuwing dumadalaw kasi ako dito ay nandito si Rhome at ang isa pang pamangkin ni Erik kaya naman halos malapit na rin sila sa akin. Sa sobrang pagkaaliw ko sa pagngiti ng bata ay ni hindi ko kaagad napansin na kanina pa nakatitig si Nanay Litz sa akin. Nang tumigin siya sa akin ay nginitian niya naman ako.

"Ang ganda niyong pagmasdan. Para kayong mag-ina. Pwedeng pwede na Ge, bagay sayo."

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maging reaksyon sa sinabi niya.

"Ang maging nanay po?"

"Oo, ang maging nanay ng mga magiging apo ko."

Natawa naman ako sa sinabi niya. Ilang beses ko na ring narinig yang banat na yan mula sa kanya.

Secrets Beyond the StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon