CHAPTER 25🌿✨ -You Almost Knew

Start from the beginning
                                    

"Gege?! Uy Gege ikaw nga!" sabi Ate Dhang at agad na niyakap ako.

Si Ate Dhang ang panganay na kapatid ni Erik.

Napangiti naman ako sa sobrang higpit ng yakap niya sa akin. Namiss ko rin siya.

"Namiss kita ha, ang tagal mo ring hindi nagpunta dito!" sabi naman nito sa akin.

"Oo nga Ate e, medyo busy din kasi." sabi ko naman. Oo nga, halos ilang linggo na akong hindi pumupunta sa bahay na ito.

Marahil hindi na sila sanay na hindi ako nakikita. Kung wala lang sana kasing problema.

"Busy? Artistang artista naman tayo sa part na yan!" biro niya naman sa akin.

"Well, ganon talaga. Nagpapayaman." sagot ko naman.

Ganito lang talaga kami mag-usap. Madalas, puros kalokohan lang.

"Oh maigi naman na pumunta ka, namimiss ka na ni Nanay, alam mo naman yun, namimiss agad yung paborito niyang daughter-in-law kapag hindi niya nakikita" pabirong sabi naman nito.

Daughter-in-law daw? Ansabe.

"Loko! Miss niyo lang kamo ako kasi wala kang kasama mag ingay dito. So nandiyan ngayon si Nanay sa loob?" sabi ko naman

"Oo naman, yung jowa mo lang naman ang wala." alanganing sagot niya.

Kumunot ang noo ko, "Huh? Wala diyan si Erik?"

Nakakapagtaka.

Wala si Erik dito?

Sa pagkakaalam ko wala naman siyang trabaho ngayon kaya nga nagbakasakali ako na maabutan ko siya dito.

Buong alam ko lang ay may trabaho siya kahapon. Nakaramdam nanaman ako ng kaba.

Bakit pakiramdam ko bigla ay mali nanaman sa mga nangyayari?

Ate Dhang just shrugged at me.

"Wala eh, kagabi pa hindi umuuwi. Bakit hindi ba nagsabi sayo kung nasaan siya?"

"Hindi." medyo mahinang sagot ko dahil ang totoo ay napakarami nanamang naglalaro sa utak ko.

"Oh? Akala nga namin doon natulog sa inyo. Ay teka nga bakit ba dito tayo nag uusap, Nay! Nandito si Angge!" sigaw nito at kinaladkad na ako papasok ng bahay nila.

Hindi na ako nakapalag nang
hilahin na ako nito papasok ng bahay.

This house is very dear to me.

Pagpasok namin sa loob ay sinalubong agad kami ni Nanay Litz na para bang sayang saya na makita ako.

"Angie!" mahina pero masayang bati nito sa akin.

Talagang malumanay lang siya magsalita palagi.

"Hello po Nay, nandito ulit ako." pinilit kong alisin ang kaba sa puso ko at maging masaya sa pagharap sa ina ni Erik.

Ayoko namang maramdaman nila.

"Etong batang 'to oh! Miss na miss na kita."

"Nay, sobrang namiss ko rin po kayo. kamusta po kayo? Pasensya na Nay, wala akong dala ngayon, biglaan eh." sabi ko naman at yumakap agad sa kanya.

Sa tuwing pumupunta kasi ako dito ay palagi akong may dalang niluto ko o di kaya mga pagkain ba paborito nila. They're like a family to me already, ganoon na kalapit ang loob ko sa kanila.

"Eto maganda pa rin. Ayos lang yun ano ka ba, ang mahalaga ngayon nandito ka." nakangiting sabi nito sa akin at inilayo ako sa pagkakayakap sa kanya para hawakan ako sa pisngi. "Ikaw, kamusta naman ang maganda kong anak?"

Secrets Beyond the StarsOn viuen les histories. Descobreix ara