CHAPTER 23🌿✨ -Fear of Priorities

ابدأ من البداية
                                    

Pero hindi niya na ipapaliwanag pa sa kapatid dahil tiyak na lalo lang siyang aasarin nito.

"Pinagsasabi mo diyan?" maang na tanong niya kay Ron

Tumawa, "Aminin mo na kasi Kuya. Wala ka pala eh, si Ate Angge lang pala ang makakapagpatiklop sayo. Takot ka. Partida, hindi pa kayo okay niyan ngayon ha pero siya pa rin ang naiisip mo."

"Hindi ako takot sa kanya, alam ko lang kung ano ang tama sa mali." naiiling na sagot niya.

"Sus kunyari pa. Takot kang iwanan no? Ano!?" pang aasar pa ni Ron

Hindi na lang siya umimik kaya muling nagsalita ang kapatid, "Hindi pa kayo kasal pero takot ka na. Paano na yan kapag Santos na rin siya?"

Napailing na lang si Erik, aminin man niya o hindi ay yun naman talaga ang totoo. Takot siya hindi lang sa talak ni Angge kundi takot rin siyang iwanan nito. Ganoon naman talaga kapag mahal mo diba? Talagang natural lang yun, takot ng pagmamahal sabi nga nila.

"Tumigil ka nga. Umuwi ka na dun. Hinahanap ka na ni Jackee, iwanan mo na ako dito."

Napailing naman si Ron.

"Alam mo Kuya dumaan din sa ganyan noon kaya huwag kang mag alala, naiintindihan kita. Huwag ka nang mahiya sa akin." tinapik pa nito ang balikat niya.

Nakakatawa nga, siya ang Kuya pero naunahan pa siya nito sa pagkakaroon ng pamilya at ito pa talaga ang nagpapayo ngayon sa kanya.

"Oo na, oo na isipin mo na kung anong gusto mong isipin. Umalis ka na dito." sabi niya sa kapatid na ngayon ay iniinom ang natitirang alak sa baso nito.

"Pinapunta punta mo ako dito kanina tapos pinapaalis mo ako, yung totoo? Ako pa nga nanlibre ng alak sayo!"

Wala naman talaga sa plano ni Ron ang mag inom nang sobra, sadyang gusto lang nitong subukan ang sagot ng kanyang Kuya at hindi nga siya nabigo.

"Kaya ko naman umuwi mag isa."

"Hindi, alam mo tara na sabay na tayo umuwi lasing ka na rin eh." sagot pa ni Ron

Umiling na lang siya sa kapatid senyales ng pagtutol.

"Hindi pa ako lasing Ron, sige na, kaya ko umuwi mag isa. Uuwi din ako maya maya." pagpapaliwanag nito.

"Sus baka naman hindi ka sa bahay umuwi mamaya. Baka naman didiretso ka nanaman sa misis mo. Kulang na nga lang daw sabi ni Nanay e doon ka na tumira."

Yung misis niya na hindi niya maintindihan kung bakit palaging mainit ang ulo sa kanya.

Kanina nga ay parang maiiyak na kahit ang babaw ng pinag aawayan nila, bakit kaya?

Tumawa lang siya, "Uuwi ako sa bahay, wala naman akong ibang mapupuntahan ngayon. Mag aayos pa ako ng gamit ko para bukas."

Alam niyang ang drama ng sinabi niya pero yun naman ang totoo. Gustong gusto niyang puntahan si Angge ngayon at magsorry pero pinapangunahan pa rin siya ng sama ng loob niya at ng tampo.

"Sus, ikaw pa ba. Hindi ka matitiis nung MISIS mo. Siguro yun iniisip nun kung nasaang impyerno ka nagsuot."

Sagot naman nito at ipinagdiinan pa ang salitang Misis.

"Impyerno talaga? Ganon talaga, magkasama nanaman tayong dalawa eh. Siguradong tuwang tuwa rin sayo ngayon ang asawa mo. Umuwi ka na nga nang matuwa rin ako sayo."

Tumawa naman si Ron bago tuluyang tumayo na sa bar stool na kinauupuan.

"Sige na Kuya uuwi na ako, bibili pa ako ng gatas ni Rhome eh. Baka hindi nanaman ako papasukin ni Jackee sa kwarto. Ingat ka bukas ha?"

Secrets Beyond the Starsحيث تعيش القصص. اكتشف الآن