I looked forward to the first day of school as a high school student. Kaiba pa rin ang building namin sa mga Senior High School pero mas madalas nang makasalamuha ang mga ito. I looked forward to new classmates and using my new things for school. Namili kasi ulit kami sa Bacolod. Pumunta na naman ako sa isang petshop pero hindi na ako bumili ng kahit ano, iniisip ko ang magiging reaksiyon ni Alvaro.

I missed Kuring but I know he is in good hands. Kahit na may kaunti akong pagdududa sa kakayahan ni Alvaro na mag-alaga ng pusa, hindi na rin naman naging masama ang ipinakita niya sa huling mga pagkikita namin. He goes to the vet and he feeds the cat, not once a day, but regularly, not with just milk, but with cat food.

Iniisip ko ang pagpapa neuter doon. Hindi pa namin napag-usapan ulit at mabilis na lumalaki si Kuring. Pero mahaba pa naman ang oras namin... may isang taon pa.

Isang taon.

I don't know much about being a PMA-er but if he would really take it, then that will mean he won't study here for college. I expected to see him here always. He's smart, and even with his extra curricular activities, he would always be in the honor roll. Hindi ko kailanman naisip na tutulad siya sa Ate at Kuya niya na sa ibang lugar mag-aaral.

And... PMA. That's far. He won't be home even for once a month. Paano si Kuring? Nariyan naman si Tita Ana, hindi ba? Kung ganoon, siguro mas mabuting madalas na nga ang bisita ko para ako na ang magpapa vet kay Kuring, kung busy si Tita.

I didn't think much about that the next days. I just couldn't sleep because of the excitement of my first day of school as a high school. I hope things will change now that I'm starting a new year at school.

Kaya lang... mali ako.

"Ano ba 'yan, Kalansay? Mas lalo kang pumayat! Kumain ka naman! Lalabas na ang mga mata mo!" sabay tawa ng dating kaklase na kaklase ko na naman sa first year highschool.

Bago at medyo kumapal ang eyeglasses ko kaya siguro mas malaki tingnan ang mga mata ko. Hindi ko alam kung totoo ba ang sinasabi nilang pumayat ako lalo o pang-aasar lang pero nahihiya ako.

"Uyy! In love si Giraffe! May tigyawat na malaki sa mukha!"

It worsened because of that.

I tried to be friendly to the new girls but it was always as if I am offending them.

"Pasikat! Hindi porque't ka lebel mo si Chayo, magyayabang ka na! Pangit mo uy, talampakan ka lang niya!"

That was when I tried to butt ihn a conversation. Pinag-uusapan kasi nila iyong bagong bag ni Chayo. Hindi ko napansin ang bag ni Chayo pero nang narinig ko ang tinukoy nilang brand, nagpresinta ako.

"Ah, si Aria may ganoong bag din. Binili ni Tita sa amin. Hindi naman sobrang pareho kay Chayo, cross body iyong amin-"

"Nagtanong ba kami sa'yo?!"

Napawi ang ngiti ko at natahimik na lang. Simula roon, isa-isa na nila akong sinabihang mayabang at pasikat.

From that day, I realized they hate me. But still I tried my best to be friendly to others, lalo na sa mga loner din na tulad ko.

Namigay ako ng chocolates sa mga pinakatahimik at mukhang mabait sa classroom. Iba-ibang araw pero pare pareho ang reaksiyon ng mga nalapitan ko.

"Salamat, Yohan," sabi sa akin.

Ngumiti ako at inisip na sa wakas, may mabait na rin akong magiging matalik na kaibigan. "Kapag mayroon pa sa ref, dadalhan ulit kita bukas. Ayos lang?"

"Ikaw ang bahala."

I nodded again, already giddy because I will now have a real friend.

"Saan ka ba nag la-lunch? Ako, madalas sa tabi ng gym. Pero kung saan ka mamaya, puwede akong sumabay sa'yo."

Hold Me Close (Azucarera Series #3)Where stories live. Discover now