Meet you 💕

16 0 0
                                    

Chapter 28

Natapos ang dinner nang may ngitngit ng galit ang puso ko. Sa loob nang ilang oras na nag-uusap ang ilang mga kasama ni Daddy sa kompanya at ilang mga investors ay hindi ako nilubayan ng tingin ng lalaking iyon!

Ano ang gusto niyang palabasin sa akin?

He is going into my nerves!

Kalaunan ay siniko ako ni Troy..

"What?" mahinahon kong tanong sa kanya habang malapit ang mukha sa aking pisngi.

"What's with you and Ivan?"

"Bakit? What do you think is with 'us', we are having dinner now. He's your visitor", patay malisya ko siyang sinagot tungkol sa tanong nito.

"Hindi iyon. He's intentionally and uninterruptedly looking, staring at you and..glaring at us" he playfully add.

"And what's that supposed to mean?"

"I don't know. You tell me" I puff an imaginary smoke from my lips and didn't mind him as we resumed to listen to daddy's investors at the company.

Naging ganoon ang buong dinner hanggang sa magdesisyong umuwi na ang ibang mga oldies sa kani-kanilang pamilya dahil kailangan na din ni Daddy nang pahinga ng alas nwebe nang gabi.

Other engineers stayed for a while dahil sa konting inuman sa lanai. Mga kaibigan lang naman ni Troy sa kompanya, kasali na don sina Bench at Ivan.

I escaped his hawk like eyes when us girls decided to stay at the sunroom. My favorite cozy place noon pa, sa pamamahay na iyon.

Ivy, and Sheena stayed for a little while for tea. Habang kami naman ni Charlyn ay light flavored beer.

"So, kumusta ka na? Dumalaw ka naman minsan sa opisina mo dati.." imbita ni Charlyn sa akin.

"Ahm, kung okey na ang schedule ko Cha, papasyal ako. We will still have an event coming and I will be very busy these coming days. Nagkaroon lang ako nang panahon ngayon kasi di ako kasali sa prep na ginagawa nila sa hotel",

"Kailan ba itong show niyo? Baka naman di kami maging busy at makanood.."

"Ah oo nga pala, don't worry.. I am a part of it at magbibigay ako sa inyo ng tickets sa frontseats and that's a bridal expo.. Baka may magustuhan kayong gowns at kung sino na sa inyo ang ikakasal..pwedi kayong makapili sa designs ni Travis, or Magpa desinyo sa kanya, just use my name ang you'll get a discount" anyaya ko sa kanila.

"That's so cool..." Sheena exclaimed.

"Do you guys want some beer?" I asked.

"Yes please," sabi ni Chang.

"Okey, wait here. Magpapadala ako sa kasambahay. Are you sure, you want some more Cha? Who'll drive for you?"

"I bet, one of the engineers will drive her home.." may himig ng tukso sa boses ni Ivy nang sabihin niya iyon.

"Talaga? Sino?"

"Si Aaron", sabi ni Sheena. Oh well, as long as they're good with each other, wala namang problema.

"Ohw. That is good to hear. Ingat, baka playboy" sabi ko.

"Hindi naman siguro... Hindi naman kasinggwapo nina Troy, Bench at Ivan iyon", nakanguso niyang sabi sa mga kaibigan.

"Haha, sila pa talaga ang ginawa mong example ha. Well, Sheen, how's your brother Bench?"

Fishing, eh?

"He's the same. Hindi mapirmi sa bahay. Sa condo niya lagi umuuwi kaya si Daddy palagi siyang kinakagalitan, pag hindi na raw kaya ni Daddy ang business, ipapasa na niya kay kuya. At siya na raw mismo maghahanap nang asawa para kay Kuya.."

My Unforgettable Memories of YouWhere stories live. Discover now