Facing the New Her 💋

14 2 0
                                    

Chapter 10

Nakikinig ako sa isang malamyos na kanta sa aking headset habang nagdadrive papunta sa opisina.  Naka play ang 'That's What I Like' ni Bruno Mars mula sa cellphone na nakalagay sa aking kandungan. Mahigit dalawang buwan na akong naka-assign sa mechanical engineering team at naghihintay  kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa ako inililipat ng aking ama sa ibang department.

"Lucky for you that's what I like..." Pagsabay ko sa kanta ng singer mula sa phone.

"Sex by the fire...all night."  Damn! Bruno Mars! Namiss ko tuloy ang mag bar..

Nasa kasarapan na ako ng pakikinig ng makita ko sa peripheral vision ang pagbiblink ng headlight ng isang sasakyan sa likod ko. Tumaas ng konti ang kilay ko ng mapansing si Troy iyon. Hindi ko na pinansin dahil, wala lang...
Mas nilakasan ko pa ang volume ng music para mawala ang pansin ko sa kotseng nakasunod sa akin.

Gosh..kakamiss talagang mag bar.. Makapag bar nga mamaya...

Nagmamadali na akong naglakad patungong elevator mula sa ground floor dahil nakikita kong malapit ng magsara ito. Well, first floor lang naman ako and from there sa private elevator na ako paakyat. Papasara na ako ng may humarang na mga kamay sa siwang ng lift. Nagulat ako doon, pero agad naman akong nakabawi. I push the open button para makapasok pa ang sasakay. I stiffen when it was the idiot who comes in.

I admit that I was civil to him these past few months dahil sa department niya ako naka-assign.

Nakasuot lamang ito ng isang itim na shorts, gray sneakers at gray UnderArmour sports shirt. May suot itong itim na aviators at naka bullcap na may design ng redbull. Mukhang hindi ito sa opisina patungo dahil sa sobrang simple nitong suot.

"Saan ka pupunta?" biglang tanong nito sa akin.

"Sa taas!" sagot ko naman.

"Nang ganyan ang suot mo?" tinanggal nito ang aviators at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. I raised my brows.

Now what? What's wrong with my clothes anyway?  Pero hindi ko na isinatinig ang gusto kong sabihin sa kanya. Ano na naman ang pakialam nitong lalaking 'to? Nakakahalata na ako na palagi akong sinisita ng mokong dahil sa mga sinusuot ko lately. Napatingin tuloy ako sa sarili kong suot. Isang denim jumper short shorts, orange turtle neck sweatshirt at converse shoes, hindi din naka ayos ang buhok ko.

"Are you not aware that most of the  people in our floor are men?" I can now sense that my forehead creased like there is no tomorrow.

"I am not dumb! Of course I know!"

"What the fuck is wrong with you? I didn't say your dumb! Lalaki lahat ng kasama mo sa department mo, tapos ganyan ka papasok sa opisina? It is not even an office attire. Noong isang linggo ka pa ah! Nanadya kana!" mainit nitong komento sa kanya.

"What the hell is your problem?!" singhal ko na sa kanya! Hindi ko na naituloy ang dapat kong sabihin sa kanya ng bumukas ang lift at nauna itong lumabas kesa sa akin. Sa first floor lang ako dahil balak kong sumakay sa private lift! Sinusundan ko siya dahil hindi ako nakahuma sa sinabi niya at balak ko pa siyang talakan!

He has this long strides that I can't keep up. Naabutan ko siya sa harap ng private lift, nandoon na si Troy at Bench na naghihintay din. Halos magkakapareho ang suot ng mga ito. Puro naka sneakers. Mukhang iba ang lakad ng tatlong bebe, este the genius billionaire playboys of MSI.

Troy on the other hand look at her intently. Naka gray FOX shirt ito black shorts and black sneakers plus the Rayban eyeglass. He put away his eyeglasses and turned to me.

"Parang umuusok ang ilong mo sa inis. Namumula ka, what is it this time?" malumanay nitong tanong sa kanya at nilapitan pa siya nito at hinawi ang mga nalaglag na buhok mula sa pagkakaipit niya sa kanyang tenga!

Fuck Troy! Umiiwas na nga ako diba?

"Wala.." tanging nasabi ko habang tumigil mula sa pagsunggab kay Ivan na nasa gilid namin. Nagkatinginan naman ang tatlo sa labas ng lift. Parang nag-uusap ang mga mata at bahagya akong sinulyapan at parang nagkaroon ng silent agreement. I saw Bench tilted his head and smirked at nauna ng pumasok sa lift.

"What are you waiting for? Sumakay kana! Baka pagpyestahan pa ng mga empleyadong lalaki ang legs mo diyan sa labas." nakakasuyang sabi nito sa akin.

Aba't ang pakialamero talaga ng idiot na 'to?! Goodness! Pasalamat ka't nandito si Bench at Troy at hindi ako makatalak sa iyo! Gosh... Nakaka-drain agad kahit ang aga-aga pa! Argh! I really need to go to a bar tonight!  Marahas ko siyang tiningnan ng matalim! Tumaas ang kilay ng hudyo. Aba't!! Ang lakas ng loob!! Talaga naman...  Pumasok na ako sa lift at nagsimula na itong umandar pataas.

"Chill.... Bakit nga naman ganyan ang suot mo? It is not an office attire babe..." malumanay nitong pagsita sa kanya.

"Oh please! Don't start!" he sighed dahil wala naman talaga silang magagawa sa suot ko. This is a democratic country!

I am free to wear what I want to wear.

"See? Ayaw niyang magpasabi" segunda na naman ng pakialamerong si Ivan.

"Bakit kaba nangingialam?" I advanced.

"Kit..." pigil ni Troy sa aking beywang, gusto ko ng pagkakalmutin ang maganda niyang mukha. Damn his beautiful face!

"What? Kakampihan mo pa talaga siya? Kotang-kota na talaga ako sa iyo ha! Eversince I went back here masyado ka ng nakikisawsaw sa mga activities ko sa loob ng MSI! Anong gusto mong palabasin!"

"Kit! Stop it! Ano ba.."

"Don't touch me!" hawi ko sa kamay ni Troy na nakapigil sa akin. Hindi na nga siya humawak sa akin at humilig na lang sa dingding ng lift at bahagyang hinilot ang nosebridge.

Pareho kaming apat na nanahimik sa loob ng lift. Mukhang frustrated si Troy, kunot ang noo at salubong ang kilay ni Ivan at ngising aso naman ang kay Bench, may bahid ng amusement ang mga mata nitong nagpalipat-lipat ang tingin sa aming apat.

Nauna akong lumabas ng nasa fifth floor na kami kung saan akong department nabibilang.

I went straight to my office habang kinakalma ang aking sarili.

Ang sarap talagang suntukin ng lalaking iyon! Gosh! Maha-highblood ako sa kanya! Argh! Sumusobra kana talaga! You idiot! Idiot! Idiot!

Hinihingal ako matapos kong maisip ang lahat ng iyon. Ano ba talaga ang problema niya sa suot ko? Ganoon din ang reaksiyon niya noong mga nakaraang linggo dahil sa suot ko.

I really need to party tonight. I need to chill at hindi ako makakapag-chill sa bahay dahil nandoon si Daddy at Troy. They will never be passive of what I do, makikialam sila at makikialam kahit kailan nila gusto. I cannot stand that! I will go to a bar tonight kahit ako lang mag-isa!




A/N:

Mukhang nagwawala si Marikit Solanna.
Hanggang kelan kaya huhulagpos ang pagtitimpi nilang dalawa sa isa't-isa. Hindi alam ni Kit kung bakit kuntodo maka react si Ivan sa lahat ng kilos niya pati na si Ivan ay hindi alam kong bakit siya nangingialam sa brat na anak ng Chairman ng MSI.

Alam na dis! 👑😁
Hit the star button guys! Thank you!

My Unforgettable Memories of YouWhere stories live. Discover now