A Real Encounter 💋

21 2 0
                                    


Chapter 3

Nakalugay lamang ang buhok ko na bahagyang nakulot ang dulo.
Handa na ako sa pagpunta sa office, gaya ng napag-usapan namin ni Daddy, ngayong araw na ito ako may office tour.

Royal blue off shoulder dress ang suot ko na knee length at asymetrical ang slit sa may bandang gitna ng hita, kasama ang itim na Manolo Blahnik Heels at simpleng Prada bag. Biglang katok sa kwarto ang narinig ko mula sa labas ng aking room.

"Kit? Are you ready? We are getting late" sabi nito sa labas.  Inaayos ko ang aking hikaw habang papalabas sa kwarto ko. Nakasunod naman ito pababa.

"So what? We own the company for pete's sake, bakit nag-aalala ka diyan?" sabi ko habang dire-diretso ang baba sa hagdanan.

"Dahan-dahan naman Kit! Baka matapilok ka sa hagdan dahil sa taas ng heels mo! Konting ingat naman diyan Marikit Solanna" tukso nito.

I headed to the drawing room na may full length mirror. Doon ko tuluyang inayos ang hitsura ko pati na ang red lipstick ko bilang finishing touches.

Pinagmamasdan lang ako ng binatang nakasunod sa lahat ng kilos ko habang nasa likod ko.
His arms were crossed in his chest. He is standing behind me watching my every move.

Malapit na siyang mainis!

"Done?" tanong nito ng makitang ayos na ako.

"How do I look?" tanong ko ko rito

"Beautiful. Let's go?" anito habang humahakbang na palabas ng main door.

"Yun lang? Yun lang ang sasabihin mo? Wala na bang iba?" nag iba ang timpla ng mood ko sa naaalala kong damdamin ni Troy para sa akin.

"Babe...napag-usapan na natin ito hindi ba? It is not the right time to go talk about it over and over again"

"Hanggang kailan Troy? Hanggang kailan ako pwedeng maghintay? Until when? When? Na magustuhan mo ako sa paraang gusto ko? Kailan mangyayari yung sinabi mo noon, na I am beautiful beyond compare? Am I really beautiful? Bakit di mo ako kayang magustuhan kung maganda naman pala ako sa mata mo! Or am I really? Baka naman sinasabi mo lang ito kasi dahil na naman sa utang na loob mo sa pamilyang 'to!" Humihikbi na ako sa harapan niya.
Naglabasan ang mga kasambahay mula sa kung saan, nag-aaalala sa komosyon sa receiving area sa bahay.

"Leave us.." senyas ni Troy sa mga ito at tumalima naman. Nakakahiya na ang ginagawa ko. Palagi na lang akong nanghihingi ng bagay na hindi nito kayang ibigay. I am sure naaawa ang mga kasambahay namin sa akin.

Hinihilot nito ang sentido at tila nahihirapan sa pagtitimpi. Bubuka ang bibig ngunit ilang segundo uli nitong isasara dahil sa kawalang salita. I know, nilagay ko na naman siya sa hot seat ngayung umaga.

"Babe..." lumapit ito sa kanya at hinawakan ang kanyang mga balikat.

"Don't baby me!" sikmat ko. Hinawi ang mga kamay nito ngunit agad naman nitong binalik.

"You are my only one baby. You are my babe.  No one can change that Marikit Solanna. I love you...as my sister. I care for you so much. Papatay ako kung may mananakit sayo. Huwag na natin pahirapan pa ang mga sarili natin please....." sumamo nito sa akin.  "Gusto ko lahat ibigay sayo, pero nasasaktan din ako dahil ang unang-una mong hiningi ay hindi ko maibigay sayo. Ayaw kong nagmamaka-awa ka Kit..lalo na sa akin. I do not deserve it. I am not worthy of your love. Ayaw kong nanalilimos ka Kit, dapat ay nasa sa iyo lahat. Ayaw kong naiinggit ka sa iba. Ayaw ko ng ganoon ka dahil meron kang hindi makuha. You are our princess in this house next to Mama Soledad. Nangako ako sa kanyang ibibigay ko ang lahat sa iyo, aalagaan kita at si Tito Diego. Please....Kit.... Let this go. I love you as my sister and I love Tito Diego as well. No more, no less. We are family. You are my family... Please.." humikbi na ako. Bigla nya akong niyakap at pinatahan.

My Unforgettable Memories of YouWhere stories live. Discover now