"Kay." Aniya habang hindi pa rin binubuwag ang kanyang paningin sa akin.

"Kay?" Ang nagtataka kong tanong dito.

"Okay. I'll try to be civil with you. The three of you will sleep here tonight dahil bukas pa tayo makakarating sa isla. My room is just across yours. Magpahinga muna kayo, someone will come here when it's time to eat but if you're hungry here's the intercom." Aniya at binawi ang paningin mula sa akin dahil biglang tumunog ang telepono niya.

Si Shanice. Of course, it's expected.

Get used to it, Den. Get used to it. Tiisin mo ang dalawang buwan para sa custody ng mga anak mo.

He looked at me again pero mabilis kong iniwas ang aking paningin. I don't want him to have the pleasure of seeing me hurt. Nilapitan niya ang dalawa na tuwang-tuwa pa rin sa panonood.

"Baby, if you're not feeling well just tell your dada, okay? Jaiden, take care of your brother." Sabi niya dito bago ginulo ang kanilang mga buhok at naglakad patungo sa pinto.

Noong tuluyan ng makalabas si Jonas, biglang tumawa ng malakas si Janisse. Nagkatinginan pa kami ni Jaiden bago tiningnan ulit ang bunso namin na sobrang lakas ng tawa.

"Dada! Kuya! HAHAHAHAHA! Did you see daddy's face when I mentioned tito Miggy? HAHAHA!" Ang tawang-tawang sabi nito sa amin. Nakita ko pa ngang naiyak na siya sa sobrang tuwa.

"Janisse! Did you lie about your heart?!" Ang gulat kong tanong dito.

Tumigil ito sa kakatawa at pinunasan ang luha at lumapit sa akin habang nakangiti. Yumakap ito sa paa ko at tumingala.

"Dada, totoo naman 'yon eh. Natakot ako kay daddy kaya I teased him about tito Miggy. Tinakot niya ako kaya bagay lang 'yon sa kanya." Nakanguso niyang paliwanag sa akin.

I was left speechless. I never knew about this side of Janisse. He's always sweet at medyo mahinhin. May pagka makulit ito pero hindi ito palatukso. This angel in front me....is a little bad.

"P-pati rin ba 'yong sa hospital, Janisse?"

"Mmm. I love daddy because he's my father and he saved us from the bad guys but daddy is not always good to us po. Hindi ko hahayaan na si Jaiden lang palaging nagpo-protect sayo. Dapat hero rin ako kasi twins kami." Aniya at ngumise. Jusko, mukhang kailangan kong bantayan ng mabuti ang dalawang batang 'to.

Pagsapit ng ala sais ng hapon kinatok na kami ng isang crew doon para maghapunan. Si Francis at isang magandang babae ang nadatnan ko doon sa dining table na puno ng pagkain.

"Uncle Francis!" Mabilis na tumakbo ang dalawa kay Francis at nakipag highfive dito.

"Nagustuhan niyo ba ang kwarto niyo?" Ang tanong sa kanila ni Francis habang tinutulungan silang dalawa na makaupo.

"Yes, po!" Ang masiglang sabi ni Janisse dito. Tumango lang si Jaiden dito.

"Ah! by the way Denisse, Janisse and Jaiden this is Faye Hernandez. Faye is Bil Paradiso club's yacht doctor." Pakilala nito dito. Inabot niya sa akin ang kanyang kamay na malugod ko namang tinanggap.

JB3: The Governor's Secret[ PUBLISHED UNDER ETLUX OC PUBLISHING INC]Where stories live. Discover now