Bago pa ako makagawa ng aksyon, mabilis na lumapit sa amin si Jonas at kinarga si Janisse gamit ang braso niyang walang arm sling. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang lakas niya pero siguro katulad ko ay nataranta rin ito sa nangyayari kay Janisse.

"Shh...I'm sorry, baby. Daddy didn't mean it. I'm so sorry. Take a deep breath, please. I'm so sorry for scaring you." Ang halos pabulong nitong pagpapakalma sa anak namin. Nakasiksik naman ang ulo ni Janisse sa leeg ng ama. Nakita ko ang ginawa nitong sunod-sunod na paghugot ng malalim na hininga hanggang sa naging okay na nga ang paghinga nito.

"Daddy, hindi mo po ako sasaktan?"  Mahina man ang boses nito ay malinaw na malinaw sa pandinig ko ang tanong niya. "Pareho kasi kayo ng expression ng lalaki sa school noong hinampas niya ng chair si Jaiden."

Mariing napapikit si Jonas at hinagkan ang noo ng anak ko. "No..No..I will never do that to you. I will never hurt you guys physically."

"Promise mo ba 'yan, daddy? Hindi mo ako sasaktan, si Kuya at si dada? Pati si Tito Francis?" Tanong nito sa ama habang nilalaro ang kanyang arm sling. Nakita ko kung paanong lumambot ang ekspresyon ni Jonas habang pinagmamasdan ang kamay ni Janisse.

"Promise, baby."

Tumingala ang nakangiting Janisse at hinagkan ang pisngi ng ama. "Thank you, daddy. Pinky swear!" Isinukbit nito ang kanyang hinliliit sa hinliliit ng kamay ng ama na nakasabit sa arm sling.

"Wag ka ng magalit sa amin daddy ha? Two months lang naman kami dito tapos hindi ka na makukulitan sa amin kasi pupunta na kami kay Tito Miggy." Matapos sabihin ni Janisse iyon, kitang-kita ko ang pagtagis ng bagang ni Jonas.

Ewan ko rin kong namamalikmata lang ako pero parang nakita kong ngumise si Janisse matapos mahagilap ang kasalukuyang ekspresyon ng ama.

"Let's see your room now, baby. It's not a good time to talk about some pest. Francis, ipahanda mo na ang pagkain. Tawagin mo rin si Faye para macheck si Janisse." Utos nito sa kapatid bago naunang naglakad papalabas ng malaking kwarto na 'yon.

Tahimik lang kaming dalawa ni Jaiden habang nakasunod kay Jonas at Janisse.

"Jonas, ibaba mo na kaya si Janisse baka mapano pa 'yang mga sugat mo." Ang nag-aalala kong suhestyon. Baka kasi bigla nitong mabitiwan si Janisse kaso wala yata siyang balak makinig sa akin.

Dinala niya kami sa isang magarang kwarto doon na may malaking kama. May mababang bintana rin ito kung saan pwede mong makita ang dagat. Nagmamadali namang bumaba si Janisse mula sa pagkakarga ni Jonas para makita 'yon.

"Kuya! Tingnan mo nga kung may dolphin." Hinila nito si Jaiden papunta doon at manghang pinagmasdan ang dagat habang papalayo ang yate sa lugar na pinanggalingan namin.

"Janisse, don't get too excited." Saway sa kanya ni Jaiden na ikinangiti ko. Alam kong nag-aalala pa rin ito sa kapatid dahil sa nangyari kanina.

"Jonas, sana tumupad ka sa pangako mo. Two months is two months kaya sana mabago mo na ang custody ng mga bata." Sabi ko sa kanya habang pinagmamasdan ang mga bata. "Let's be civil in that two months time na magkasama tayo. Let's end our eight years of marriage peacefully."

Nilingon ko ito para makita ang kanyang ekspresyon pero nakatingin rin pala siya sa akin. Hindi ko mabasa kung ano ang iniisip niya.

JB3: The Governor's Secret[ PUBLISHED UNDER ETLUX OC PUBLISHING INC]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora