"Excused na raw kayo ni Kier. Mga 5p.m. pa naman daw sila manonood," sabi nito.

Tumango ako at naisip na kailangan naming gamitin ni Kier ang nalalabing oras sa pag-eensayo at paglilinis ng performance para hindi naman nakahihiya.

Interpretative dance ang napili naming gawin ni Kier at simula nang buoin namin ito ay ipinagamit na sa amin ang staff room bilang practice area.

Naabutan ko siya roon na sine-setup na ang music at mukhang naabisuhan na rin ng tungkol sa mangyayari mamaya. Binati ko siya at tinanguan niya naman ako.

Sa ilang araw na nakakasama ko si Kier ay na-realize ko na hindi talaga siya palangiti. Kaya ang simpleng pag-acknowledge niya sa 'kin at pagtango ay malaking bagay na.

Bago kami magsimula ay isinaksak ko ang charger ng cellphone ko dahil deadbatt na. Nagsimula na kaming mag-practice. Ang balak namin ay pareho kaming nakaputing damit sa araw ng performance. Intimate ang tema ng sayaw.

Tanda ko pa no'ng una kung gaano ako hiyang-hiya at naiilang.

Pero tuwing sinasabi ni Kier na, "Gawin na lang natin para matapos na..." ay tila nawawala ang inhibitions ko at nagpapadala na lang sa saliw ng tugtugin.

"Teka..." Medyo hinihingal na tumigil ako sa pang-apat na rehearsal namin.

"'Yong sa ganito..." sabi ko at gumalaw sa harap niya para ipakita ang tinutukoy na step. "Parang nahihirapan tayong i-synchronize ang mga katawan natin..." sabi ko habang nag-iisip.

"Siguro mas okay kung gagawin nating ganito na lang," sabi ko pa at sumayaw ulit sa harap niya para ipakita.

Late ko na na-realize na baka mukha akong tanga sa ginagawa ko. Napanganga na lamang ako nang biglang may sumilay na ngisi sa mukha ni Kier.

Ngumisi. Si. Kier.

Take note, hindi ngiti kundi ngisi! 'Yong parang nang-aasar.

Uminit ang pisngi ko sa kahihiyan.

"Kung pangit, 'wag na. Hindi naman kita pinipilit." Napatuwid ako ng tayo at umiwas ng tingin.

"Subukan natin. Mukhang maganda naman." Hindi ko na tiningnan ang ekspresyon ng mukha niya dahil nahihiya pa rin ako.

Inabot kami ng hanggang alas-kuwatro y medya sa pagpa-finalize ng steps bago napagdesisyunang magpahinga saglit. Hindi naman nagtagal ay dumating na rin ang head kasama ang ilan pang staff para manood.

Kabadong-kabado na 'ko habang nakatayo sa tabi ni Kier at hinihintay na ma-ready ang music. First time kong gagawin 'to na may nanonood at hindi ko maiwasang isipin kung ano'ng iisipin ng iba.

Baka magkamali ako.Baka makalimutan ko 'yong steps. Baka pagtawanan lang nila 'ko.

Nakarinig ako ng buntonghininga.

"Magaling kang sumayaw, Nari... Wala kang dapat ipag-alala," sabi ni Kier at agad na tumalikod.

Nakangangang sinundan ko ng tingin ang pigura niyang naglalakad na patungo sa gitna. Pagkarating niya ro'n ay saka lang ito humarap. Bumaling siya sa 'kin at tinaasan ako ng kilay.

Huminga ako nang malalim at saka lumapit na rin.Kung magaling na si Kier tuwing practice, masasabi kong performance level talaga siya ngayon.

Sa bawat pag-alon nang magkadikit naming katawan ay tila talagang mararamdaman mo ang mensahe ng kanta.

Pati ang mga ekspresyon na nakikita ko sa kanya tuwing magkakatitigan kami habang sumasayaw ay nagpapadala ng libu-libong emosyon.

Ang galing niya. Sa ipinakita niya ay mas ginanahan lang akong gawin din ang lahat ng aking makakaya.

Sa dulong bahagi ay ipinaglapit namin ang aming mga mukha hanggang sa magdikit ang noo gaya ng nasa plano. Parehong mabilis ang paghinga namin dahil sa hingal.

Nang marinig ang palakpakan ay humiwalay kami sa isa't isa.

Natigilan ako nang biglang mahagip ng tingin si Sir Colton sa labas ng staff room—may hindi mabasang ekspresyon ang mukha.

Nang magtama ang tingin namin ay kumurap siya at agad na pumihit bago naglakad paalis.  Aktong tatawagin ko siya nang magsalita ang head ng team.

"Grabe ang chemistry! Ang galing n'yo!"

Nagpaulan pa ng mga positibong komento ang iba at nagpapasalamat naman kami. Nang magpaalam na sila ay kinuha ko na rin ang cellphone para buhayin ito.

Nagulat ako nang makitang may texts pala roon si Sir Colton.

Colton Jace:
hey im thinking do u have time later

Colton Jace:
are u free

Colton Jace:
u see, its actually my birthday today

Colton Jace:
im hoping i can spend my day with u

Colton Jace:
where r u? u r not at the clubhouse

Colton Jace:
u r not replying

Colton Jace:
whats wrong

Colton Jace:
Nayeli, im worried sick

Parang may kung anong pumipilipit sa sikmurako habang nagbabasa nang biglang may pumasok na panibagong mensahe.

Colton Jace:
nvm my texts. I didnt know u already have things to do with ur crush

Akala ko'y doon na ito matatapos ngunit muling tumunog ang telepono.

Colton Jace:
just pls be safe on ur way home

Napatigil ako sa paghinga. 

Shit.




























Grow with the Flow (Published under Bliss Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon