Chapter (last): Letting Go

1 0 0
                                    

Dumpling,

Happy birthday! Parang kalian lang, magkatabi pa tayo nang huli kitang binati. Di ko pa rin malilimutan yung ngiti mo. Kahit hirap na hirap ka na, naaninag ko pa rin ang sinag sa iyong mga mukha.

Syempre, gaya nang nakasanayan, kumain kami ng ating pamilya...sa bahay. Lutong bahay lang, masaya na kami. Contented, basta lahat magkakasama.

Hinanda ko kagabi ang mga regalo sa mga anak natin. Pero nagulat ako kasi sila ang may bigay sa akin.

Dalawa ang binigay ni Pipette sa akin: isang plaka at isang libro. Una kong sinulyapan ang aklat. Nandoon ang iyong mukha, nakapikit, nakangiti. Tapos suot mo yung blue na sando ba tawag doon? Naalala mo yung date natin sa Star City noong two thousand kopong-kopong? Nagulat ako't pumayag ka na doon natin ipagdiwang ang kaarawan ko.

Samu't saring artikulo ang mababasa ko doon. Sinulat ng mga taong patuloy pa ring nagmamahal sa iyo, matatalik na kaibigan (siyempre pati si Tita R nila Pipette), mga kamag-anak, at lahat ng mga anak natin. Nais kong malaman kung ano ang natutunan nila sa buhay mo, na kahit ako'y di ko pa natanto.

Kopya ng album ng banda ng ating mga anak ang plaka. Naroon ang iyong pangalan, naka-all caps, at sa ilalim ang "The AM Project". Binasa ko ang nakasulat sa likod ng lalagyan: "This record is the product of much soul-searching. In these songs, we hope to capture our mom's heart and soul, how she lived life to the fullest, and how she cared for us, even if we never met her. We hope to have met and understand her struggles through this labor of love." Naluha ako. Mamaya'y papakinggan ko ang plaka bago matulog. O baka bukas ng umaga. Baka hindi ako makatulog eh. Hirap pa naman ako ngayon. Laging nagigising sa gitna ng gabi.

Binigay sa akin ni Burette ang dalawang manyika. Ako at ikaw, suot yung usual nating suot (?) nung sabay tayong nag-aaral dati. Polo at slacks ako, habang naka sando (yun ba talaga tawag doon) at green jacket at maong pants ka. May salamin pa nga yung manyika mo e. Naalala mo pa ba yun? Nung nagsalamin ka? Kahit di nagtagal kasi nagpalaser ka ulit pagkatapos. Ilalagay ko ito sa dashboard ng kama natin.

Pati si Aki may regalo sa akin. Drawing nating dalawa. Nakatawa. Habang pilit kong hinihila ang bag ko, na di ko naman magawa kasi nakaupo ka doon! Hahaha. Kaya pala yun yung pinaalala niya sa akin. Ang galing ng sining, kahit hindi nangyari, nagagawang totoo.

Huli si Crucy na nag-abot sa akin ng regalo. Nakasulat sa cover nito, "Dad, I know this is the only way you and Mom can continue talking. I won't bring her back, but please accept this. Love you. Your fearless and hopefully less reckless daughter. Hehe."

Tinanggal ko ang wrapper. Bumungad sa akin ang mga salitang "Dear Dumpling". Isang customized diary.

"Crucy," nagpipigil ako ng luha pero patuloy pa rin akong nagsalita. "Salamat, pero, ibabalik ko ito sa iyo."

Natigilan ang anak natin, "Dad?"

"Whatever I have to write in these diaries, I will tell you. Diretso ko na sa iyo. Hindi na ako magtatago. It's time to be honest with you. Sana lang ay hindi ako istorbo sa iyo."

"Dad, no, you're not a bother."

Nagyakapan kaming dalawa. Pagkatapos ay sinabi ko sa kanya, "Let's step outside. I'll tell you why I love your mom."

Mahal pa rin kita, Dumpling. Hanggang sa muli nating pagkikita.

Dad.

---

Version 1.0, 6 April 2020


Dear Dumpling (Wala na, Finished na; Completed)Where stories live. Discover now