Chapter 13: Thankful/less

4 0 0
                                    

Dear Dumpling,

Tinanggap ni Aki ang alok ng volleyball team na matagal na niyang gustong salihan. Kalahati na ng season at bawat laro ng team nila, nanonood ako. Di lang sa TV pero sa arena mismo. At gaya ng inasahan ko, inuupo lang si bunso sa bangko. Di siya pinaglalaro kahit magserve man lang.

Sa halip, ginagawa siyang utusan. Naririnig ko lagi sa locker room:

"Aki, buhat mo naman 'to o? Sakit na ng balikat ko e."

"Pabili ng salad at saka tubig. I'm so hungry na e."

"Pick up my laundry? Can't walk no more."

Tinanong ko si Aki, "Are you alright with this?"

"Yes, dad," sagot niyang, "it's part of my training, they say." Nagtaas-baba ang kanyang balikat. Eh.

"Hindi ba pinagsasamantalahan ka doon kasi bago ka? Take advantage of the rookie?" Nag-aalala ako para sa bunso.

"No, dad, hindi naman yata. The girls say that training does not stop outside the court."

Kumunot ang noo ko. At nahalata ni Aki ang pagdududa ko sa mga sinasabi niya,

Hinawakan niya ang kamay ko, "I know you're concerned about the allegations of abuse. Relax, dad, please? Bago naman na yung coaching staff e."

Kaya nga pala sumali si Aki. Tinanggal yung mga taong nadamay sa iba't ibang skandalong lumabas sa media. Bumalik ang mga player na umalis bilang protesta.

Things will change, allegedly. With what's happening to Aki, I don't buy it.

Naalala ko tuloy tatay ko. Bago ako napuno sa kanya, lagi niya akong inuutusan. Di man lang nagpapaalam yun sa akin kung okay lang na gawin ko. Basta, sasabihin niya, hmm, pakiscan ito, pakicheck nga kung pirma ito ni apo, pakigawa ako ng kontrata. Go the extra mile pa ako.

Kaso sasabihin lang noon sa akin, mali ako. Di daw ako marunong sumunod sa instruction. Di daw ako nagbabasa nang maigi. Di ko daw sineseryoso. Pero ang probelma, di naman niya kasi nililinaw kung ano ba talaga gusto niya pag inuutos niya sa akin. Di ko naman matanong, kasi wala naman akong boses pagdating sa kanya.

Naku, hihingi pa yung tatay ko ng abiso sa akin. Saan daw nakuha ni piskal yung 400,000 e 1 million yung nakalagay sa assessment report na pinasa niya? Bakit daw hindi ilaban yung buong halaga? Bakit di daw pwede yung barangay record na patunay ng pag-aari ng lupa?

Kahit na ako itong pinilit niyang mag-aral ng mga ganitong bagay, pinupwersa niyang magaling siya kaya tama siya. Mahirap makipagtalo sa taong akala niya hindi siya kailanman magkakamali. Pakiot-ikot lang kami. Kaya humahanap lagi ako ng kompromiso na ayon sa gusto niya pero pasok pa rin sa pinag-aralan ko.

Pero ang pinakamasakit sa lahat ay hindi siya marunong magpasalamat. Parang boss kung umasta sa kanyang pamilya. Okay lang na utusan niya ako, wala naman siyang pinapagawang labag sa batas e. Tanggap ko nang inaaway niya ako, kahit di naman talaga malinaw kung bakit.

Kaya mabuti di na kami magkasundo e. Hindi na niya ako mauutusan.

No more impunity. I am glad that I stood up to him. It's like a plaster was taken out and I can breathe freely again. I can walk upright, without needing to lower my head down.

Tinanong ko si Aki, "Do they at least thank you?"

"Yes, Dad." Pinakita niya sa akin yung card na binigay ng kanyang teammates. Binasa ko yung mga nakasulat doon:

"Thanks for being a hardworking player."

"Salamat, Aki. Sorry dahil pinapahirapan ka namin."

"Your star will shine soon," nakasulat doon.

Sinulyapan ko ang mukha ni bunso. Abot tenga ang kanyang ngiti.

Aki has reached her dream. It's hard not to be skeptical, but I will learn to be happy for her.

Missing you,

Dad

---

Version 1.0, 30 March 2020

Dear Dumpling (Wala na, Finished na; Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon