Obvious na namula si Badith sa tinuran ni Nikko sa kaniya.

"Red, Miah, samahan ko muna si Badith." Lumapit si Nikko kay Badith at hinawakan ito sa braso. "Let's go. Samahan na kita."

Sa isang gilid ay pangiti-ngiti lamang si Miah. Tumango at ngumiti na lamang din si Red at hinatid ng tingin ang dalawa.

"They look good together." Aniya kay Miah.

Tumango lang si Miah at umalis na sila sa hall para magpahinga.

"WHAT are we doing here?" aniya kay Red nang nagtungo sila sa sea side. Kasalukuyang low tied pa rin at banayad lamang ang alon ng dagat. Nanginig siya sa lamig at binalutan siya ni Red ng jacket nito.

"Pag-uwi natin sa Quezon I'm gonna show you something." Aniya at niyakap sa likod si Miah.

"Ito ba iyong sasabihin mo sa akin?"

Umiling siya. "Hindi lang ito... you know, Miah. Wala na akong hahanapin pang iba. Please stay with me forever..."

Ilang segundong nanahimik si Miah dahil dinama nito ang yakap niya sa likod nito.

"As long as you'll stay with me, I'll stay with you, Red."

Hinalikan ni Red ang noo ni Miah. Good Lord, he can't wait to graduate para makapag propose siya kay Miah. Ano mang mangyari ay hinding-hindi niya ito iiwan.


"THANK YOU for everything, Miah."

Niyakap siya ng mahigpit ni Auntie Joy nang magpaalam na sila sa mag asawa. Tapos na ang halos dalawang buwan na pagtulong nila ni Red sa resort nito. Samantalang si Badith at Nikko naman ay maiiwan pa rito ng limang araw. Kaylangan na nilang makabalik ni Red sa Candelaria dahil kailangan pa nilang mag enroll sa darating na pasukan after this summer. They are turning fourth year college this year.

"I will miss you, Miah. Text text na lang tayo ha. Inform us pag nakarating na kayo sa Candelaria." Ani Badith nang magyakapan sila.

He also hugged Nikko. Hindi nakaligtas sa paningin niya ang pag simangot ng kaunti ni Red. Hindi naman sinasabi ni Red sa kaniya na ayaw nito si Nikko. Pero nakikita naman niya na magkasundo ang dalawa, pero sa tuwing napapalapit siya kay Nikko ay sumisimangot ito. What a jealous guy.

"Take care, Miah and Red." Ani Nikko at saka nakipag tapikan ng balikat kay Red.

"We will go, Tita. Thank you for everything." Si Red naman ang nakikiupag usap sa Aunt niya habang isinasakay na niya sa backseat si Barky.

"Ingat kayo sa byahe!" malayo na sila sa resort pero kumakaway pa rin ang mga ito sa kanila ni Red.

"I had a great time here. I never imagined na magiging memorable ang summer natin this year." Malawak ang ngiti ni Red habang focused ito sa pagmamaneho.

"Yeah. And I think I gained a few weights since ang sarap ng pagkain lagi." Aniya saka hinawakan ang bilbil.

Mabilis lang ang paglingon ni Red sa kaniya at kumunot ang noo nito. "No, you're not. You just tanned a bit pero walang nadagdag na weight sa 'yo. We worked there very hard at palagi tayong napapag pawisan. Kahit na maparami ka ng kain doon hindi tataas ang timbang mo dahil palagi tayong may ginagawa."

Natawa si Miah. Ayaw na ayaw talaga ni Red na naririnig siya nitong dino-down ang sarili niya.

"And if you really gained weight, so what? You're still beautiful for me. Kahit na lumobo ka pa, 'di ka pa rin kapalit-palit."

Nahampas niya sa braso si Red dahil kinilig siya ng kaunti.

"Nahampas pa ako." Nakanguso si Red pero natatawa.

"I love you." She said without looking kasi nahihiya siyang tingnan ito sa mata.

Pero nagulat siya nang ihinto ni Red ang sasakyan sa gilid at saka siya binigyan nito ng malalim na halik.

"I love you more. Kahit na hindi mo ako tiningnan sa mata when you said it, it's okay. As long as it's from your lips."

She kissed him back. He gives him a lot of smack kisses. She swears to God, she really loved this man.

"I am so lucky to have you, Red. Thank you for coming to my life. 'Di naman kita hiniling pero kusa kang dumating sa buhay ko. Hindi ko alam kung deserve ko bang akin ka. But I'll do my best to be better for you..."

"Miah, basta nasa tabi lang kita masaya na ako. As long as na nararamdaman kita kuntento na ako. Hindi mo na kaylangang maging mas higit pa dahil sobra-sobra na iyong saya na nararamdaman ko na gigising ako ng umaga na alam kong may Miah Serano na nag mamahal sa akin."

Hinaplos niya ang mukha ni Red. "Mahal na mahal kita. Ikaw lang ang minahal ko ng ganito."

"You really know how to melt my heart, baby. Sarap sa ears."

She smiled. "Let's go. Baka mainip sa byahe si Barky."

Just the GirlWhere stories live. Discover now