Chapter 1

3.3K 19 0
                                    





Malakas na tugtog na nanggagaling sa loob. Usok na galing sa mga sigarilyo, amoy ng alak, mga taong nagkakasiyahan habang sumasayaw, at higit sa lahat mga ungol na hindi makakatakas sa pandinig mo.


Iyan ang unang bungad sakin pagpasok ko sa isang bar.

"U-ugh,.." rinig kong ungol ng babae na nakakandong sa lalaki hindi kalayuan sa kinatatayuan namin.


Hindi ko mapigilang mapabaling sa ibang direksyon para maiwala ang nakikita. Kinalabit ko ang kaibigan ko na siya'ng nagpumilit na isama ako rito.

"Parrah ayoko na rito, sa iba nalang tayo." bulong ko sakaniya.


"What? Tsk, you will definitely enjoy here later on" pairap na sabi nito saakin habang ngumingiti sa mga kakilala. Malaking ngisi ang nakapaskil sa mukha at nagsisimula ng umindayog kasabay ng ritmo ng tugtog.

Wala na akong nagawa pa dahil hinila na ako nito sa isang parte.


Naupo kami sa counter ng bar at ang kasama ko'y nagsimula ng makipagusap ng malagkit sa bar tender.


Hindi ko naman ipagkakaila na liberated talaga itong si Parrah. Mula sa mga kaibigan, parties na pinupuntahan at sa lugar na pinanggalingan.

Napabuntong hininga nalang ako. Ano pa bang gagawin ko rito?

Marami ang tao at halos mapuno ang dance floor ng mga taong sumasayaw. Ang iba nama'y nakaupo lang sa kani-kanilang sofa o tumitingin tingin lang sa paligid.

Naramdaman ko nalang ang pagkalabit ng kaibigan ko saakin. Ibinigay nito ang isang cocktail na sa pagkakaalam ko ay matapang na inumin.


"Ano 'to?" tanong ko kahit na mukhang alam ko naman kung para saan.

"Of course para kanino pa ba? Syempre sayo."

"Alam mo namang hindi ako umiinom diba?"

"Duh, nandito tayo sa bar para uminom at magpakasaya hindi para magmukmok lang"

Inirapan ko rin siya kahit wala paring balak na sundin ang gusto niya.

Hindi ako sanay na uminom at kahit sanay naman ay hindi ko parin susubukan.

"Sige na... Kahit isa lang, promise. Malasahan mo man lang kung gaano kasarap itong sinasayang mo" nginitian pa ako nito at kinindatan.

"Isa lang ah" pagkukumpirma ko sakaniya.


Tumango naman ito kaya nama'y wala na akong nagawa at pinagbigyan siya sa gusto niya.


Gumuhit ang kakaibang init sa lalamunan ko pababa sa dibib ko ng malunok ko ng buo ang alak. Halos hindi maipinta ang mukha dahil sa bagong nalasahan.

"Yeheey!" tuwang tuwang parang bata si Parrah.


Sa unang tikim ng alak ay kakaibang pakiramdam ang ibinigay nito saakin. Kaunting hilo at pait sa lalamunan.


"Umuwi na tayo Parrah, hindi ako dapat ako magtagal. Magagalit iyon si Lync kapag nalaman niyang pumunta ako rito" nag aalalang sabi ko. Ngayon palang muling naisip na hindi man lang ako nagpaalam na pupunta pala ako rito.


"Ano ka ba. Ako ng bahala sakaniya" mahinang sabi nito bago muling tumawa at muli ng nakipag-usap sa lalaking bar tender.


Hindi ko masyadong narinig ang sinabi niya kasabay pa ng mas pinalakas na tugtog.


Lumipas ang oras at naupo nalang ako sa tabi nito. Hinihintay na matapos siya sa pakikipag-usap sa lalaki.

Paminsan-minsa'y may mga lalaki rin na nagbabalak na lumapit saakin ngunit iniignora ko nalang ito, walang balak na makipag-usap.


Naramdaman ko ang pagtayo ng aking kaibigan sa tabi ko at ang mga halinghing nito. Bumaling ako sakaniya at nakitang nakatayo na ito habang nakasabit ang kamay sa isang mestisong lalaki. Malaki ang ngiti habang ang kasama'y malagkit na hinahawakan ang bewang nito.


Uh? Nasaan na yung bartender na kausap niya?


Mukhang wala siyang balak na magpaalam saakin kaya naman ay inunahan ko na siya ng tanong bago pa sila makaalis.


"Saan kayo pupunta?"


Bumaling naman saakin ang kaibigan at makahulugan na ngumiti. Pinapahiwatig ang gagawin.


"Hindi ako magtatagal."



"P-pero..." bago ko pa matapos ang sasabihin ay umalis na ito at pumunta na sa kung saan.


Napabuntong hininga nalang ulit ako. Dinala niya ako dito tapos siya naman pala itong aalis?


Dapat talaga ay hindi nalang ako sumama.


Habang hinihintay ang pagbabalik ng kaibigan ay may lumapit ng lalaki saakin.

"Hi" Inabot nito saakin ang kaniyang kamay bilang pagpapakilala.


Ngumiti lang ako ng pilit bago bumaling sa ibang direksyon. Walang balak na makipag-usap sa lalaki.


Narinig ko ang mahina nitong pagtawa bago naramdaman ang paglapit nito saakin at ang pag-upo nito saaking gilid.


Hindi ba ito marunong umintindi na ayokong makipag-usap?


Ilang saglit pa ay naramdaman ko ang paghawak nito sa aking hita.

Nanigas ang katawan ko dahil sa pagkagulat kaya naman ay hindi ko kaagad natanggal ang kamay nito na patuloy sa paghaplos sa hita ko.

"Huwag mo nga akong hawakan!" Ilang saglit pa ng muling makabawi. Tinanggal ko ang kamay nito saaking hita at inis na tumayo.

Kahit na natatakot sa nangyayari ay nilakasan ko parin ang loob ko para ipagtanggol ang sarili.


Wala man lang saamin ang nakakapansin dahil sa lakas ng tugtog.


"Huh, pakipot ka pa kasi babe eh, alam ko namang gusto mo rin ito" nangingiti nitong sabi at biglang hawak ng napakahigpit sa braso ko.


Naamoy ko ang alak sa bibig niya na mas nagpa-asim ng mukha ko ngunit mas nakadagdag ng kaba saaking dibdib.


Naiiyak sa sobrang takot at sakit dahil sa higpit ng hawak nito saakin.


Nagpumiglas ako rito at pilit na kumakalawa sa pagkakapit nito saakin.


"Tulong! Tulungan niyo po ako!" Sigaw ko sa mga taong medyo malapit saakin. Patuloy parin sa pagpupumiglas para makawala. Ngunit, sa kasamaang palad ay hindi man lang ako nito pinansin.

Kahit na nanghihina at medyo nahihilo ay nilakasan ko parin ang loob ko.


Hindi ako magpapabastos lang.


Kaya nama'y pilit kong kinuha sa counter ang may laman pang juice at isinaboy ito sa mukha niya na dahilan ng pagkakapikit niya at ang pagsigaw dahil sa hapdi. Nabaling ang atensyon ng ibang taong malapit lang saamin dahil sa komusyon.


Lumuwag ang kapit nito sa braso ko kaya naman ay ginamit ko itong pagkakataon upang makatakbo ng mabilis. Hindi na inisip ang mga taong nagagalit dahil sa pagtulak ko.


Nakalabas na ako ng bar at patuloy parin sa pagtakbo nag-aalala na maaaring nakasunod parin ang lalaki.


Ilang sandali pa ay tumigil na ako sa pagtakbo at sinuri kung may nakasunod parin ngunit wala na. Pilit kong hinahabol ang hininga dahil sa mabilis na pangyayari at dahil narin sa takot.


Dali-dali kong kinuha ang cellphone para tawagan ang kaibigan.


Naiiyak ako habang naghihintay na sagutin ngunit naka-ilang pindot na ako ay wala parin.

I Can Make You Cry In Pleasure|R18|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon