66

229 17 27
                                    

After a couple of months.

—-

Reese

Tahimik kaming nakatitig sa kawalan ni Seungyoun.

"Reese, baka hindi talaga tayo para sa isa't-isa." Sabi niya

"Tingin ko rin." Sabi ko.

Yung ilang buwan na naging kami, opposite nung nanliligaw palang si Seungyoun. Akala namin mas magma-mature kami kapag naging kami pero mas naging immature kami kaya araw araw kami nag-aaway.

Siguro along the way we realized na we're really not for each other kaya kami humantong sa ganito.

"Nagsisisi ka ba?" Tanong niya

"Na?"

"Sinagot mo ako."

Napatingin ako sa kanya at ngumiti, "Never ko pagsisisihan 'yon. Ikaw? Pinagsisisihan mo bang niligawan mo ako?"

"Hindi rin. Kahit naman naging ganto tayo, never ko pagsisisihan 'yon."

"Let's call it quits?" Tanong ko at tumingin sa kanya. Naiiyak ako, masakit kasi mahal ko pero baka hindi lang talaga pwede na. Ilang beses naming inayos pero wala talaga.

Matipid siyang ngumiti at tumango, lumapit naman siya sakin at pinunasan yung luha ko. Pagkatapos ay hinawakan niya yung kamay ko.

"Let's promise each other na after neto, hindi tayo magagalit sa isa't-isa. We both know na tinry nating ayusin pero hindi talaga kaya. Hindi siguro talaga pwede ipilit yung bagay na hindi naman para sa isa't-isa in the first place."

I nodded, "Atleast hindi na natin masasaktan yung isa't-isa." Sabi ko.

"Lika nga rito." Sabi niya at niyakap ako, "Thank you. Thank you, Reese for everything. And I'm very sorry for hurting you."

"Thank you rin, Seungyoun. Kung meron mang dapat mas magpasalamat sa ating dalawa, ako 'yon. Thank you sa efforts mo, thank you for always taking care of me, thank you kasi ako lagi inuuna mo kesa sa sarili mo. I'm very sorry din for hurting you and your feelings."

"Let's be friends pa rin ha? Wala naman sanang kalimutan. Isa ka pa rin sa pinaka-importanteng tao sa buhay ko."

"Same here."

And that is how we ended our relationship.

❝ size ❞ ➳ c.syTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon