41

270 20 1
                                    

Reese

Pagkarating namin sa bahay nila Audrey, nadatnan namin siyang naghihintay sa labas ng gate nila.

"Bakit dalawa sasakyan?" Tanong niya sa'kin. Ako kasi naunang bumaba.

"Si Seungyoun nagdrive sa amin, sumunod si Wooseok tsaka Byungchan." Sabi ko. Tumingin naman sa akin ng nakakaloko si Audrey, "Tigilan mo ako. Ibaba na natin yung tatlo para makaalis na sila parang awa." Sabi ko

Akmang aalalayan na namin sila Yuvin nang magsalita si Wooseok. "Kami nalang baka mahirapan pa kayo." Sabi niya.

Mabait ba talaga 'to si Wooseok? Infairness, gentleman

"Ay okay kaso nasa second floor pa kwarto ni Kuya."

"Walang problema. Kami na bahala." Sabi niya pa. Napansin ko namang natatawa na naman si Byungchan tsaka Seungyoun.

Teka—may gusto ba 'tong si Wooseok kay Audrey?

"Sige, salamat. Sunod nalang kayo sa amin." Nakangiting sabi ni Audrey

Pumanik na kami sa second floor, nakasunod naman sila. Nakaayos na yung mga foam na hihigaan nila Kookheon, inayos na siguro ni Audrey. Pagkababa nila do'n sa tatlo sa kama, dali dali naming inasikaso yung tatlo.

Ganito talaga kaming magkakaibigan kapag may nalalasing. Kaya dapat dalawa sa amin hindi iinom para 'yon ang magdrive tsaka mag-asikaso pag-uwi.

Tinanggal ko yung sapatos tsaka jacket nung tatlo. Si Audrey naman nagpunas sa mga mukha nila. Pagtapos namin, napansin kong hindi pa pala umaalis yung tatlo.

"Ah ganito talaga kaming magkakaibigan kapag may nalalasing. Inaasikaso namin." Narinig kong sabi ni Kookheon

"Wow. Sana all." Sabi naman ni Wooseok.

"Kookheon, nasa banyo na yung mga gamit mo, inayos ko na. Kung gusto mo kumain, may pagkain pa sa kitchen, kuha ka nalang." Sabi ni Audrey.

Napatingin ako kay Wooseok at nakitang nakatitig siya kay Audrey.

Confirmed. Audrey ka pala, Wooseok ha.

"Sige, salamat auds."

"Mauna na pala kami. Para makapagpahinga na rin kayo." Sabi ni Byungchan

Hinatid namin sila sa may gate.

"Thank you pala ulit tsaka pasensya na sa abala." Sabi ni Kookheon

"Okay lang 'yon. If need niyo ng magddrive sainyo pauwi, sabihan niyo lang kami." Sabi ni Wooseok

Talaga ba, Wooseok?

Nagpaalam na si Kookheon sa kanila pero bago sila umalis, bumaba yung bintana sa may passenger seat kung saan nakaupo si Seungyoun.

"Good night, Reese." Sabi niya at umalis na sila.

Jonginang buhay naman talaga 'to.

❝ size ❞ ➳ c.syWhere stories live. Discover now