60

229 17 5
                                    

Reese

Pagdating ko do'n sa meeting place namin ni Gunwoo, nando'n na siya agad kaya pumasok na ako sa loob.

"Hi, Reese." Bati niya agad sa akin, ibebeso niya dapat ako kaso umiwas ako

Not so fast.

"Umorder na ako ng pagkain natin ngayon, if ever na may gusto ka pang iba, umorder ka nalang." Sabi niya. Nagpeke nalang ako ng ngiti.

Siya lang yung may ganang magkwento ng kung ano ano, tahimik lang ako, tumatango ganon. Kunyari interesado pero wala talaga akong paki sa kanya.

"Nakakailang boyfriend ka na pagtapos nung sa atin?"

"Wala pa."

"Ay talaga? Naka-tatlong girlfriend na ako." Sabi niya. Mukha bang may pake ako?

Magsasalita na sana ako, ioopen ko na sana yung about sa closure nang magsalita siya bigla. "Bakit hindi ka pa nagkakaboyfriend? Siguro hindi ka pa nakakamove on sa akin 'no." Natatawang sabi niya.

Ayan, ayan ang isa sa rason kung bakit hindi ako nagdalawang isip ibreak 'yan nung nalaman kong niloloko niya ako. Sobrang taas ng tingin sa sarili. Gwapo siya, oo. Pero mas gwapo si Seungyoun. Walang wala kay Seungyoun etong si Gunwoo

Teka, bakit ba si Seungyoun nasa isip ko?

"Hindi. Natuto na kasi ako, na kailangan pumili ako ng lalaking mamahalin ko. Baka kasi katulad mo na naman yung maging boyfriend ko. Kadiri, ayoko na pag-aksayahan ng oras." Sabi ko. Nag-iba naman templa ng mukha niya. Bakit? Butthurt ka?

"Ano naman meron sa akin?"

"Manloloko, tsaka masyadong mataas ang tingin sa sarili."

"Akala mo naman nag-enjoy ako sa'yo nung naging tayo? Hindi. Masyado kang boring, wala kang thrill."

"Ano bang sinasabi mo diyan?"

"Kahit kiss ayaw mo pumayag no'n, masyado kang conservative. Naghintay ako ng tatlong taon pero wala akong napala sa'yo kaya nagsawa ako. Ang boring mo talaga."

Naiiyak ako. Gusto ko magsalita at ipagtanggol sarili ko pero hindi ko magawa. Ayun lang habol niya sa'kin noon? Virginity ko?

"Dami mo pang sinasabing ayaw mo makahanap ng tulad ko. Kunyari ka pa, wala lang may gustong pumatol sa'yo kasi ako lang ang pumatol sa desperadang tulad mo."

"Sino tinatawag mong desperada?"

Halos lumabas yung puso ko sa dibdib ko nang marinig ko 'yang boses na 'yan

Seungyoun.

"Sino ka ba?"

Mahinang tumawa si Seungyoun, "P're pasensya na ha. Pero gago ka ba? Ang kapal naman ng mukha mong magsalita ng ganyan. Bakit? Gwapo ka ba? Hindi ka rin naman mukhang matalino. Mukha ka ngang paa. Ugali mo pa pang hayop."

"Bakit ka ba nangingialam? Sino ka ba?"

"Boyfriend ako ni Reese."

Napatingin ako sa kanya, malabo na yung tingin ko dahil sa mga luha ko sa mata

"Boyfriend? Ikaw? Pumatol ka diyan?"

"Bakit anong meron sa girlfriend ko?"

"Desperada 'yan eh. Boring 'yan, wala kang mapapala diyan kasi kahit halik hindi pumapayag 'yan."

"Eh gago ka pala eh." Sabi niya at sinuntok si Gunwoo. Hindi ako makagalaw sa gulat. Inawat naman siya ni Wooseok, na hindi ko napansin na kasama niya pala.

"'Wag na 'wag mo na ulit guguluhin si Reese! Ikaw ang desperada dito, gago!" Sabi niya, lumapit siya konti kay Gunwoo at bumulong. "Oo nga pala, ako first kiss ni Reese. Hindi siya boring tulad ng sinasabi mo, baka ayaw niya lang talaga sa mukhang paang tulad mo." Sabi niya at hinatak ako paalis.

Dumiretso kami sa parking lot ng mall. Tahimik lang kaming tatlo habang andito.

"Okay ka lang ba, Reese?" Tanong sa akin ni Wooseok, tumango lang ako.

"Okay na kami Wooseok, salamat." Sabi ni Seungyoun sa kanya.

"Tawagan niyo nalang ako kapag may problema. Mauna na ako." Sabi ni Wooseok at umalis na

"Seungyo—" hindi ko natapos sasabihin ko nang magsalita siya

"'Wag mo ako kausapin. Naiinis ako." Sabi niya kaya natahimik ako bigla.

Bakit mas naiiyak ako ngayon?

"Sumakay ka na, ihahatid kita sainyo."

❝ size ❞ ➳ c.syDonde viven las historias. Descúbrelo ahora