04 | seungyoun

424 26 17
                                    

Seungyoun

Nakakapanibago kasi dito ako pumunta sa first floor ng Retro. Medyo boring kasi dito, mas exciting sa second floor.

Naghahanap ako ng mga pamilyar na mukha nang biglang may muntikan nang tumumba sa harapan ko buti nalang nasalo ko. Naramdaman kong natamaan niya yung ano ko pero binalewala ko nalang kasi pansin kong lasing na lasing na siya.

"Ate okay ka lang?" Tanong ko, hindi siya sumagot at pinilit tumayo, "Kung hindi mo kaya tumayo ng diretso, 'wag mo na pilitin. 'Wag ka iinom ng sobra sa tolerance mo." Sabi ko sa kanya, concern lang naman ako.

Laking gulat ko nang sinamaan niya ako ng tingin, pero mas nagulat ako sa sunod niyang sinabi

"Yabang yabang mo, jutay ka naman."

Gago?!

"Sorry po." Biglang sabi nung isang babae sabay bow tas inakay yung nagsabi sa'kin ng jutay. "Pasensya na po ulit, ako na bahala sa kaibigan ko." Sabi niya at nagbow ulit. Dahil sa gulat ko, nakatitig pa rin ako sa kanila hanggang sa mawala sila sa paningin ko

Ako? Jutay?

Aba.

"Lika panik na tayo, boring dito." Bumalik nalang ako sa sarili ko nang marinig ko si Wooseok sa gilid ko.

Aba talaga.

❝ size ❞ ➳ c.syWhere stories live. Discover now