48

250 18 4
                                    

Reese

Nagising ako nang masama ang pakiramdam ko. Sinisipon ako, nilalamig tas sobrang sakit ng ulo ko, mainit din ako kaya kumuha ako ng thermometer tas ginamit iyon.

38.7

May lagnat nga ako, kaso may date kami ni Seungyoun ngayon? Bahala na, i-cancel ko nalang.

Tinawagan ko siya, hindi kasi ako makapagtext, nahihilo ako.

Sumagot naman siya agad sa pangalawang ring

Sumagot naman siya agad sa pangalawang ring

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Hi babe." Bati niya agad nang nakangiti

"Ay nagddrive ka ba?"

"De okay lang, salita ka lang makikinig ako." Sabi niya habang hindi nakatingin sa camera

"Pwede bang i-resched natin yung date natin ngayon?" Tanong ko, hindi muna siya sumagot hanggang sa mapansin kong nakahinto yung sasakyan niya

"Stop light." Sabi niya at tumingin na sa camera, "Okay ka lang? May sakit ka ba, reese?"

"Oo nilalagnat ako. Paggising ko mataas na lagnat ko."

"Uminom ka na ba gamot?"

"Hindi pa. Magluluto palang ako pagkain eh."

"'Wag na, punta ako diyan sainyo dalhan kita pagkain tsaka gamot."

"Okay lang, kahit 'wag na." Sabi ko, nakakahiya naman kung aabalahin ko pa siya ngayon

"Isa." Seryosong sabi niya, natakot ako kaya wala akong nagawa

"Sige."

Ngumiti naman siya ulit, "Good. Bili lang ako pagkain tsaka gamot punta ako agad sainyo."

"Thank you, ingat sa pagddrive."

"Pahinga ka muna diyan. See you later." Sabi niya at binaba na yung call.

Napangiti nalang ako habang nakatingin sa kawalan.

I hope my heart is in good hands.

❝ size ❞ ➳ c.syTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon