46

288 22 14
                                    

Reese

Nalate ako ng gising. 10 am na ako nagising kaya gahol na gahol ako sa pagaayos ngayon. Tumawag na kanina si Seungyoun na papunta na siya kaya madaling-madali na talaga ako.

Buti nalang bago siya makarating dito sa bahay ay natapos na ako mag-ayos

"Hi babe." Bati niya sa'kin pagkalabas niya ng sasakyan niya, nag-abot naman siya ng bouquet ng bulaklak.

"Wow naman, effort. Thank you." Nakangiting sabi ko, "Tara na?"

Ngumiti siya tas pinagbuksan ako ng pinto ng sasakyan. "Thanks." Sabi ko pagkapasok.

"Saan mo gusto?" Tanong niya agad sa'kin

Anywhere basta kasama kita.

"Kahit saan naman okay lang ako." Nakangiti kong sabi. Halata naman na medyo nagulat si Seungyoun tas medyo mahirap idescribe yung itsura niya kaya natawa ako

"Bakit ka natatawa?"

"I am not pressuring you ha? Seryoso yung sinabi ko, kahit saan okay lang ako. Hindi naman ibig sabihin ng date dapat magarbo na. As long as we're together okay na 'yon." Sabi ko

Wait, did I confess my feelings indirectly?

Ngumiti naman si Seungyoun, "Masyado bang halatang kinakabahan ako?"

Natawa ako, "Medyo?" Sagot ko kaya natawa kami parehas.

Wala talaga akong idea kung saan kami pupunta kaya hinayaan ko nalang si Seungyoun magdrive. Ilang minuto lang, dumating kami sa isang simpleng restaurant.

Pagkapasok namin do'n, winelcome siya agad ng mga staffs. Mukhang regular si Seungyoun dito?

"Hyung!" Tawag sa kanya nung isang lalaki pagkapasok niya. Mukhang siya yung may-ari

"Kino, musta?" Tanong ni Seungyoun

"Okay naman, hyung. Ikaw?"

"Okay din naman. Musta 'tong business mo?"

"Laging maraming customers. Girlfriend ko kasi nagma-manage, si Lyka? Napakilala na kita sa kanya before 'diba?"

"Oo nameet ko na siya before. Magaling magmanage ng business girlfriend mo ha. Mukha ngang laging maraming tao." Sabi ni Seungyoun. Napatingin ako sa paligid, oo nga, puno yung lugar, walang bakante.

Napansin kong napatingin sa akin yung kaibigan ni Seungyoun tas sumenyas kay Seungyoun.

"Ay si Reese pala. Reese, si Kino kaibigan ko." Sabi niya. Nag-ngitian naman kami tapos nagbatian na rin.

"Siya na ba 'yon, hyung?" Tanong sa kanya ni Kino. Napayuko si Seungyoun habang nasa batok yung kamay niya, marunong din palang mahiya 'to?

"Oo, siya na."

"Good luck diyan hyung." Sabi niya at tinapik sa braso si Seungyoun, "Ipaayos ko na yung rooftop. Panik na kayo do'n." Sabi ni Kino. Nagpasalamat kami tas pumanik do'n sa rooftop.

Kami lang andito, mukhang private na lugar 'to. Umupo kami tas umorder na agad si Seungyoun.

"Simple lang 'to pero gusto lang kita dalhin dito. Etong lugar na 'to, dito kami madalas tumambay nung mga kaibigan ko. Isa si Kino do'n. Sabi niya no'n, one day, magtatayo siya ng restaurant dito tapos papagawan niya kami ng sariling lugar. Eto yun, yung rooftop. Kaming magkakaibigan lang pwede rito." Sabi niya

"Ano yung sabi ni Kino kanina? Yung kung ako na raw ba 'yon?"

"Ah yun ba? Nagpromise kasi kami na kapag nakita na namin yung babaeng para sa amin, dadalhin namin dito. Medyo baduy pakinggan pero promise talaga namin 'yon dati. Nauna na si Kino kasi una sa lahat siya may-ari tsaka siya yung unang nagka-girlfriend sa amin."

"Ako yung babaeng para sa'yo?"

"Don't get me wrong ha. Hindi rin kita pine-pressure. I am not asking you to love me back, pero para sa akin kasi ikaw na yung gusto kong makasama. Hindi ko na nakikita yung sarili ko na may ibang babae, sobrang layo na nga nung dating Seungyoun sa Seungyoun ngayon eh."

"Ano ba yung difference ng Seungyoun dati sa ngayon?"

"Yung dating Seungyoun, babaero tsaka takot magcommit. Yung Seungyoun ngayon, ready na magcommit. Mas mature na tsaka sa isang babae nalang nakatingin."

My heart is pounding. Hindi na ako makahinga. This is too much for me to handle.

He already said this to me last night pero gusto kong marinig. Gusto ko sa kanya manggaling.

"May tanong ako pero okay lang naman if hindi mo pa kayang sagutin." Sabi ko

"Go on."

"Do you love me?"

Natawa siya, "Funny how hard it was for me to amswer that question before. Ayan yung bagay na kinakatakutan ko dati, na tanungin ako ng babae kung mahal ko ba sila kasi isa lang naman sagot ko diyan. No."

Kinabahan ako.

"So you don't love me?"

"Pero katulad nga ng sabi ko kanina, iba na yung Seungyoun noon sa Seungyoun ngayon. Sobrang dali nalang sagutin ng tanong na 'yan kasi alam ko na sagot. Medyo nakakatakot lang kasi hindi ko alam magiging response mo." He chuckled, "Pero oo. I love you, Reese. Kaya sana bigyan mo pa ako ng chance para ipakilala ko pa sa'yo kung sino talaga si Seungyoun."

**
note: may cameo si Kino yiee HAHAHA namiss ko lang sila ni Lyka ;((

❝ size ❞ ➳ c.syWhere stories live. Discover now