Chapter 1- Meet Her

1.6K 234 175
                                    

Raven's POV

"Waaah! Waaah!"

Hindi talaga ako makapaniwala! Nanalo ako sa lotto ng 150 million. Ang daming pera nito pag nagkataon. Yieee kinikilig ako.

Tumalon ako "Waaaah! OH MY GULAY!"

Magandang balita 'to!

Napahinto ako sa pagtatalon talon nung biglang tumakbo si nanay Elie papunta sa'kin kaya nilapitan ko sya

"Nay, nanalo po ako sa--"

"Tulong! Tulong! May sunog! Mga kapitbahay!"

Agad na napataas ang isa kong kilay. Ang advance naman mag-isip ni nanay

"Nay, anong sunog? Ang sabi ko-"

"Eh ikaw nga dyan ang sigaw ng sigaw."

Tama nga naman sya pero grabe naman maka react to si nanay Elie. Talo pa ata ang mga Hollywood actress

"Nay, bakit po kayo nagtatago sa ilalim ng lamesa?"

Weird.

Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko

"Ang sabi mo may sunog. Teka lang ha, kukuha muna ako ng balde na puno ng tubig!" sumilip muna sya na parang spy bago mabilis na tumakbo

"Nay! Pero-"

"Ang sabi ko, dyan ka lang! 'Wag ka ngang magulo."

Napakamot nalang ako habang tinitingnan sya sa ginagawa nya.

Ano ba talaga?

"Raven, ito na ang balde na maraming tubig. Tulungan mo nga ako!" hinihingal na sya

Umupo ako "Nay, sino ba ang nagsabi sa inyong may sunog?"

Hay, kailangan kong mag-isip ng paraan para mapatigil ko si nanay sa pinanggagawa nito.

Napahinto sya bigla "E bakit ka sumisigaw kanina? 'wag mong sabihing may lindol? Pero teka, bakit parang hindi ko man lang naramdaman?"

Ayan na naman sya sa pagtatago ulit sa ilalim ng mesa

Para na syang baliw mga sis

"Raven, magtago ka na rin. Baka matamaan yang ulo mo ng kung anu-ano dyan!"

Nakupo. Kelan ba 'to matatapos?

Napatayo na lang ako "Nay, ang sabi ko po, nanalo ako sa lotto."

Ayan, sa wakas nasabi ko na rin

Mabilis naman syang umalis mula sa ilalim ng lamesa "Ah, nanalo ka lang pala sa lotto." Pinagpag pa nya ang damit nya bago magpatuloy sa pagsasalita "Bakit hindi mo naman sinabi kaagad."

Ako pa talaga ang sinisisi? ganun?

"Bakit ka ba kasi nanalo? akala ko tuloy may su- NANALO KA SA LOT-"

Hindi na natapos si nanay Elie sa pagsasalita kasi...

"NANALO KA SA LOTTO? TALAGA?"

Ayan na naman po ang aming mga 'walking CCTV cameras'. No other than, mga CHISMOSA naming mga kapitbahay. Ang bilis naman ng balita. Hello? kakasabi ko pa nga lang diba?

Grabe talaga ang signal ng mga MARITES. Malakas pa sa Globe at Smart. Tinalo pa ang ang PLDT eh.

"Balato naman dyan!"

Their IdentitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon