Chapter 19 - Belle the troublemaker

Start from the beginning
                                    

Ting.

May lalabas. Bale apat na lang kami na natira dito. Tumabi kami kaunti pero yung nasa tabi lang pala namin ang lalabas. Nagpaalam sila kay Hunter at sa nasa likuran namin. Wala akong narinig na nagsalita yung nasa likod namin.

"Hindi naman kaya. Pinapasok ako ng mga empleyado mo."

"I'll fire them all," mayabang na sabi nya.

Bahagya ko siyang siniko gamit ang braso kong nakaabrisyete sa kanya.

"Bad yun. Ano ka ba? Wala naman silang ginagawang masama."

"So stop coming here or else I'll fire them."

"Hunter naman!" reklamo ko. He is blackmailing me.

"Nagamit ko na yan sa'yo, wala kang originality."

I looked at him. There was a hint of amusement all over his face. Pinanlakihan ko siya ng mga mata kahit di niya makita kasi nga nakasumbrero ako. He finally smiled pero saglit lang, mga 2 seconds.

May sasabihin pa sana ako nang magsalita yung nasa likuran namin.

"Hunter, are you still going to the seaport?" sabi ng may baritonong boses. Parang pamilyar ang boses niya.

Hunter moved to face the man behind him. Nakaharap na sa akin ang likod ni Hunter. Bahagya akong napalingon pero matangkad yung lalaki kaya bandang dibdib ang nakita ko. He is also wearing suit with blue necktie.

"Yes Kuya," sagot ni Hunter. Nanlaki ang mga mata.

Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin sa kausap niya.

Si Sir Kier. Nakatingin siya kay Hunter. Nakakahiya. Yumuko ako at napaharap sa pintuan ng elevator. Itinago ko yung mukha ko sa likod ni Hunter baka sakaling mabawasan yung hiya na nararamdaman ko. Ano na lang ang iniisip ni Sir Kier ngayon. Mukhang galit pa naman siya sa akin last week nung halikan ko si Hunter sa harapan ng madaming press.

Ting.

I am saved by the bell from this awkward situation. Mauuna kaming bababa ni Hunter for sure. Kumalas ako sa pagkakayap kay Hunter. Hindi ako makatingin kay Sir Kier pero nagpaalam naman ako. Hindi niya ako kinausap. Tinapik ni Hunter ang balikat ng Kuya niya. Tinanguan lang siya ng huli.

Naglakad na kami papasok ng office niya. Binati kami ni Oscar. Si Hunter nagtuloy-tuloy sa loob ng office niya. Ako lang ang bumati kay Oscar pabalik. Pumunta muna ako sa pantry nila para kumuha ng tubig before going to his office.

"Grabe. Bakit hindi mo man lang sinabi na si Sir Kier iyun?" sabi ko pagkapasok ko ng opisina niya. Inilapag ko sa couch dito ang backpack ko. Nasa mesa siya at may tinitignan sa laptop nito.

"Nakakatakot ang Kuya mo."

"That's why you shouldn't come here. He might put you in one of our containers from our vessels. Ipapadala ka sa Malaysia." pananakot niya, seryoso pa rin ang tono ng boses niya.

Tinignan ko siya ng masama. "Tss! Yung Kuya mo o ikaw? At tsaka dito lang kita maabutan kasi hindi ko naman alam schedule mo. I texted Oscar kanina, ayaw niya ibigay full schedule mo."

"Stop bothering my EA."

Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Inihanda ko na yung mga baon kong pagkain namin. Pork menudo naman ang pinaluto ko kay Beth. Imbyerna na siya sa akin dahil ang aga-aga ko siya ginigising para lang magluto.

"Hunter, kain na." alok ko.

"I just had my lunch. Hindi mo ba nakita kasama ko si Kuya Kier pabalik dito."

Blackmailing the BeastWhere stories live. Discover now