Chapter 20

2.5K 97 40
                                    

Bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Hindi ko inaasahan na makakasabay ko sa jeep si crush! 'Yung pagkakataong mahawakan ko ang kaniyang palad... syaks! Nakakaasar kasi napadaplis lang! Bakit ba kasi barya ang ibinayad ko? Wala tuloy ang pagkakataong mahawakan kong muli ang kaniyang kamay.

May isang babaeng nakapagitan sa amin. Hindi ko rin alam kung napansin niya 'ko. Hindi naman niya ako nilingon nang iabot ko ang aking bayad. Nakapikit siya ngayon na tila ba puyat at kulang sa tulog. May kapuyatan kaya siya?

Kung sabagay, hindi niya siguro ako babatiin kung sakali mang mapansin niya 'ko. Sino ba naman ako para sa kaniya? Sa sobrang dami ng babae sa paligid, baka nga palamuti lang ako sa kaniyang mga mata.

Mayamaya pa, hetong nakagitna sa aming babae... bigla ba namang nagtulug-tulugan at inihilig ang ulo niya sa may braso ni Joash. Hindi namin siya schoolmate, gusto pa talagang umiskor nitong gaga.

Naghintay lang ako. Gusto kong malaman kung ano ang gagawin ni Joash sa landutay na girl. Dalawang minuto na ang lumipas, ni hindi man lang ginalaw ni Joash si girl. Hinayaan niya lang ito. Syet! Ang sarap sabunutan ni girl!

"San Juan High School," sabi ni Manong driver.

Iminulat na ni Joash ang kaniyang mata. Agad namang dumistansya si girl na tila ba nahiya nang slight at pabebe pang humingi ng pasensiya kuno kay crush.

"It's okay," tugon ni Joash dito. Agad naman siyang tumayo sa kaniyang upuan para bumaba. Ilang segundo lang, nagtama naman ang aming mga mata. Syet, inaakit ako ng singkit niyang mata!

"Uy," aniya sabay tango sa akin at dumiretso na para bumaba ng jeep.

Para akong binuhusan ng isang tabong talulot dulot ng kilig. Hindi ko inaasahan na sa simpleng uy niya lang, buo na ang araw ko. Gosh, ibig sabihin... naaalala niya pa 'ko. Ang suwerte ko naman ngayong umaga! Mah hart, omg!

"Miss, hindi ka ba bababa? SJHS na 'to," pagsingit ni Manong driver. Pinagtitinginan ako ng ibang estudyante rito sa loob ng jeep dahil para akong istatwa rito na hindi gumagalaw.

"Heto na nga po, pasensya na," saad ko at dali-dali akong bumaba.

Agad ko namang hinagilap si Joash. Ang bilis niyang maglakad, medyo malayo na siya at hindi ko na siya maaabutang pumasok sa loob ng gate. In-enjoy ko lang ang paglalakad dahil maganda ang bungad sa akin ng umaga.

---

Pagkapasok ko sa loob, agad ko namang tinungo ang CR. Hindi ko maiwasang magpigil ng ihi dahil sa kilig. Medyo maaga pa kaya kaunti pa lang ang mga estudyanteng nakikita ko.

"Morixette, may pag-asa ka pa kay crush. Ilaban mo 'yan," mahina kong sambit habang nakatayo sa may lababo at nakatingin sa may salalim. Ngingisi-ngisi kong tinungo ang ikatlong cubicle at saka umihi.

"Ang saya mo yata ngayon?" bungad ng isang tinig pagkalabas ko sa cubicle.

"Ay impakto!" gulat kong sambit. Hindi ko maiwasang hindi mapakapit sa aking dibdib dahil si Kairus, nandito sa loob ng CR ng girls. Pagtingin ko sa may pinto, nakasara na 'to.

"Tsk, ang guwapo ko namang impakto," aniya habang nakasandal sa may pader at nakapamulsa ang kaniyang mga kamay.

"Wala ka bang magawa sa buhay mo? CR 'to ng girls, umalis ka nga rito!" singhal ko.

"Pake mo ba? E gusto kong pumasok dito, may magagawa ka ba?" saad niya habang naglalakad papalapit sa akin.

"Alam mo, guwapo ka nga pero kulang ka naman sa tamang asal. Isusumbong talaga kita sa principal!" anas ko pa.

Isang ngiti lang ang iginawad niya sa akin sabay akbay sa aking balikat. "Go, hindi kita pipigilan..." bulong niya sa aking tainga. Bahagya akong nakiliti kaya nang matauhan ako, agad kong tinanggal ang pagkakaakbay niya at saka ko siya tinulak.

"Naks, hinawakan niya katawan ko. Huwag kang mag-alala, ipapatikim ko naman sa 'yo 'to kung gusto mo," sambit niya sabay kindat sa 'kin.

Bahagyang kinilig ang malandi kong utak. Hindi kaagad ako nakatugon sa sinabi niya. "Manyakis!" wika ko. Agad ko namang iwinaksi sa aking utak ang sinabi niya.

"Namumula ka. Hindi mo maitatanggi na nagustuhan mo 'yung sinabi ko. O baka naman may gusto ka sa 'kin?" pang-aakit niya habang naglalakad papalapit sa akin.

Hindi ko maiwasang umurong palayo sa kanya habang palapit siya nang palapit. Kakaiba siya tumitig, tila ba hinihimok niya ang aking mga mata. Napasandal na lamang ako sa may pinto nang wala na 'kong maatrasan.

"Hindi lahat ng babae, magkakagusto sa 'yo. Ibahin mo 'ko sa kanila. Ang yabang mo, e," turan ko.

Nanlaki bigla ang aking mga mata nang ikulong niya ako gamit ang magkabila niyang bisig. Dalawang dangkal lang ang layo ng mukha namin sa isa't isa.

"Naaalala mo pa ba ang sinabi ko sa 'yo noon? Hindi matatapos ang school year na 'to nang hindi nagiging tayo..." aniya at inilapat niya ang kaniyang katawan sa akin. Napapikit na lamang ako at hindi ko alam ang aking gagawin. Ilang saglit pa, naramdaman kong nagtama ang aming mga ilong.

"Uy," sambit ni Joash sa aking isipan. Tila naalala ko bigla ang senaryo nang batiin niya ako sa jeep. Bumalik ako sa aking wisyo at idinilat ang aking mga mata.

"Hindi magiging tayo. Itaga mo 'yan sa bato," ani ko sabay tadyak sa kaniyang paa.

Namalipit siya sa sakit kaya agad ko siyang itinulak. Kinuha ko ang pagkakataon para dali-daling makalabas saka 'ko nagtatakbo patungo sa aking silid.

---

Dumating ako sa classroom namin nang pawis na pawis. Huwag lang kaming magkikita ni Kairus mamaya, hindi ko alam kung ano ang magagawa ko sa kaniya kapag nagkataon.

"Girl, nakipagkarera ka ba sa mga aso? Tumatagaktak ang pawis mo sa mukha," bungad sa 'kin ni Marion habang nagpapaypay nang makarating ako sa aking upuan.

"Hay, hindi mo kakayanin ang mga nangyari sa 'kin ngayong umaga," tugon ko. Agad kong kinuha ang pamaypay ni Marion para mahimasmasan. Nagpapaypay ako habang pinupunasan ang aking pawis gamit ang panyo.

"Hindi pa nga nagsisimula ang klase, hulas na hulas ka na. Heto, magpulbos ka muna," ani Marion sabay abot sa 'kin ng pulbo.

"Pero naintriga ako sa kung ano nangyari ngayong umaga. I-chika mo 'yan mamaya," dagdag pa niya. Napabuntong hininga na lamang ako.

Lutang lang ako habang nagkaklase kanina sa first and second subject namin. Wala akong naintindihan ni isa sa mga itinuro. Buti na lang at hindi nagtawag ang titser namin.

"Morx, nag-text sa 'kin si Zerex. Gusto ka niyang makausap pagkatapos ng klase," bungad ni Marion.

Nandito kami ngayon ni Marion sa canteen dahil lunch break. Tila ba wala akong ganang kumain kaya burger lang ang tanghalian ko. Ang daming naglalaro sa isipan ko, masaya ako pero disappointed, dumagdag pa itong si Zerex ngayong araw. Nakakaloka.

Ang saya na ng umaga ko dahil nakasabay ko sa jeep si Joash. Kaso, sinira naman 'to ni Kairus. Akala naman niya, magugustuhan ko siya, e ang yabang no'n masyado. Pinag-trip-an pa 'ko kanina. Heto namang si Zerex, nangungulit na naman.

"Huwag mo nang reply-an. Nilinaw ko naman sa kaniya ang lahat kahapon," saad ko.

"Okay, sabi mo, e," aniya.

---

"Morx, mauna ka ng umuwi. Cleaners kami ni Tim ngayon, e," ani Marion pagkatapos ng huli naming klase.

"Na-miss ko na ang roadtrip nating tatlo. Kailan kaya 'yon masusundan?" ani Tim habang nakatayo sa likuran ni Marion.

"Ako nga rin, e. Huwag kayong mag-alala, i-se-set natin 'yan," ani ko.

"O siya, ingat ka sa pag-uwi," sambit ni Marion. Tumango na lamang ako bilang tugon.

Pagkalabas ko sa aming silid, naalala kong inutusan ako ni Miss A kanina na humiram ng libro sa librerya at dalhin ito sa lamesa niya. Agad naman akong tumungo roon. Ilang sandali pa, hinanap ko na 'yung aklat. Kamukatmukat, nakasalubong ko si Zerex at dali-dali niya akong hinila sa isang sulok.

No More RhymeWhere stories live. Discover now