Chapter 19

1.9K 84 7
                                    

Hindi ko alam kung tama ba 'yung ginawa ko. Parang nakokonsensiya ko... hindi mawaglit sa aking isipan ang kaniyang itsura nang umalis na kami ni Marion para umuwi.

"Girl, wala ba talagang pag-asa?" tanong ni Marion habang nasa jeep kami.

Pati 'yung sobrang in-order ni Zerex sa akin ay kay Marion ko na pinauwi. Nahihiya na 'kong kainin pa 'yon sapagkat binasted ko ang taong nanlibre no'n.

"Ayaw ko siyang umasa..." saad ko.

"Bakit? May iba na ba? Ibig kong sabihin, may taong tinitibok na ba 'yang puso mo?" pang-uusisa niya.

Napaisip ako sa tanong ni Marion. Wala pa naman akong sinisinta pero nasa U4yah lang din naman ang taong hinahangaan ko. Tiyak na sasagutin ko pa 'yon kung siya ang manliligaw sa akin.

"Huy, ang lalim na ng iniisip mo. Hindi ko masisid," biro ni Marion.

"Pasensya na. Pero patungkol do'n sa tanong mo... iniibig wala pa. Crush pa lang naman," ani ko.

"Ay, taray! Sino naman ang masuwerteng lalaking 'yan? Kuwento mo na dali!" Halata sa tono ng pananalita ni Marion na excited siyang malaman kung sino ang crush ko. Akmang sasabihin ko na kaso napansin kong kailangan ko ng bumaba.

"Manong, para po!" turan ko.

"Girl, bukas ko na lang sa 'yo ikukwento. Bibitinin muna kita saglit at nandito na 'ko sa aking babaan," sambit ko.

"Sayang naman... hindi ako makakatulog nang maayos nito mamaya. O siya, ingat ka girl!" aniya sabay beso sa akin.

Pagkauwi ko sa bahay, nadatnan ko si Ate Rox na nagluluto ng adobong manok. Humahagod sa aking ilong ang amoy nito pagkabukas ko pa lang ng pinto.

"Nandiyan ka na pala, Momo. Kumusta naman ang araw mo?" pagbati niya sa akin. Umupo agad ako sa may sala para makapagpahinga.

"Sakto lang, Ate. Ikaw po ba? Kumusta ang work?" tanong ko.

"Okay naman. Nakaka-stress lang kasi ang daming pinapagawa tapos sakit sa ulo rin ang mga katrabaho mo. Hindi talaga nawawalan ng tsismosa maski sa office," pahayag niya.

Alam kong stress talaga ngayon si Ate. Bihirang magreklamo 'yan pagdating sa work, e. Toxic yata ang mga katrabaho niya.

"Wala talaga tayong magagawa sa mga ganiyang tao, Ate. Ang mas mainam lang na gawin ay layuan sila at huwag na lang intindihin," saad ko.

"Wow, may nalalaman ka nang paganiyan-ganiyan ngayon, ha? Pero may punto ka naman. Kanino mo 'yan natutunan?" aniya habang nakahalukipkip.

"Kanino pa ba, Ate? E 'di sa 'yo..." pambobola ko.

Nagtawanan naman kami habang hinahalo niya ang kaniyang niluluto. Ilang saglit pa, nilagay na ni Ate ang itlog na nasa lamesa. Mukhang inilaga niya na 'yon kanina. Madalas kaming maglagay ng itlog sa adobo para pamparami ng ulam. 'Yung sosobra, pwede pa naming baunin kinabukasan.

---

Maaga akong nagising ngayon. Gusto ko pang matulog pero baka tanghaliin pa 'ko sa klase kapag natulog pa 'ko. Pagkababa ko, naabutan ko ro'n si Agatha na nagtitimpla ng kape.

"Magandang umaga," pagbati ko.

"Magandang umaga rin. Eksakto ang pagbaba mo. Tara, mag-almusal na tayo," paanyaya niya.

Pagkaupo ko, agad namang bumukas ang pinto ang dumating si Ate Ginny na may dalang pandesal.

"In fairness sa bakery ngayon, may cheese na ang pandesal nila. Hindi na natin kailangang bumili ng palaman," ani Ate Ginny pagkaupo niya sa tabi ko.

No More RhymeWhere stories live. Discover now