“By the way Mr. Lim, gusto ko lang i-inform na bukas naka schedule yung interview namin sayo. Mas Mabuti kasi na unahin muna naming kilalalin yung may ari bago ang mga pag mamay-ari niya” Nakangiti na saad ko.

Ako pa man din ang incharge person sa preraration ng interview kaya gusto ko handa rin siya.

“Kilala mo naman na ako diba, why don’t you just tell them about me? .........Or about us?”

I’m trying  my very best to be professional here pero sinasagad niya ako. Gusto ko na  siyang sabunutan but then I choose to be calm.

“Just please prepare yourself for tomorrow’s interview. Aalis na kami”

Tumalikod ako at hahakbang na sana upang umalis subalit nakalimutan kong banggitin yung last week ko pa gustong sabihin ng personal sa kanya.

“By the way, thank you for helping our company Leandro. I appreciate it”

Nakita ko na muling umangat ang gilid ng kanyang labi.

“Do you really think that I did this to help your company?”

Naglakad siya papalapit sa kinaroroonan ko habang umiiling.

“I just love the feeling nung nagmaka-awa ka saakin kaya pumayag ako. I pity you that’s why”

Bago paman ako makapag salita, iniwan niya ako doon na hindi makapaniwala sa salitang binitawan niya.

WHAT A JERK!

Binabawi ko na yung sinabi ko na mabait siyang tao!

Natauhan lamang ako ng biglang nag ring yung phone ko.

“Hello!”

“chill, why are you so angry”

Tinignan ko yung pangalan ng caller at halos mabitawan ko yung phone ko dahil sa excitement.

“James nasa Pilipinas ka na?! Nabili mo ba yung pabango na sinasabi ko sayo?! Oh my nasaan ka?!”

Sunod-sunod na  saad ko.

“So mas excited ka sa pasalubong kaysa ang makita ako?”

Syempre mas excited akong Makita ka! Kita tayo sa dati ah, isasama ko si Khrystal

Diba hanggang 6pm pa ang work mo?”

“Anu kaba mas importante ka kaya mag o-out ako ng maaga hehe, sige see you later! Muah! I love you James!”

Halos liparin ko na yung kinaroroonan ng service Van ng team dahil sa excitement, tyaka namiss ko talaga ng sobra si James.

Bestfriend ko siya since grade school at nakakaproud sabihin na may kaibigan akong writer na kilala Internationally.

I love him na parang tunay na kapatid at alam ko na ganon din siya, kaya nga walang makakatalo sa closeness namin eh.

Leandro Sanches

“I just love the feeling nung nagmaka-awa ka saakin kaya pumayag ako. I pity you that’s why”

Kita ko na galit na ang expression ng mukha ni Christine kaya naglakad ako papalayo bago paman niya ako mabawian.

I don’t mean to be harsh pero lumabas nalang ng kusa sa bibig ko, ayos na rin siguro iyon para manatiling malayo ang loob namin sa isat-isa.

Hindi ko mapigilan ang sarili ko na lumingon sa kinaroroonan niya pero hindi ko inaasahan na mabilis magbabago ang mood niya.

kanina lang galit siya tapos ngayon sobrang saya niya. May mood disorder ba ang babaeng ito?

Pasimple akong lumapit ng kaunti para marinig ko kung ano ang pinag uusapan nila ng nasa kabilang linya.

“Anu kaba mas importante ka kaya mag o-out ako ng maaga hehe, sige see you later! Muah! I love you James!”

James?! Is that the same jerk from 8 years ago?

Naikuyom ko ang aking kamao dahil bumalik sa ala-ala ko yung huling araw na nakita ko si Christine .




And he was on the arms of that F**king man.

Love Hate and Love AgainWhere stories live. Discover now