Nagpaalam na sa 'kin si Rafa at sinabing sabay kaming kumain mamaya.

Nang pumasok sa elevator ay ginaya ko lang ang ginawa ni Rafa kahapon, pinindot ko ang palapag na pupuntahan at binantayang maigi ang nagpa-flash na numero.

Hindi ko alam kung ba't bigla akong nakaramdam ng kaba nang makarating sa last floor at naglakad na patungo sa destinasyon. Siguro ay dahil magsisimula na nga ang unang araw ko sa trabaho.

Pero parang hindi na 'ko makumbinsi ng isip ko noong dumoble lang lalo ang kaba matapos agad salubungin ng mabigat na tingin ni Sir Colton pagpasok ko sa pinto. Ang mga mata niya'y tila kanina pa nakaabang ngunit mabilis na nag-iwas pagtama sa akin.

Nakabaling na siya sa mga papeles sa harap niya ngayon at kunot-noo habang abala sa tinitingnan.

Lumunok ako. Pinilit kong hanapin ang boses dahil pakiramdam ko'y dapat lang na batiin ko siya lalo pa't unang araw ko ito. Boss pa man din namin siya at mataas ang posisyon.

"Good morning, Sir." Hindi ko magawang ngumiti dahil sa kaba.

Tumango lang siya nang hindi inaalis ang mga mata sa binabasa. Saglit pa 'kong nanatiling nakatayo ro'n na parang may hinihintay ngunit hindi ko rin naman malaman kung ano.

Nang matauhan ay nagsimula na rin naman akong kumilos. Pansin kong hindi naman ganoon karumi sa opisina at parang hindi naman kailangan nang puspusang paglilinis.

Ang salaming dingding na lamang ang pinagdiskitahan ko kung saan kita ang tanawin sa labas. Nagsimula ako sa pinakagilid na bahagi para sa mas organisadong trabaho. Inumpisahan ko sa pag-i-spray ng likidong panlinis at sinundan ng pagpupunas dito.

Nakarinig ako ng munting pagtikhim mula kay Sir Colton kaya't napalingon ako sa kanya ngunit hindi naman nagpang-abot ang mga mata namin dahil agad ding gumalaw ang ulo niya pabalik sa binabasa.

Itinuloy ko na lamang ang ginagawa at tinuon doon ang atensyon.

Ngunit habang tumatagal ay bumibigat din ang titig na nararamdaman ko mula sa gilid. Pinipigilan ko namang lumingon sa banda niya dahil natatakot lang din akong makatitigan siya.

Kahit malakas ang aircon ay halos pagpawisan na 'ko sa pagsisikap na umaktong normal, sa kabila ng nakaiilang na tingingiginagawad niya.

"Nayeli..." Halos mapatalon ako nang bigla siyang magsalita.

Parang tangang lumingon ako sa kanya.

"That's your name, right? Nayeli," sabi niya ulit, ang buong atensyon ay ngayo'y nasa akin na.

"Nari na lang, Sir." Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang buong pangalan ko pero namulat kasi akong Nari na ang tawag sa akin kaya't doon ako sanay.

Tumaas lang ang kilay niya at sumandal sa inuupuan.

"Why...didn't you call me?" maya-maya'y tanong niya.

No'ng una'y hindi ko pa nakuha ang ibig niyang sabihin, ngunit nang maalala ang tungkol sa bracelet ay agad ko itong naunawaan.

"Ah, madali lang naman pong ayusin 'yon kaya hindi ko na po kayo tinawagan."

Nanatili siyang nakasandal sa swivel chair na parang isang haring nakatitig sa alipin.

"Do you have it with you now?" Natigilan ako sa tanong niya ngunit tumango rin nang maalalang nasa bulsa ko iyon dahil hindi ako sanay na hindi iyon suot o bitbit.

"Give it to me, I'll have it fixed," ma-awtoridad na utos niya.

Aangal pa sana 'ko pero naisip kong boss ko siya at hindi makabubuti kung pahahabain ko pa ang diskusyon.

Nangangatog akong lumapit sa kanya. Nakalahad ang palad niya sa lamesa at inaabangang iabot ko iyon.

Hindi ko alam ngunit nang magdikit ang mga kamay namin ay tila nakaramdam ako ng boltahe kaya't mabilis kong binawi ang kamay, dahilan para masagi ko ang tasa ng kape na nasa lamesa niya. Dumagundong ang malakas na tunog ng pagkabasag.

"Shit."

Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ang nangyari. Nadali ng bubog ang kamay niya at may nakikita akong dugo sa kanyang daliri. Halos manginig ako habang iniisip na katapusan ko na yata ito.

Nang makita ang magkasalubong niyang kilay habang nakatingin sa sugat ay hindi na 'ko nagdalawang-isip pa at ginawa ang madalas na ginagawa sa akin ni Kuya noon tuwing nasusugatan o may sakit ako.

Lumapit ako sa kanya at kinuha ang kanyang kamay. I pulled it closer to my face and let my lips touch his fingers, trying to kiss away the pain. My soft lips felt sensitive against the roughness of his skin.

The mere contact made him twitch.

"What the fu—" Marahas na binawi ni Sir Colton ang kanyang kamay at agad na tumayo.

Kitang-kita ko ang pagtaas-baba ng dibdib niya, simbolo ng mabilis na paghinga. Hindi ako makapagsalita sa bilis ng mga pangyayari. Gusto kong maiyak sa mga katangahan ko.

"S-Sir—"

Pansin ko ang pamumula ng balat niya mula sa leeg paakyat sa mukha.

"Y-You...just...what kind of a fucking person are you?" litong tanong niya habang tila hinihingal pa rin.

His expression was a mixture of being confused, problematic, and... something else I couldn't pinpoint.

Umiiling na niluwagan niya ang necktie saka mabilis na lumabas.

I was left in that empty room, dumbfounded. Bumigay ang mga tuhod ko sa halo-halong emosyon.





























Grow with the Flow (Published under Bliss Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon