Chapter - 12

10 1 0
                                    

ADDISON'S POV

Pauwi na kami ni Allison galing sa isang mall. Katulad ng nakasanayan ay ako ang nasa driver seat at nagmamaneho ng kotse habang siya ay komportableng nakaupo sa passenger seat.

Malayo na ang natakbo ng kotse nang bigla itong tumirik sa gitna ng daan. Salubong ang kilay na binalingan ako ng tingin ni Allison.

"What happened?" takang tanong niya.

"Tumirik 'yong kotse," imporma ko sa kaniya.

Pinatay ko ang makina ng kotse at kinuha ang susi mula sa keyhole bago siya muling binalingan ng tingin.

"Saglit lang. Titingnan ko," paalam ko.

Hindi ko na hinintay pang sumagot siya. Kaagad na akong lumabas ng kotse at sinipat kung anong sira nito.

Napaatras ako nang sinalubong ako ng umuusok na makina ng kotse. Nanlulumo kong tiningnan ang makina nang mawala ang usok na bumabalot dito.

"Anong problema?"

Nabaling ang tingin ko kay Allison nang bigla siyang sumulpot sa tabi ko.

"Hindi ko alam," kibit-balikat kong sagot.

Katulad ko ay nanlulumo rin niyang tiningnan ang makina. Buong lakas niyang ibinaba ang hood ng kotse at sumandal dito.

"Anong gagawin natin ngayon? I have no idea on how to fix it," nanlulumong sabi niya.

"Same here," sagot ko at sumandal na rin ako sa hood ng kotse katabi niya.

Diretso lamang ang tingin namin sa malawak na kalsada.

"Try to call someone," suhestiyon niya.

Salubong ang kilay ko naman siyang binalingan ng tingin dahil sa kaniyang sinabi.

"Who?"

Natauhan siya sa tanong ko at napahilot na lamang sa kaniyang sentido.

"Ugh! I almost forgot. We don't have anyone to lean on in a situation like this," she said in a frustrated voice.

"What should we do now, sissy?"

"Call dad," aniya na agad ko namang sinunod.

Ilang beses kong tinawagan si daddy ngunit walang sumasagot. Nanlulumo kong tiningnan si Allison para ipaalam sa kaniya.

"He's not answering," I informed her.

"What about mom?"

Sa pagkakataong ito ay si mommy naman ang tinawagan ko. Ngunit katulad kay daddy ay wala ring sumasagot sa kabilang linya.

"Unattended," bagsak ang balikat kong sabi.

"Haist!" she hissed in frustration.

I was just about to call Daniel to ask for help when an unwanted faces appeared right in front of us. They are four in total. And I know exactly who they are. They were the guys we met at the mall when we went out to unwind.

What a great timing. Tss.

Isa-isa kong pinasadahan ng tingin ang mga nakapamulsang kalalakihan sa harapan namin na kabababa lang galing sa kotseng nakaparada sa kanilang likuran. Nakangising humakbang pasulong ang kanilang tumatayong lider na napagkaisahan naming insultuhin noon ni Allison.

"Tingnan mo nga naman ang tadhana. Nagkita ulit tayo," nakangising wika ng kanilang lider habang nagpapalipat-lipat ang kaniyang tingin sa aming dalawa ni Allison.

"Tss. Sira na ang araw namin. Huwag mo ng sirain pa," mataray na sabi ni Allison.

Mariin na lamang akong nakapikit dahil talagang walang pinipiling lugar at oras ang katarayan ng kakambal ko. We'll be in big trouble if she continue with this kind of behavior of hers.

The Wicked TwinsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora