chapter - 06

7 1 0
                                    


ALLISON'S POV

Nasa tapat kami ng gate sakay ng kotse. Paalis na sana kami ngunit pinahinto ko kay Addison ang kotse nang may maalala ako.

Kaagad akong lumabas ng kotse. Nang maisara ko ang pinto nito ay sumilip ako mula sa nakabukas na bintana.

"Babalik lang ako sa loob. May nakalimutan akong kunin sa locker," paalam ko sa kaniya.

"Samahan na kita," Addison volunteered.

"Huwag na. Just wait for me here. Saglit lang ako," pagtanggi ko sa alok niya. Hindi rin naman kasi ako magtatagal.

"Okay. Make it quick. May pupuntahan pa tayo," mahigpit na bilin niya na ang tinutukoy ay ang family dinner namin sa isang sikat na restaurant na isang oras ang biyahe mula rito.

"It won't take long," I assured her.

Hindi ko na hinintay pa na sumagot siya. Kaagad na akong naglakad palayo sa kaniya at tinahak ang daan papasok ng campus.

Dumiretso ako sa locker area para kunin ang libro ko sa Management Science.

While on my way there, I can't help it but to smile wickedly as I noticed something. Lahat ng madaanan kong lalaki ay napapaatras samantalang ang mga babae naman ay agad nakakagat ang ibabang labi nila para pigilan ang sarili nilang magsalita.

Mukhang alam na rin nila ang ginawa naming pananakot sa grupo ng kababaihan kaninang umaga. Mukhang totoo ngang may pakpak ang balita.

Hindi ko na lamang sila pinansin at nakangisi na lamang akong nagpatuloy sa paglalakad.

Nang marating ko ang sadya ko ay kaagad kong binuksan ang locker ko at kinuha ang ipinunta ko rito. Isasara ko na sana ang pinto ng locker nang may mapagtanto ako. My lips formed into a wicked smile.

"Looks like I hit all the birds with just one stone," nakangising sambit ko habang pinagmamasdan ang locker kong maayos at walang nakakalat na mga sulat, regalo o kung ano pa man mula sa kung sinong tagahanga.

Napapailing ko na lamang na isinara ang locker ko. Pagkasara ko ng locker ay kaagad na may nahagip ang paningin ko.

Mula sa gilid ng mata ko ay nakita ko kung paanong dali-daling nag-iwas ng tingin ang isang pamilyar na lalaki. Umakto pa ito na may hinahanap sa nakabukas niyang locker.

Kung hindi ako nagkakamali ay siya rin ang lalaking nahuli kong nakatitig sa akin kaninang umaga. But why does he seemed so familiar to me?

Pinakatitigan kong maigi ang kabuuan niya at inaalala kung saan ko nga ba siya nakita. Bigla namang pumasok sa isipan ko ang araw na nakipag-date ako kay Bernard.

I knew it. He was the guy at the park who eavesdropped while Bernard and I were having a conversation.

Nang mapansin ko ang nagmamadali niyang pagsara sa locker niya at ang tangka niyang pag-alis ay mabilis ko siyang nilapitan. Hinawakan ko ang laylayan ng damit niya para pigilan siyang makaalis.

Dahan-dahan siyang humarap sa'kin. Nang makaharap na siya ay doon ko lamang inalis ang pagkakahawak ko sa laylayan ng damit niya.

"Magtapat ka nga sa'kin, are you stalking me?" diretsahan kong tanong sa kaniya.

Mukha namang hindi siya nagulat at inaasahan na niya ang tanong ko. Bahagyang tumaas ang sulok ng labi niya bago sumagot.

"What if I say yes?" walang pagdadalawang-isip niyang sagot.

Hindi ko naman maiwasang tumaas ang sulok ng labi ko dahil parang hindi man lamang siya natinag sa tanong ko.

"Huh! You have the guts, huh? May I know if you also have the guts to face the consequences of your actions?" I asked him, thinking that he would instantly back out if he'll hear that in his every action, there is always a consequence.

The Wicked TwinsWhere stories live. Discover now