Chapter - 11

15 1 0
                                    

ADDISON'S POV

Pagdating pa lang namin ng parking lot ay agad nang bumungad sa amin ang nakaabang na si Daniel. Nakasandal siya sa kaniyang kotse habang nakakrus ang kaniyang mga braso sa kaniyang dibdib at diretsong nakatingin sa kapapark lang naming kotse.

Naunang lumabas ng kotse si Allison at bakas sa mukha niya ang pagkairita. Lihim na lamang akong natawa saka ako lumabas ng kotse at sinundan siya na diretsong naglalakad patungo sa kinatatayuan ni Daniel. Kahit naman kasi umiwas siya ay wala siyang magagawa dahil dadaan at dadaan talaga kami sa mismong kinatatayuan ni Daniel. Wala namang ibang daan.

Sinadya kong magpahuli para mas mapagmasdan ko ang bawat galaw ni Allison at maging ni Daniel.

Nang ilang hakbang na lang ang layo nilang dalawa sa isa't isa ay may kung anong kinuha si Daniel mula sa loob ng kaniyang sasakyan. Umayos siya ng tayo at iniabot kay Allison ang hawak niya.

Awtomatikong tumaas ang kilay ko nang makita ko kung anong hawak niya. It's a box of cookies. Almond butter crunch cookies. Allison's favorite.

Tinapunan lamang ng tingin ni Allison ang kahong hawak ni Daniel saka muling nag-iwas ng tingin.

Nakagat ko na lamang ang ibabang labi ko dahil sa inasal ni Allison. Halata sa mukha niyang gusto niyang tanggapin ang cookies ngunit pinipigilan lang niya ang kaniyang sarili. It's her weakness after all. Kung dati nga ay nilalantakan niya ang cookies na para sa akin.

"I don't eat cookies," she lied.

Nakita ko naman ang pagtaas ng sulok ng labi ni Daniel na para bang nasisiyahan siya sa ginagawang pagpipigil ni Allison sa kaniyang sarili.

"Hmm... I doubt that. Sa pagkakatanda ko ay halos ikaw ang umuubos sa pinapabaong cookies ng mommy ninyo," nakangising sabi ni Daniel.

Agad na namilog ang mata ko sa kaniyang sinabi. Nakita kong ganoon din ang naging reaksyon ni Allison.

The heck! Alam niya talaga kahit maliliit na detalye tungkol sa'min? Paano niya nagagawa 'yon?

"Tumigil ka nga. Kinikilabutan ako sa'yo," asar na singhal sa kaniya ni Allison na siyang unang nakabawi mula sa pagkagulat.

"Fine. Titigil na. Pero tanggapin mo muna 'to," natatawang sagot ni Daniel at muling iniabot kay Allison ang hawak niya.

Hindi naman na nagprotesta pa si Allison at tahimik na lamang niyang tinanggap ang kahon kasabay ng pag-irap niya. Nagsimula na siyang maglakad kaya ganoon na rin ang ginawa ko. Pinanatili ko ang distansiya sa pagitan namin dahil panay pa rin ang pangungulit sa kaniya ni Daniel na katabi niyang maglakad.

"Hindi mo na ako kailangang ihatid. Kaya kong maglakad. Wala akong sakit at hindi ko kailangan ng aalalay sa'kin." Rinig kong sabi ni Allison.

Pigil ang tawa ko dahil sa katarayan ng kakambal ko. Hindi talaga niya kayang itago ang inis niya kahit anong gawin niyang pagtitimpi.

"Fine. Hindi na kita ihahatid pero susunduin kita mamaya sa classroom ninyo during break time. Sabay tayong mag-snack."

Mabilis ang lakad ni Allison pero hindi pa rin siya nilulubayan ni Daniel. Hindi nito hinahayaang magkaroon ng distansiya sa pagitan nila.

"Kasabay ko si Addison at hindi kita gustong kasabay," diretsahang sagot ni Allison na diretso pa rin ang tingin sa daan.

"That's not a question. It's a statement so you have no choice."

Napailing-iling na lamang ako habang pinapanood silang magkainitan.

Huminto sa kaniyang paglalakad si Allison at galit na binalingan ng tingin ang tatawa-tawang si Daniel.

The Wicked TwinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon