Chapter 45 - The three magic words

Começar do início
                                    

Sinunod ko lang yung payo ng doctor na kung gusto kong makaalala agad ay dapat healthy ang katawan at nasa tamang kondisyon at puntahan ang mga lugar kung sa nawawalang memories ko. Buti na lang at nandiyan si Kyle, siya lagi yung nagbibigay ng bagay na puwedeng mag-paalala sa nga nakaraan ko.

Magkarelasyon o magkasintahan na din pala si Janice at Kyle. Kaya pala kapag lagi ko silang nakikitang magkasama ay ang sweet nila sa isa't isa.

Tsk! Magiging ganyan din kami ni Kath. Tsk! Tss!

Lumipas ang dalawang linggo at naaalala ko na lahat. Masaya ako at ngayon ay nasa America na kami nila Janice at Kyle para puntahan si Kath.

Hindi na ako mapakali ng tahakin namin ang daan papunta sa bahay ng pinsan niya. Sh*t i'm nervous.

I need to ready myself. Kailangan kong makuha ang kapatawaran niya. Mas kinakabahan pa ako kasi Sabi sa akin ni Janice madami daw ang pinsang lalake ni Kath. So madami pa akong haharaping obstacles. Tss.

Alam ko namang kakayanin ko Ang mga yun. Hindi ako papayag na maging hadlang sila sa amin ni Kath.

I smiled ng maalala ko ang pag-aalaga sa akin ni Kath. I can feel that she love me already and I can't wait to say I love you too to her.

Tumigil ang sinasakyan namin sa isang malaking bahay. Lumabas na kami sa sasakyan at mas lalo naman akong kinakabahan.

Matutuwa kaya si Kath na makita ako? Ano kayang reaction niya?

"Be ready, Jake." Sabi naman sa akin ni Kyle. Tinanguan ko na lang siya. Ganoon na ba ako kahalatang kinakabahan?

Nag-doorbell si Janice at pinagbuksan naman siya ng isang kasambahay. Pinapasok naman kami agad kasi nakikilala nito si Janice.

Pagkapasok ko namin sa bahay ay napatingin lahat sa amin. Pero dalawang babae ang gumulat sa akin.

Katherine's POV

Napatingin sa akin si Jake at ng dumako ang tingin niya kay Bianca ay nagulat siya. Tama kaya ako? Magkakilala ba sila? Paano siya nakapunta dito? Napatayo pa si Bianca sa gulat.

Bigla namang pumasok ang nakangiting si Janice kasama si Kyle na nagulat din ng makita si Bianca.

"Hi! Guys! I'm back. Sorry ha hindi na ako nagsabi. Biglaan kasi. Pero puwede ba naming mahiram saglit si Kath. Nanadito na ang forever niya hihi." Sabi ni Janice at hinila ako papunta kay Jake.

Nginitian ako ni Jake. "Kumusta ka na Slave?" Tanong niya sa akin. Nakakaalala na ba siya?

Hinila ko siya papunta sa may garden. Madami akong gustong itanong sa kanya.

"Jake. Bakit ka nagpunta dito? Naaalala mo na ba ako?" Tanong ko sa kanya.

"Naaalala na kita. Sorry. I'm sorry kasi itinulak kita palayo. Mapapatawad mo ba ako? Hindi ako naging mabuti sa iyo noong inaalagaan mo ako. Sorry sa mga masasakit na sinabi ko sa iyo. Hindi na mauulit. Hindi na kita makakalimutan. Nandito ako para kunin ka. Hindi ko hahayaang magkahiwalay tayo baka kasi may umagaw sa iyo sa akin."

Nagiinit ang mga gilid ng mata ko at sa ilang sandali ay magsisilabasan na ang mga namumuong luha.

"Totoo ba yan hindi ka nagbibiro?"

"Oo naman. At saka may Isa pa akong gustong sabihin sa iyo pero may isang tanong lang ako, may nararamdaman ka ba sa akin?" Nagulat ako sa tanong niya.

"Bakit mo naman yan natanong?"

"Basta sagutin mo na lang ang tanong ko and then sasabihin ko na din yung sasabihin ko."

Siguro ito na ang chance para sabihin ko sa kanya yung nararamdaman ko.

"Anong nararamdaman ko sayo? To be honest natatakot ako sa nararamdaman kong ito kasi baka masaktan lang ako, kasi mahal na kita."

Lumawak ang pagkakangiti niya. Nagulat na lang ako ng yakapin niya ako.

"Mahal din kita." Doon na ako napaiyak.

"Pls don't cry." Sabi niya sa akin

"Ang sama mo. Ngayon mo lang ako naalala. Pinasama mo pa loob ko. Nagmomove on na kaya ako dito." Sabi ko sa kanya at pinagpapalo siya.

Tumawa siya. "Bakit ka tumatawa? Anong nakakatawa? Hindi ka pa forgiven. Lalabas nga kami para mag boys hunting kasama yung mga pinsan ko.

"Buti na lang pala at pinuntahan kita dito baka makahanap ka ng ipapalit sa akin. Kung nakahanap ka man ay ipapakidnap kita ulit."

"Pero may itatanong lang ako sa iyo. Kasi kanina napansin kong nagulat ka ng makita mo si Bianca. Kilala mo ba siya?"

"Yes kilala ko siya. Siya yung ex ko. Pero nagulat lang ako kasi hindi ko aakalain magkakilala kayo at nakamove on na ako sa kanya."

So siya yung gold digger na ex ni Jake. Tama pala yung nararamdaman kong kakaiba sa kanya.

"Huwag ka ng mag-alala ikaw na love ko ngayon at mahal mo na rin ako so sinasagot mo na ako?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Wow hindi pa tayo at saka—" naputol yung sasabihin ko ng may nag-salita sa likod namin.

"Dadaan ka muna sa amin." Sabi ng mga pinsan kong nakatingin ng masama kay Jake.. Lah.

"Hehe pasensya na pinsan pero haharapin niya muna kami kasi pinaiyak ka niya. Hindi namin iyon papalagpasin." Sabi ni Troy.

"Mga pinsan chill lang kayo." Sabi ko sa kanila. Ang sama kasi tingin nila eh.

Bigla namang sumingit si Bianca. "Puwede ko bang maka-usap si Jake?" Malungkot na sabi niya.

"Dito mo na lang sabihin." Sabi naman ni Jake.

"Magsosorry lang ako sa ginawa ko noon sayo. Alam kong mali yung ginawa ko kaya nagsisi ako. Sana mapatawad mo ako." Sabi niya at nilapitan naman si ni Kuya Alex.

"Anong ibig sabihin nito?" Tanong niya kay Bianca.

"Siya kasi yung ikwinento ko sa iyo na niloko ko." Paliwanag niya.

"Huwag kang mag-alala kasi napatawag na kita. Ayaw ko naman na mabuhay na may galit pa rin at saka baka mawala pa sa akin si Kath." Sabi ni Jake.

"Salamat." Sabi ni Bianca.

"Hindi ka pa rin makakalagpas sa ginawa mo sa pinsan namin. Kung gusto mo man siyang ligawan dadaan ka muna sa amin." Banta ng mga pinsan ko.

"Ok. Basta para kay Kath." Sabi niya na nagpalambot ng puso ko.

Salamat naman at akala ko magiging heart broken na lang ako. Salamat din at malaya ko na masasabi sa kanya ang tatlong salita ng walang pag-aalinlangan. Sasagutin ko na lang siya ng matamis kong oo kapag pasado na siya sa mga pinsan kong mga immature.

------

A/N: sorry ito lang nakayanan. Medyo hindi ko feel itong chapter pero oka na ito. Anyway epilogue na ang next. Pls. Vote and comment, share and be a fan. Sorry kung mayroon mang errors.

My Master And Me [Maid Series #1](Completed)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora