Chapter 16 - Belle's nightmares

Start from the beginning
                                    

"Mommy... mommy!"

"Ssshhh huwag kang maingay."

"Paano kung walang magliligtas sa atin dito?"

"Huwag kang mag-alala. Gagawa ako ng paraan. I wasn't called a braveheart for nothing. Kaya tahan na."

"Braveheart?"

Tumawa siya. "someone I know always called me a braveheart because I always get into fight. Tahan na."

Bigla akong nagmulat ng mata. Nasa tabi ko si Beth nakaupo at niyuyugyog ang balikat ko.

"Hoy Beauty, okay lang? Humihiyaw ka kaya medyo naalerto ako. Akala ko napasukan tayo ng magnanakaw."

Napalunok ako pero wala akong malunok. Sobrang dry ng lalamunan ko.

"Tu-tubig... nauuhaw ako."

"Okay, sandali."

Tumakbo ito palabas at pagbalik ay may dala nang isang baso ng tubig.

"Napanaginipan mo na naman ba yung dalawang bata?" She took the mug from me. Nilapag niyo iyon sa bedside table ko.

Tumango ako. "Hindi ko alam kung bakit nasa panaginip ko ulit sila. Matagal na yung huli."

Laging nag-uusap yung mga bata sa panaginip ko. Minsan hindi ko masyadong maintidihan yung pinag-uusapan nila. Tapos blurred yung mga mukha nila. Most of time umiiyak yung isa kanila o kaya humihingi sila ng tulong.

Akala ko nga may sixth sense ako or something. Natakot pa ako sa sarili ko noon. Bata pa ako noon kaya hindi ko pa maintidihan kung ano ba talaga ang amnesia. I never really care that much at that time. Pero noong napapadalas ang mga panaginip ko doon na ako nakaramdam ng concern sa kondisyon ko. Hanggang bigla na lang wala na naman sila sa panaginip ko. Mga ilang taon din yun. Ngayon na lang ulit bumalik.

"Alam mo, matagal ko nang tinatanong yung sarili ko kung isa ba ako sa mga bata sa panaginip ko kaya lagi silang nagpapakita sa akin? Pero bakit pakiramdam ko hindi naman."

"Siguro kasi kung hindi, hay ewan. Basta i'm sure may rason bakit sila ang napapanaginipan mo."

Napatayo at nginangat-ngat ang daliri ko gamit ang ngipin ko. "Beth, parang alam ko na kung bakit ko sila napanaginipan."

"Ano?"

"Dahil sa sunog. Tama. Dahil yun sa sunog na napanood ko bago ako matulog. Yung video ng barko nina Hunter."

Una nga ako nagkaroon ng nightmares at flashbacks noong nasunugan yung kapit-bahay namin. Tumulong si Tatay noon na maapula ang apoy. Sumunod ako kay Tatay dahil wala akong kasama sa bahay. Nasa malayo lang naman ako nakatingin sa bahay na unti-unting nilalamon ng apoy. I recalled vivid memories of a building engulfed by fire. I was confused because in front of me was a house and not a building. I shrugged thinking it was just an imagination. What do i know? Ang bata ko pa noon.

"Kinikilabutan ako sayo, Beauty. Napaka-dramatic ng boses mo, parang nasa horror movie."

Siniko ko siya ng bahagya. "Gaga. Seryoso nga ako. Diba sabi ni Tatay, nasunog yung sinasakyan namin ni Nanay noon. Kaya siguro na-trigger yung utak ko na magkaroon ulit ng nightmares."

"Baka madaming bata sa sinakyan niyo ng nanay mo noon. Hindi kaya?"

Nagkibit-balikat ako. "Pwede rin."

Umupo ito sa tabi ko habang tinatatanggal ang face mask mula sa kanyang mukha.

"Baka sign na ito na malapit ka na maka-alala."

Blackmailing the BeastWhere stories live. Discover now