CHAPTER 22🌿✨ -Unveiling Life

Start from the beginning
                                    

Sobrang sakit isipin na nung mismong araw na nag away kami noon sa office ay nagkita pala sila kinagabihan.

Pathetic me, bakit hindi ko man lang nalaman?

Kanina, wala na akong ibang naisip kundi ang makaalis sa kwarto kung saan kami natulog ni Erik.

Walang ibang laman ang puso ko kundi ang sakit at ang mga tanong ko kung bakit.

Malinaw na malinaw naman, he went out with that girl. Ano pa bang dapat kong malaman?

Kaagad kong itinext si Ate Cynthia at sinabing mauuna na akong pumunta sa airport. Hindi ko ginising si Erik.

Ayokong makita niya kung gaano akong nasasaktan nang dahil sa kanya.

Napapagod na ako, ayaw ko na nang ganito.

I immediately grabbed my things and left nang hindi man lang nagpapaalam sa kanya. Kung pwede nga lang sana kanina na mauna na akong umalis sa bansang ito ay ginawa ko na sana. Pero hindi naman.

I stayed at the lounge of the airport. Pinipigilan kong umiyak noon dahil na ayaw kong may makakita sa akin na nasasaktan ako.

Dumating rin naman si Ate Cynthia at Jen na paulit ulit akong kinulit kung ano daw ba ang nangyari pero mas pinili kong hindi sumagot.

At maya maya rin naman ay dumating si Erik.

He looks like he is in a rush na para bang tarantang taranta siya sa mga nangyayari.

The moment he saw me ay kaagad niya akong niyakap.

Hinayaan ko lang siya pero I didn't hug him back.

"Bakit iniwan mo ako, bakit ka umalis bigla?" tanong niya sa akin.

I tried not to show any emotions while looking at him.

"Wala lang. Gusto ko lang na mauna na." sabi ko sa kanya.

"You made me worried. Alam mo ba kung gaano ako ka-kabado kanina nang magising ako na wala ka na? Love, takot na takot ako. Akala ko mawawala ka na sa akin."

"Mukha ngang mawawala ako sayo, Erik. Mukha ngang ganoon ang mangyayari." malungkot na sabi ko.

"W-What do you mean? May nangyari ba? Love, tell me."

"Hindi mo alam? And tell you? Hindi ba dapat sinabi mo rin sa akin? Pinagmukha mo nanaman akong tanga, Erik!" nanginginig na sabi ko sa kanya.

Hindi ako iiyak, hinding hindi.

"Ano bang nangyari? Bakit ganyan ka nanaman?"

"Dapat sinabi mo rin sa akin na lolokohin mo lang ako! Dapat sinabi mo sa akin na ibang babae na pala ang hinahanap hanap mo!"

"Angeline, ipaliwanag mo kasi sa akin, yan nanaman tayo sa mga hinala mo eh!"

"Hinala? Sige, paano mo ipapaliwanag 'to?!"

I showed him his picture on my phone.

Yung larawan na kanina ko pang iniiyakan.

I can see how shocked he is nang makita niya ito na lalong nagpasikip sa nararamdaman ko.

"S-Saan mo nakuha yan?"

"Kailangan pa bang malaman mo yun? Ikaw ang tatanungin ko, bakit ako may nakuhang ganito? Anong ibig sabihin nito, Pogs?!"

Secrets Beyond the StarsWhere stories live. Discover now