CHAPTER 22🌿✨ -Unveiling Life

Start from the beginning
                                    

It's been a week since umuwi kami galing US.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nag uusap.

Noon talaga akala ko ay magiging maayos na, akala ko ay magkakasundo kami pero sadly, lalo lang kaming lumala.

Kanina nga ay halos hindi man lang kami nag imikan kahit na magkasama kaming nagperform sa stage. Alam kong naramdaman ng iba naming kasama ang kakaiba sa kilos namin.

----FLASHBACK----
🗾: Flight going back to Manila

"Ge, tumahan ka na please naman oh."

Paulit ulit nang sabi sa akin ni Ate Cynthia habang paulit ulit niya ring hinihimas ang likod ko para pakalmahin ako.

Ang sakit, sobrang sakit.

Patuloy lang ako sa pag iyak. Ni hindi ko na nga pinapansin ang ibang mga pasahero dito sa eroplano na kanina pa lingon nang lingon sa akin.

Nahihiya man ako sa kanila na kanina pa naririnig ang paghikbi ko ay wala naman akong magawa.

Sobrang bigat kasi talaga ngayon ng nararamdaman ko.

Mula kaninang lumipad ang eroplano ay hindi na tumigil sa pagpatak ang mga luha ko. Ngayon ko lang kasi naibuhos ang sama ng loob ko dahil malayo si Erik sa akin.

Ang sakit pala ng ganito 'no? Yung gusto mo pang lumaban pero tadhana na ang kalaban mo.

"Ate Cynthia ang sakit sobrang sakit talaga." I managed to say in between my sobs.

"Ge, please calm down. Pag usapan niyo na lang nang mabuti yan. Tumahan ka na naman oh. Nasasaktan na rin ako sayo."

Gustuhin ko man tumigil ay hindi ko kaya. Wala akong magawa.

"Akala ko talaga Ate sapat na ako. Bakit ganoon Ate, bakit naman niya ako niloko nang ganito?"

Gusto kong itanong sa kanya kung bakit sa kabila nang lahat ay kahit kailan ay hindi ako naging sapat.

Gusto kong malaman kung bakit kailangan ko pa siyang mahalin tapos mauuwi rin pala kami sa wala.

"Ge, please."

"Ang sakit Ate Cynthia, saan ba ako nagkulang?"

Kita ko kung gaanong awang awa sa akin si Ate Cynthia pero wala naman siyang magawa.

She just caressed my back, trying to somewhat make me feel like I'm not alone.

Pero walang silbi.

Pakiramdam ko ngayon, I was left out. I was left by my own life.

Tama nga siguro sila na hindi dapat natin inaasa ang buhay natin sa ibang tao. Dapat matuto tayong magtira ng para sa atin.

Hanggang ngayon nadudurog pa rin ang puso ko sa tuwing naaalala ko ang larawan ni Keia at Erik.

Alam na alam ko kung kailan kinuhanan ang picture na yun kaya ganoon na lang kasakit para sa akin.

Si Erik ang tinutukoy ng mga balita tungkol kay Keia. It was him whom the gossipers saw going out with her.

At anong ginawa nila? Ginagawa din ba nila yung mga bagay na ginagawa naming dalawa?

Lalong sumakit ang puso ko dahil sa naisip ko.

Is she better than me? Baka naman may naibibigay siya na hindi ko kayang ibigay kay Erik.

Secrets Beyond the StarsWhere stories live. Discover now