Chapter 5. Alamat Ng Mangga

Start from the beginning
                                    

Pero halos wala ako sa hulog magtrabaho..

Naiisip ko si Denise.. Umaalingawngaw ng paulit-ulit yung boses nia.. At nakapako yung image nia sa isip ko nung ngumiti siya saken nung nasa stage siya kahapon.. Oo, feeling ko para saken nia dinededicate yung kanta na yun..

Pero, binabasag ko din yung sarili ko.. Ayokong umasa.. Ayokong mahulog.. Delikado.. Tsaka malabo.. Isang hampas lupa, magugustuhan ng isang diwata.. Olats.. Hanggang pangarap lang yun.. But the thought struck me.. Kung naiisip ko yung mga bagay na yun, ibig sabihin inlab na nga ako kay Denise..? Pucha.. Pano nangyari yun..? Langya, ang bilis ah.. Isang kanta lang, nahulog na ko.. Hindi pwede 'to.. Dapat kong i-suppress 'tong nararamdaman ko..

Sige.. Ilalakad ko si Richard sa kania.. That way, baka magkagustuhan sila.. De mababasag na agad yung mga naiisip kong kahibangan..

Natapos ako ng eksaktong ala-una.. Sobrang init kaya pakiramdam ko, pagod na pagod ako.. Umuwi agad ako.. Kumain at nagpahinga..

Wag kaya akong maligo..? Para mabahuan siya saken.. Para bukas, hindi na nia gustuhing samahan ko pa siya..

Baduy ng naiisip ko.. Nakakahiya.. Parang gago..

Umalis ako ng bahay by 2:30pm.. Susunduin ko na si Denise.. Oo naligo ako.. Asa naman kayo na totohanin ko nga yun na hindi ako maliligo.. Hehehe..

Pagdating ko sa gate nila, nandun na si Denise.. Nag-aabang.. Ang ganda nia.. Naka-white dress.. Naka-headband lang.. Tas yung cute na havaianas.. Ganda pala ng legs nia.. Ang perfect.. Nahihiya na tuloy ako..

"Hi!" nakangiti kong bati sa kania..

Deadma.. Nakasimangot lang siya.. Hindi nia ko pinansin..

Umangkas na lang agad siya sa motor ko..

"Anu na naman? Bakit ang sungit na naman nia? Sinaniban na naman?" tanong ko sa isip ko..

"San po tayo?" tanong ko..

"Sa mango farm.." sagot nia..

Walang imikan along the way.. Pero yung mga nadadaanan namen na mga tao, bumabati samen..

"Hi, ma'am Denise.."

"Magandang hapon po ma'am Denise.."

All smiles sila pag bumabati sa kania.. And for some reason, she's greeting them back.. Parang ang bait nia..

Pagdating sa farm, dumerecho agad siya dun sa puno na may swing..

"Sige na umuwi ka na.." sabi nia..

"Ma'am?"

"Sabi ko umuwi ka na.. Iwan mo na lang yung motor.. Kaya ko ng umuwi mag-isa.."

Hindi na ko nagtanong kung bakit.. Inabot ko na lang sa kania yung susi.. At lumakad na ko pauwi..

"Anong nangyari?? Anong nagawa ko? Baket? Bakit siya ganun saken? Haay.. Ewan ko.. Parang baliw.." yan yung mga tanong ko habang naglalakad pauwi..

Until narinig kong may motor from behind.. Si Denise..

"San pupunta 'to?" naisip ko..

Lumampas lang siya ng konte saken, then huminto.. Nakatingin siya saken.. Nanlilisik yung mata..

"Iiwan mo talaga ako?!" sigaw nia..

"Juskupolord.. Sira ulo na ba talaga 'tong abnormal na babaeng 'to?" sigaw ng isip ko..

Hindi pa ko nakakasagot nung biglang;

"Sakay!!"

"Ma'am?"

Crush Mo Mukha Mo.. Where stories live. Discover now